Johnnie Walker

1.7K 80 3
                                    



"Love is like a butterfly , the more you chase it , the more it will elude you. But if you let it fly,it will come and softly sit on your shoulder."

Luke's POV


"HOLY !!!!" Bulalas ni Zach ng magkakasama silang dumating na mga kaibigan ko dito sa Billiard's Club.
Nang makalapit ay isa isang tinapik ako ng mga ito sa aking balikat.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay iinom kong muli ang isang baso ng Johnnie Walker Blue Label  na kakasalin ko lamang mula sa ika- limang bote na nainom ko na.

"Fuck pare! By looking at those bottles we can tell kung gaano kabigat ang problema mo. And no shit this ain't just beer , this is fucking Johnnie Walker Blue Label ." Ani Darwin ng ukupahin nito ang isa sa mga couch .

"Wew!!! Samantha problem we could tell." Si Jeff pagkatapos ay kumuha ng baso nasa ibabaw at tumagay rin.

"Pare,kahit ano problema pa yan you know we're just here." Ani Joseph.

"Damn! Akala ko yong pag-give up mo na tanggapin personally ang MVP award mo nong Regional Competition will be worth it. Mukhang mas nadagdagan yata ang problema." Dugtong ni Zach na mabigat ang katawang binagsak ang sarili sa mahabang couch.

Nanatiling tahimik ako habang nakatingin sa kawalan. Habang tahimik naman ding nagmamasid lang si Marco.

"Pare tama na 'to. Sabihin mo sa amin anong problema. It's only Monday for fuck's sake."  Ani Joseph na tumagay rin.

"Right! You've been drinking since Friday Night Luke!" Dagdag ni Darwin.

Hell yeah! I've been drinking since Friday Night, and I've been fucking frustrated to talk to My girlfriend since Thursday ng malaman nito ang pagpapabantay ko sa kanya sa mga kaibigan ko. At pucha ! Nadagdagan pa iyon ng mas malaki pang problema na naging dahilan ng lalong pag-iwas at galit sa akin ni Samantha.

After kong maligo at magbihis ng mabilis Friday morning na dumating kami ni Zach galing Legazpi'y nagmadali akong pumunta kagad sa school upang hanapin si Samantha. I've missed her and aside from that I had to talk to her and explained to her about what I did.
Hindi ko na ginawang libutin ang buong school dahil alam ko ganon oras ay nasa library iyon. At laking gulat ko na makitang kausap ito ni Ervin dela Costa,and as far as I know , that fucking guy is Monique's ex-boyfriend. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi nito kay Samantha, pero ang nakapagpainit ng ulo ko pa Lalo ay ng hawakan nito ang mga kamay ng Girlfriend ko. I was so ready to strangle that guy for touching my girlfriend. 
Pagkatapos dooy,hinabol ko si Samantha hanggang sa locker room. Pero sobra pag-Iwas pa rin ang ginawa nito. Lalo na ng makita kong hawakan nito ang red folder na kinuha niya sa kanyang locker . Hahabulin ko sanang muli ito ng pigilang naman ako ni Zach, sinabing hayaan ko nalang muna.
Nang Dumating ang Sabado At Linggo'y hindi ako nakatiis, pumunta ako sa kanila At nag-abang sa labas ng bahay nila ,ngunit wala pa rin. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon,dahil kahit anino nito'y Hindi ko nakita.
At kanina nga....

Muli'y nagsalin ako ng whisky sa aking baso at muling uminom.

Hindi ito pumasok sa PhiLo kung saan ay blockmate namin siya. Akala ko magkikita at magkakausap kami , pero wala pa rin.
Hanggang sa dumating ang tanghali At napagdesisyunan kong pumunta sa mall upang magbakasakaling makita ko iyon sa cafe na pinupuntahan din nito ng madalas kapag ganoong oras. At sa wakas , Hindi ako nagkamali. Naabutan ko ito sa Halos labas lamang ng cybercafe, pero sa pagkakataong iyon naman ay kausap nito sa Monique.
Hindi ko alam kung gaano na sila katagal naguusap. At nang makita ko hawak hawak ni Monique ang braso ng Girlfriend ko, umakyat ang dugo sa ulo ko At kung hindi lang babae si Monique ay baka nasaktan ko na iyon . Nang habulin kong muli si Samantha na naabutan ko naman ay nakita kong nasugatan ito mula sa tingin koy pagkakabaon ng mga kuko ni Monique . Halos madurog ang puso ko ng makita kong umiiyak si Samantha . Gusto ko siyang yakapin pero kita ko ang galit nito. Nakumpirma ko pa iyon ng sabihin nitong
To get even? That I should be happy now? Naguluhan ako sa sinabi nito . Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin . Gusto ko siyang tanungin pero .....

"Holy Shit!!!" Muli'y bulalas ni Zach. Dahilan upang matuon dito ang atensyon naming Lahat.

Hawak hawak nito ang red folder na binigay.... no! Galit na isinaksak ni Samantha sa akin kanina.
Laman niyon ay mga pictures, mga pictures na hindi ko alam na nag-eexist pala.

"Tsk!these are all SPG's . now I think I know why you're killing yourself by drinking ." Dugtong ni Zach ng maupo ito sa couch katabi nina Jeff at Joseph na kaagad namang tinignan ang sinasabi ni Zach

"Woah!!!!" "Shit!"Magkasabay na bulalas ni Jeff at Joseph.

Nakita ko ang pagtayo At paglapit ni Darwin sa mga ito at isa isang tinignan din ang mga larawan.

"Oh wow! So I assumed Samantha saw all these." Ani Darwin

Tiim-bagang na tumango ako. Sa gilid ng mata koy nakita ko seryoso pa ring nagmamasid si Marco.

"So kanino At saan galing ang mga to? " si Joseph.

" have you talked to Sam ?" Si Jeff.

I gritted my teeth bago nagsalita. " She doesn't wanna talk to me. She keeps on avoiding me." And then I clenched my jaw.at muling uminom ng alak.

"We figured that." Tipid na Ani ni Darwin.

"classic Samantha ." Dugtong ni Joseph .

"Pare, hayaan mo na muna."  Ani Zach ng lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko. Marahan pa nitong tinapik ang balikat ko.

"Sabe nga.... Love is like a butterfly , the more you chase it the more it will elude you... "  seryosong dugtong pa ni Zach then he paused  ng mapansing seryoso ang mga ekpresyon ng dumako ang tingin nina Jeff, Joseph ,Darwin samantalang blankong ekpresyon naman si Marco sa kanya. Inilibot ni Zach ang tingin sa mga ito At nagpatuloy.

"....And that shit!"  Pagtatapos nito sa sinasabe.

Pagkatapos ay malakas na halakhakan ang pinakawalan ng tatlo.

"Pucha ! Kelan kapa natuto ng ganyan Sandoval?" Natatawang pangaasar na tanong ni Joseph

"Aapply mo ba yan sa runaway fiancée mo?"  Ani naman ni Jeff sa pagitan ng paipigil ng muling pagtawa.

"As much as I don't wanna sound cheesy as that fucker." Ani Darwin na ang tinutukoy ay si Zach ng sabihin ang quote na iyon. " I agreed with him.Give Samantha time and space to think and breathe Pare."  Pagkatapos kumuha ng baso ng whisky at tinaas iyon."For now let's drink to that! " dugtong nito.

"At Tapos kana, you're not gonna drink anymore. Sa amin na to! " Ani Zach na kinuha ang apat pang bote ng Blue Label na hindi pa nabubuksan .

"Time and Space" tipid na paguulit ni Jeff kasabay ng pagtapik sa mga balikat ko ng tumayo ito At lumapit sa akin.

Time and Space my ass. Fuck! I don't think I can give her that , Hindi ako makakampante Lalo na umaaligid pa rin ang Rafael na iyon sa Girlfriend ko. I just saw him took Samantha home all the way from that condo.
Yes! I followed her and that girl from the mall going to that condo like a lovesick puppy.

Nagawi ang tingin ko kay Marco ng bigla itong tumayo at sinagot ang tawag mula sa cellphone. "Quen!"

Nang lumabas ito ng aming private room dito sa billiard's club ay saka lamang muling natuon ang atensyon ko sa mga kumag na naiwan. Sinalinan kong muli ang baso ko ng whisky at mabilis na nilagok iyon.
This whisky has been my company since fucking Friday night . And as long as Samantha and I aren't okay this will surely be keeping me company. Thank you Johnnie Walker.

My Destiny Series #1: Book One : I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon