Chapter 14

1.5K 31 3
                                    

Chapter 14

Sa dalawang buwan kong pagta-trabaho sa ITN company masasabi kong mas hectic ang naging scheduled ko ngayon. Katulad ngayon, andito ako sa pinag-ganapan ng isang aksidente para kumalap ng impormasyon.

Isang pampasaherong bus ang nawalan ng preno at bumunggo sa isang puno ng balete. Dose patay higit bente katao sugatan.

Napahimas ako sa aking ulo, at napatingin sa bus. Maraming dugo sa may harap nito, lalo na sa parteng unahan ng mga bintana.

Naalis na yung mga patay pero yung ilang sugatan ay nandito pa rin.

Pinukaw ang atensyon ko ng babaeng naka-tulala lang sa may gilid. Umiiyak ito yun nga lang walang tunog. Kung baga dere-deretso lang ang mga luha nya.

Nang tumingin ako kay Zeke nakatutok ang camera nito sa babae.

"Melody tapos mo na ba?"

Napatingin ako kay Eloisa, sya ang reporter ngayon. Ang sabi kasi saka na lang ako mag report kapag kaya ko na. Kaya ang kadalasang naka-assign sakin maghanap ng impormasyon, o kaya'y pag-gawa ng mga news article.

Tumingin ulit ako sa nasulat ko bago ito binigay sakanya.

"Kaya mo ba yang kabisahin o kailangan ko pang isulat sa manila paper?"

Nginitian ako nito at umiling.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Zeke tara!"

Napatingin ako kay Eloisa. She's only 24 years old. Pero medyo mas matagal na sya sa ITN kaya gamay na nga nya.

Napatingin ulit ako sa umiiyak na babae at nang hindi ako maka-tiis ay kumuha ako ng isang tubig na nasa bote para ibigay sakanya.

"Miss ayus ka lang ba?"Anya ko.

Ini-abot ko dito tubig. Nong una tinitigan nya lang ito, pero nang tumagal kinuha nya na rin.

"Salamat"

Pinunasan nya ang kanyang luha at pilit na ngumiti.

Siguro na-trauma sya sa pangyayare.

"Gusto mo bang ipa-assist na kita sa mga rescuers?"

Umiling ito at bumuntong hininga.

"Ang baby ko"

Napatingin ako sakanya ng magsimula na syang mag-salita.

"Isa sa namatay ang baby ko, hindi ko man lang sya naligtas"

Parang kinurot ako sa sinabi nya.

"Kung hindi mo kayang i-kwento'y pwede ka ng tumigil. I'm sorry to hear th—

"1 years old pa lang ang baby ko pero namatay na s—sya. Dapat hindi ko sya nabitawan. Kung sana hindi ko sya nabitawan buhay pa sya. Sana ako na lang ang namatay"

Hinaplos ko ang likod nito.

"Naiintindihan ko"

"Hindi...hindi mo naiintindihan"nang sabihin nya yun ay humagulhol na sya.

"Naiintindihan ko dahil namatayan din ako ng anak noon, tatlong taon lang ang anak ko nang mabunggo sya"

Parang napukaw naman sya sa sinabi ko at natigil sa paghagulhol, kaya nagpatuloy ako.

"Ang buhay ng isang tao kung nakatakdang matapos, matatapos. Maging malakas ka, dahil siguradong malulungkot ang baby mo. Be brave for you and for yourself, mukang bata ka pa naman"

Nakagat nya ang ibabang labi bago dahan-dahang tumango.

"19 ako nang mabuntis ng boyfriend ko, pero tinakbuhan nya ako. Nang dahil sa pagbubuntis ko natigil ako sa pag-college"

His Wife (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon