ART POV.
Kasalukuyang nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking salamin habang nakatingin sa sariling repleksyon
..ito ang araw na ipapasa na ni dad ang pagiging pinuno kay alleya.
.gustuhin ko mang di dumalo wala parin akong magagawa.
.ito ang rules ng pagiging mafia lalong lalo na sa pamilyang ozawa..dahil ito ang pinaka hihintay ng lahat,
imbitado ang buong mafia magpa kalaban man ito o kakampi..matagal na taon na ang lumipas at ngayon lang muli magpapasa ang angkan ng ozawa sa babaeng nakatakdang maging pinuno...
ozawa ang nangunguna sa larangan ng buong mafia,takot ang lahat sa pamilya namin.
.kaya siguradong napakaraming dadalo sa pagdiriwang na to..napabuntong hininga na lang ako..at ngumiti ng pilit narinig ko ang marahang pagkatok sa pintuan mabilis kong binuksan ito at tumambad ang isa sa mga tauhan namin..
"Hinihintay na po kayo ng mga kapatid nyo sa labas"
magalang na wika nito tumango lang ako at naglakad pababa ng hagdan
,kitang kita ko kong gaanu kasaya ang mga mukha nila specially kay Alleya.
.nakasuot ito ng kulay pulang gown lumitaw ang kanyang kaputian at kagandahan sa soot nya.
.peru di parin maitatangging kahit anong gawin nya wala syang panlaban kay Assialheya..
napabuntong hininga na lang ako ng maalala muli ang kapatid ko.
.'kung nandito ka sana princess,di ako magdadalawang isip na umalis sa pamilyang to'
biglang nasabi ko sa isip ko..tuloy tuloy akong naglakad patungo sa sasakyan ko ramdam ko ang matatalas na tingin ng apat kong kapatid rinig ko rin ang pagtawag ni alleya sakin..
peru diko ito pinansin..
"Wala akong panahon sa mga taong mga halang ang kaluluwa"
biglang nasambit ko at saka mabilis pinaharorot ang sasakyan...
hanggang sa makarating ako sa isang park..napangiti akong bumaba at naglakad patungo sa swing..medyo makulimlim ang paligid at iilan lang ang mga taong namamasyal dito..rinig ko ang bulungan ng ilang mga babae habang nakatingin sa gawi ko.. napatingin ako sa kalangitan ng makitang may pumatak na tubig galing sa langit..kasabay noon ang malakas na hangin..
"Kuya..can i sit beside you"
rinig kong tinig ng isang batang babae napatingin ako dito nakangiti ang bata habang nakatingin sakin..
napatitig akong mabuti dito at tumango na naging dahilan para humalakhak ang bata at naupo sa tabi ko..
"Bakit po kayo malungkot kuya?"
biglang tanong nito..ginulo kong bigla ang itim na itim na buhok nito at ngumiti..
"you know what,naaalala ko ang munting princess ko dahil sayo!!"
nakangiti kong sabi.
."You mean may anak na din po kayo!!?nasaan sya?"
biglang tanong ng bata kaya napahalakhak ako.
.'i miss this day,namiss ko kong panu naging masaya,nalimutan ko ang tumawa at i enjoy ang sarili simula ng namatay si assialheya.'
pinigil ko ang luhang muntik ng kumawala sa mata ko..
"No,nothing what i mean is my lil sister..i really missed her"
Sabi ko at kinurot ang pisngi ng bata..napasimangot naman ito kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.
."Ouch kuya,,Peru nasaan po sya?bat di nyo sya kasama gusto ko makilala sya kuya"
nakangiting sabi ng bata naupo ako sa damuhan at ngumiti ng pilit,
"Gustuhin ko mang dalhin sya at ipakilala sayo..diko na magagawa"
sabi ko at ngumiti ng pilit muli..
"Bakit po?"tanong muli nito.
"Kasi kinuha na sya ni God..nasa langit na ang kapa..."
diko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
."Sige,i need to go baby..may kailangan pang asikasuhin ang kuya mo..masaya akong nakilala kita"
sabi ko at mabilis na naglakad palayo dito.
.mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at handa na sanang pumasok ng may mapansin ako sa kabilang kalsada para akong binuhusan ng malamig na tubig na mapagtanto kong sinu ito.
."DEATH"
bigla kong nasambit biglang may mabilis na dumaan na sasakyan at sa isang iglap nawala ang bulto ng nakatayong tao sa kabilang kalsada
..mabilis akong sumakay ng kotse at pinaharorot ito..habang di parin mawala sa isip ko ang nakita ko..
'si DEATH anong kailangan nya bat nagpakita sya sakin?'
tanong sa isip ko at kinilabutan sa naiisip
si DEATH ay kilala sa mundo ng Mafia brutal kong pumatay ito at walang kinikilala,,ni minsan ay walang gustong kumalaban dito kahit ang nakakataas pa na mga ibat ibang pinuno ng ibat ibang organisasyon..
ni isa ay walang nakatukoy kong babae man o lalaki ito..dahil nasasakluban ng itim na hood ang mukha nito..at basi sa mga pag aaral wala raw humahawak na tao sa kanya..di hawak ng mafia o kong sino man ito.
.napahilamos ako sa mukha at napaisip muli..
"Shit,anong kailangan mo Death sakin?"
biglang nasabi ko ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko..
'marahil dumating na ang panahon ng karma sakin'
biglang nasabi ko at napangiti ng pilit.
.'mukhang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko dahil ramdam ko ng ngayon pa lang malapit na ang kamatayan ko at hinihintay na ako ng mga demonyo para ihatid sa empyerno'
BINABASA MO ANG
I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]
ActionPAANO NALANG KUNG ANG BATANG INAAPI NILA SA UNANG PANAHON NA NGAYON AY MAGIGING ISANG PINAKAMALAKAS NA DEMONYO SA KANILANG LAHI NGAYON, KILALANIN NATIN , SYA SI ASSIALHEYA HELLYA OZAWA AND SHE'S "THE REAL QUEEN"