Lost in his eyes

2.4K 102 4
                                    


" He had beautiful eyes
The kind you could get lost in
And I guess I did."

Samantha's POV

Sobra bigat ng pakiramdam ko, at Baket Ganon,para kanina ko pa naririnig ang boses ni Luke,nararamdaman ko rin ang malalambot niyang kamay hawak hawak at hinahalikan ang mga kamay ko. "Jeez Samantha! Pati ba naman sa panaginip?"
Naalimpungatan ako sa parang maliliit na boses na naririnig ko at tuluyan na akong nagising nang imbes na boses ng mga babae'y parang Boses pa rin nya ang naririnig ko."what's going on with me?"

"I'm gonna bring her to the hospital." Kalma pero punong puno ng nag-aalala ang boses at tonong iyon"

"What? Sino dadalhin sa hospital?" Naguguluhang tanong ko sa utak ko.

Automatiko namang nagsalita ako kasabay ng pagmulat ng mata at pagbangon ko "Who's going to the hospital?" Bagamat nahihilo'y kunot noong nilibot ko ang tingin ng mapansin kong hindi lang sina Andrea at Abby ang naririto "what are they doing here?" Bulong ko sa isip ko. Para me kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng biglang meron matipunong katawan sa tabi ko at mga brasong inaalalayan ako sa pilit Kong pagbangon.
"Ang bango bango nya.teka ano ba nangyayari?" Muliy tanong ko sa sarili. Naguguluhan ako at Nagulat dahil ito ang unang pagkakataong nagising akong me mga lalaki sa paligid ko.

"Easy, Baka kung mapano ka lalo"

Nilingon ko sya. "Luke..."

Matamis na ngiti ang binigay nito sakin. "Mataas ang lagnat mo,wag kana muna gumalaw," muling sabi nito habang dinadagdagan ang mga unan sa likuran ko.at dahan dahang inalalalayan akong sumandal sa mga iyon.

"Thank you!" Mahinang bulong ko Kay Luke.Ngumiti itong muli sakin.
"Crap! That smile!" Bulong ng maliit na boses sa utak ko.

Sinapo ko ang ulo ko,at napapikit ako ng marahan.Kaya pala sobra bigat ng pakiramdam at sakit ng ulo ko at ni Hindi ko na namalayang nakatulog na ako..."wait..am at Abby's place!" Kahit umiikot ang pakiramdam at paningin koy hinanap ko ang mga kaibigan ko.nakita ko naman sila nakatayo sa tabi Nina Marco at Joseph .

"I'm sorry,Matagal na ba'kong tulog?" Nag-aalalang tanong ko kina Abby.

"It's OK beshie! Magpahinga kalang. Kumusta ba ang pakiramdam mo? Sobra kami nag alala,bigla kana lang nilagnat ng sobra taas" si Abby iyon sabay abot kay Luke ng isang bowl.

"Mukha me nakain kang allergic ka" dugtong ni Marco.

Nanatiling tahimik akong nagiisip. "Shrimp and Crabs"

"Allergic kaba sa seafood Sam?" Tanong naman ni Joseph.

"Oh My Gawd! She's allergic to shrimps and crabs!Severe allergy! " Bulalas naman ni Andrea. Iritableng tinignan naman eto ni Marco.

Nilingon ko si Luke na nanatiling tahimik ngunit tiim bagang na nag-iisip.

"I'm sorry guys,didn't mean to...." Nahihiyang paghingi ko sana ng paumanhin.pero Hindi ko naman natapos dahil nagsalita si Luke.

"Girlfriend,you don't need to apologized,wala kang kasalanan,but we need to bring you to the hospital." Those words coming from him gives me goosebumps. Kitang kita rin sa mga mata nya ang pag-aalala.

Bago pa ako madala ng tuluyan sa charm ng guapong nilalang na itoy mahina akong tumikhim to compose myself at least at nagsalita rin.

"No need,but thank you! Im ok, just gonna take my medicine"

Nanatiling nakakatitig Si Luke sakin na Para bang binabasa nya kung nagsasabe ba ako ng totoo. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

I cleared my throat at nakipagtitigan din sa kanya habang sinasabing ko sa kanyang...

"I swear, I always have it in my bag.Kelangan ko lang take yon and I'll be fine!" Pero kahit paulit ulit ko yata i-clear ang throat ko ay paulit ulit rin akong malulunod sa mga titig nya. "Dang those eyes!" Bulong ng maliit na boses sa utak ko. Dahil don ay halos makalimutan Kong me iba pa kame kasama sa silid na ito.

Maya maya'y tumikhim si Joseph at nagsalita

" tikman na naten ang masarap na arroz caldo ni Abby bago pa kayo matunaw dyan at bago pa lumala ang allergy ni Sam."

Dahil sa Birong iyon ay binaling ko ang tingin sa kanila.Pero kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang pag ngiti ni Luke. "Sa mga tingin,titig at ngiti nya,feeling ko magaling na ako!" Bulong muli ng maliit na boses sa utak ko.

My Destiny Series #1: Book One : I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon