Chapter 5
Kaya ko to!
"Melody you're late!"
Agad akong kinabahan ng marinig ko ang boses ng boss ko. Bakit ba kasi kailangan kong ma-late ng gising?damn it!
"Hi boss"
Ngumiti ako, labas ang ngipin–napasimangot rin kalaunan dahil inilingan lang ako ng boss ko.
Ngumuso ako."Sorry na boss tinanghali kasi ako ng gising"
"Hay naku Melody alam mo naman na importante ang pupuntahan mo ngayon!"
Napayuko ako.
Ngayon meron kaming interview sa may ari ng AMC Empire. Isa akong reporter sa hindi kilalang channel at kapag kami ang kaunahang maka-interview sa may ari ng AMC Empire posibleng makuha ako sa isang kilalang channel!
"Pasalamat ka dahil may meeting ngayon si Mr.Chavez"
Biglang tinambol ang puso ko nang marinig ko ang apilyedong yun.
"Ayus ka lang ba Melody?"
Mabigat ang pinakawalan kong hininga bago tumango.
"S—sinong Chavez?"
Nanlaki ng bahagya ang mata ni boss.
Saka nya ako hinampas sa balikat."My gosh Melody hindi mo sya kilala?sikat kaya si Mr.Chavez dahil bukod sa mayaman na aba ay sobrang hot pa!"
Pasimple akong umirap, umiral na naman kasi ang kabadingan ni boss.
"Tandaan mo ang pangalan nya huh?Andro Chavez 30 years old!batang bata pero successful hindi ba?"
Tinambol ulit ang puso ko ng ilang beses. Sa dinami-dami bat sya pa?
"M—may asawa na sya?"
"Ahuh!sa pagka-dinig ko ay may asawa na sya pero nilayasan sya. Sa ngayon meron syang girlfriend"
Napalunok ako. Sila pa rin?
"May a—anak ba sila ng g-girlfriend nya?"
Umiling si boss.
"Wala akong naririnig na ganon. Kaya naman ang goal mo alamin ang pinakang sekreto ni Mr.Chavez! understood?"
Tumango tango ako at sya namang pag pasok ni Zeke ang aming camera man.
Nagda-dalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako?gusto ko na yatang mag back out!"Morning Ms.Melody"
Ngumiti ako. Mukang puyat ang luko!
"Ayus ka lang ba Zeke?"
"Medyo puyat po Ms.Melody pero ayus lang dahil sulit"
Lumapit ako sa coffee maker para mabigyan sya ng kape.
"Bakit?may nakuha ka ba sa artistang pinapasundan sayo ni boss?"
Binigyan ko sya ng kape. Lumabas ang biloy nya ng ngumiti sya.
"Oo Ms.Melody!nakuhanan ko syang nakikipag halikan sa kanyang secret boyfriend"
Bumilog ang bibig ko.
"Nice one Zeke galing mo!"
Umupo ako sa tabi ni boss na nakikinig lang.
"Ito pa ang malupit!mukang may anak na sya!"
Parehong nanlaki ang mata namin ni boss na nag simula ng magtitili.
"Ang aking hinala ay inabandona nya ang anak nya sa ama ng bata!"
BINABASA MO ANG
His Wife (UNDER REVISION)
RomanceMelody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything...