The Old Fashioned Way

2.4K 92 0
                                    



Samantha's POV

MAKALAGLAG panty is an understatement. Dahil pati mga cutleries,plato ,baso at mga cooking pans ay halos mabasag at maihulog ko. Even nga pati ako ay halos mahulog kahit wala naman dapat pagkahulugan,bigla nalang kase ako natatapilok . Luke being around makes me so freakin clumsy. Hindi ko magawang magFocus for the first time sa simple pagaayos ng dining table na palague at nakasanayan ko namang gawin. Nasa sala sila ng pinsan kong si Hyacinth kanina habang ginagawa ko ang dapat kong gawin dito sa dining pero ramdam ko ang pagtitig at pagmamasid ni Luke kahit busy rin ito sa pakikipagusap sa pinsan ko.

Hindi ko alam kung baket parang pakiramdam ko pabebe ang kilos ko ngayon. There's something in his smile and the way he look. O dahil ito ang unang pagkakataon may lalaki and not to mention boyfriend kong pumunta dito sa bahay. "Teka? Kala ko ba Isang Linggong Pag-Ibig? Baket umeechos? Assumera ka ng taon Samantha! boyfriend mo pa rin? Confirmed naba?malay mo Andito para makipagbreak? Sige umasa ka ulet para nga nga ka ulet." Pagkontra ng maliit na boses sa kabilang bahagi ng utak ko.

Bahagya ko pinilig ang ulo ko kasabay ng mahinang pagtikhim ni Luke sa tapat ko,ito kase ang kaharap ko ngayon dito sa malaking dining table. Kasulukuyan kami kumakain ng pananghalian. Natuon dito ang pansin ko ng marinig ko ang pagtikhim nitong iyon. Nang mahuli nito ang mga tingin koy pakiramdam ko'y pinamulahan ako ng sobra,nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Pinilit kong ngumiti at maging normal ang kilos kahit ang totoo nagaalburuto ang puso ko sa kaba.

"Sam, okay naba ang pakiramdam mo? Pupunta kami ni Kuya Luke sa farm after lunch baka gusto mo sumama." putol ni Hyacinth sa katahimikan.

Wew! Finally, Pakiramdam ko kase konting konti nalang matutunaw na ako sa mga tingin At titig ni Luke. At ramdam na ramdam ko ang bilis na pagtibok ng puso ko, mas lalo akong kinakabahan.
Teka, Kuya Luke? Close na kagad sila? Mas nadagdagan ang mga tanong sa isipan ko ngayon .
Bakit nga ba andito pa si Luke ? Pano nangyaring....? "Pabebe ka talaga Samantha, eh kanina lang you were hoping na sana andito ang guapong guapong nilalang na iyan Tapos ngayon ,umeechos ka!" Pagkontra ulit ng mga boses sa kabilang bahagi ng isip ko.

"Sam....?"

Mula sa _ wala sa sariling pagtitig kay Luke ay mabilis na pagbaling sa pinsan ko ng magsalita ito  sa tabi ko ang unang naging reaksyon ko pagkatapos maputol ang pagiisip kong iyon.

"Ha?" Biglang parang naguguluhang tanong ko.

"Tsk! Ganyan pala ang epekto ng inlove. kapag andyan ang boyfriend at nanliligaw . Nawawala sa sarili."

Pinandilatan ko ng mga mata ang lecheng pinsan ko ng sabihin nito iyon.

"H-Hyacinth!!" Bulalas ko kasabay ng pag-init ng buong mukha ko. "Leche ka talaga! Humanda ka mamaya! " dugtong ng boses sa isip ko. Sinulyapan ko si Luke sa harapan ko, gusto ko kumaripas ng takbo sa kung saan dahil sa hiya ng makita kong ang sarap ng tawa nito dahil sa mga sinabing iyon ni Hyacinth.

"Ah! You're making it more obvious Sam.You should see your face. Parang kamatis sa sobra pula." Nakangising pagpapatuloy nito.

Nakakahiya! Pakiramdam koy mas lalo pa ako pinamulahan ng mukha.Bahagyang sinulyapan kong muli ang guapong nilalang sa harapan ko.

"Even more prettier." Walang kagatul-gatol na dagdag ni Luke na nakangiti. Hindi ko namalayang nakangiti na rin ako rito at sinalubong ang mga mata nitong titig na titig sa akin. Nakakahipnotismo ang mga tinging iyon, Pakiramdam ko nag-blurred ang buong paligid na ang tanging nakikita at malinaw lamang sa paningin ko ay ang guapong guapong mukha nito.Ang nakakaakit nitong ngiti ang mga labi nitong..... Shit!

My Destiny Series #1: Book One : I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon