Chapter 9
"Give me the necklace"bungad ko kay Andro nang makapasok ako sa isang cafe restaurant.
Nakasuot ako ngayon ng sunglasses at mask para walang makakita ng muka ko.
"Why are you wearing sunglasses and mask?"nakakunot ang mga noo nito habang tinatanong ako.
"Anong gusto mo?ipakita ko ang pagmumuka ko?para ano?gusto mo bang malaman nila na asawa mo ako?tsaka may issue pa nga ako don sa artistang naghatid sakin e"
I extended my left hand to him
"Give me the necklace"
"Can we order first?you're so excited, relax!"
Umismid ako kahit hindi nya pa nakikita ang muka ko.
"Akin na nga kasi?"
"No let's order first, you have to eat. Tingnan mo nga yang katawan mo, nangangayayat ka na. Nong ako pa ang asawa mo hindi naman ganyan ang kataw—
"Anong gusto mo?tumaba ulit ako?tsaka dati yun nong—
Nahinto ako sa pagsasalita ng ma-realize ko ang sinabi nya.
Nong ako pa ang asawa mo hindi naman ganyan ang kataw—
Biglang nanikip ang dibdib ko ng maisip na kino-consider nya ng hindi na kami mag-asawa.
"Natahimik ka?are you ok?"
"Pumayag ka na sa annulment Andro"wala sa sarili kong nasambit.
Itinago ko sa ilalim ng mesa ang nanginginig kong kamay, habang nakapatong sa may hita ko.
"Still a no Melody, asawa pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo"
"Kakasabi mo lang diba?nong asawa mo pa ako hindi ganito ang katawan ko, so technically you considered me as your ex wife"
Napahilot ito sa noo nya, sumilay ang maliit nitong ngiti na mas kinainis ko.
"Ok nagkamali ako, ibig kong sabihin nong magkasama pa tayo sa iisang bahay"
Nangunot ang noo ko
"Bakit ka ba nakangiti?"inis kong tanong sakanya.
Kinagat nya ang ibabang labi upang mapigilan ang muling pag ngiti.
"Wala akin na lang yun"
"C'mon Andro I'm not kidding around just give it to me!"
"Ok, ok!I will give it to you, but first let's eat ok?"
Napabuntong hininga na lang ako sa katigasan ng ulo nya.
"Fine"
Nang matapos kaming mag-order, sinimulan ko na agad lantakan ang cake na order ko.
"Madaling-madali ka Melody, may pupuntahan ka ba?"
Nagkibit balikat na lang ako.
"Oww look who's here"
Sabay kaming napatingin ni Andro sa nagsalita.
"Betina?"Anya Andro
"Surprise dro!happy to see me?"sarkastikong wika nito.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Syempre inalis ko yung mask ko, alangan namang kumain akong naka-mask, pero naka-salamin pa rin ako.
"Ibang klase ka talaga Melody, hiwalay na kayo pero ikaw habol ka pa rin ng habol sa boyfriend ko"
Kumuha ako ng tissue bago pinunasan ang bibig ko, saka ako tumingin sakanya ng nakangisi.
"Well may mas karapatan ako"
![](https://img.wattpad.com/cover/162621163-288-k478677.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wife (UNDER REVISION)
RomansaMelody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything...