Chapter 2
Ikalawang araw na ng burol ng anak ko at bukas ang kahulihan. Until now hindi ko pa rin matanggap. Kaya nga simula ng iburol si Andy dito sa bahay nagkulong lang ako sa kwarto. Sila Andro ang nag-asikaso ng burol ng anak namin.
Kasalukuyan akong nakatitig sa picture ng anak ko nang biglang tinawag ako ni Andro.
"Hon?"
Lumingon ako sa pinto at niluwa nito ang asawa ko. Mukang wala rin syang tulog, pero kung titingnan kaming dalawa mas malala ang itsura ko.
"Hon bumaba ka na muna andiyan ang mga kaibigan mo"
Kaibigan
Nangunot ang noo ko at tsaka seryuso syang tiningnan.
"Sinong mga kaibigan?"
"Si Trisha at Deille"
Umiwas ako ng tingin sa asawa ko.
Sa pagkaka-alala ko, nong nalaman nilang buntis ako iniwasan nila ako
at di na pinansin. Tapos ngayon dadalaw sila?para saan pa?"Ayukong bumaba"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya saka umalis ng kwarto.
Asawa ko ba talaga sya?he never comfort me.
Napalingon akong bigla sa cellphone nya na tumutunog.
Unknown number calling...
Kinuha ko naman ito at sinagot.
"Dro?"
Kumunot ang noo ko nang makarinig ng boses ng babae sa kabilang linya.
Narinig ko ang mahina nitong hikbi."Dro please umuwi ka na muna dito. K—kailangan kita."
Napalunok ako ng ilang beses.
Umuwi saan?may iba pa bang bahay ang asawa ko?napahawak ako sa bibig ko nang may isa pang bagay na pumasok sa isip ko."Dro we need you"
Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod nyang sasabihin.
"Dro alam kong nagluluksa ka sa anak mo p—pero sana wag mong kalimutan na d—dinadala ko ang magiging bago mong anak. K—kaya please kausapin mo ako. Umuwi ka na dito sa condo"
Para akong pinatay sa bagong nalaman ko. Una si Andy ngayon naman ang Daddy nya.
Ito ba ang dahilan?kaya ba palaging umaga na sya umuuwi o kung minsan ay hindi?
"Dro sumagot k—ka naman ohh?"
Huminga ako ng malalim.
"Anong pangalan mo?"anya ko.
Pinipigilan ko lang na sigawan ang babaeng 'to, pero gustong-gusto ko ng magwala!
"S—sino ka?"
"Asawa nya ako, ngayon sino ka?"
Hinintay kong sumagot sya pero wala. Pinatayan nya pala ako.
Nang maibaba ko ang cellphone sunod-sunod ang pag tulo ng luha ko.
Diyos ko anong klaseng pag subok 'to?bakit di mo na lang ako isunod sa anak ko?
Dumapa ako sa kama at ibinuhos muli ang luha ko. Parusa ba 'to?masama ba akong tao?hindi ba ako karapat-dapat para sumaya?
"HON PANGATLONG ARAW NA NI ANDY, HINDI KA PA RIN BA LALABAS?"
![](https://img.wattpad.com/cover/162621163-288-k478677.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wife (UNDER REVISION)
RomanceMelody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything...