Chapter 12
Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko ng trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit patuloy pa rin ako sa pag-pasok ng trabaho, hinahanap ko na lang ang sarili ko. Napailing ako sa naisip ko. Hindi ko kasi talaga kayang sabihin kay boss na ang asawa ni Andro ay ako.
Nang makababa ako sa kusina ay bumungad sa 'kin ang isang tupperware na nakapatong sa mesa.
Sa pagkaka-alala ko hindi ako nagluto kagabi pagkahatid sakin ni Andro, at sigurado din akong hindi 'to sakin.Lumapit pa ako, at napansin ko ang isang stickey note. Mukang alam ko na kung kanino 'to galing.
I cooked adobo last night when I got home. I still bring Andrea and she's asking for you, but I told h that you're busy. I left for you so you can taste it. If it's taste bad you can throw it away.
Goodmorning and have a nice day:)Matapos kong mabasa ang sulat agad kong kinuha ang tupperware at binuksan 'to. Medyo mainit pa, siguro ininit nya bago pumunta dito?
Kumuha ako ng tinidor bago 'to tinikman. Nanlaki ang mata ko ng matikman ko 'to. Grabe!
Sobrang pangit ng lasa!
Napaka-alat, at mas nalalasahan ko ang toyo. Ibang klase!hindi man lang ba sya marunong tumikim?
Napailing na lang ako bago 'to nilagay sa kawali, kaya ko pa naman 'tong gawan ng paraan. Sayang naman kung itatapon ko, sayang naman effort nong tao.
Matapos kong dagdagan ng tubig ang adobo at lagyan ng konting asukal nag-saing na din ako.
Napatingin ako sa phone ko nang may mag pop ditong message. Galing kay boss Gino.
Go look for Andro, kumuha ka ng scope tungkol sa asawa nya. Naisip kong hanggang bukas ka na lang sakin kaya baka hindi mo na mahanap ang asawa ni Andro Chavez, kaya sya mismo ang tatanungin natin.
Napanganga ako sa nabasa ko. Alam ni boss na hindi pumapayag si Andro sa mga interview tungkol sa asawa nito, which is ako. So pa'no ko yun gagawin?
Agad akong tumipa para replyan si boss.
To Boss Gino:
Boss diba po nabanggit nyo sakin noon na hindi pa pumayag na magpa-interview si Mr.Andro tungkol sa pagka-tao ng asawa nya?From Boss Gino:
Don't worry, sumagot sya sa email ko kanina lang sya mismo ang nagbigay ng approval.To Boss Gino:
Hindi ba pwedeng iba na lang mag-interview sa kanya boss?From Boss Gino:
Hindi e, sabi nya kasi papayag lang sya kung ikaw ang mag-i-interview. Naku bruha haba ng hair mo, mukang type ka ni Mr.Chavez.Hindi ko na lang ni-replyan si boss. Ano na naman ang gustong mangyare ni Andro?nababaliw na ba talaga sya?kakatapos pa lang ng issue ko tungkol kay Ethan, ngayon gusto nya na namang sumunod?dahil ba 'to sa kagabi?
Napatingin ako sa inaayos kong luto ni Andro, nang tikman ko 'to ay maayos na naman ang lasa, kaya pinatay ko na ang stove, kanin na lang ang hihintayin kong maluto.
Kinuha ko ulit ang phone ko para
ma-contact si Andro."Hello?"bungad nito sakin.
Napa-buntong hininga na lang ako, relax self don't shout on this crazy bastard.
"How's the adobo?"
"Ang pangit ng lasa"
Natahimik sa kabilang linya.
"Sorry"
Sa tono ng boses nya mababakas ang lungkot. He cooked it so why he's sad?talaga bang hindi nya tinikman ang niluto nya?
BINABASA MO ANG
His Wife (UNDER REVISION)
RomantizmMelody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything...