CHAPTER 18

522 10 0
                                    

  DEATH POV

Napangisi ako ng makita ang mukha ni kuya art na wala ng kakulay kulay dahil sa salitang binitawan ko..

Napatingin din ako sa apat na mga hayop na kapatid kong puno ng sugat ang katawan at gulat na nakatingin sa gawi namin..
Na mas lalong nakapagpatawa sakin ng malakas.

"HAHAHAHAHA"

"Alam kong alam mo kong sino ako Art Ozawa,at alam ko rin na kapag nagpapakita ako sa isang tao ay may kinalalagyan."

Muli kong sabi sa malamig na tono..
Ramdam ko ang pagpigil nito ng hininga at pamumutla ng mukha lalo..

"Pe-please,ko-kong papatayin mo -ko ga-gawi-n mo na-ngayon para makasa-ma ko na an-g tao-ng mata-gal ko ng makita"

Nahihirapang wika nito at kita ko ang sobrang lungkot ng mukha nito ng sambitin nya ang mga salitang yun..

Parang may humaplos na kakaibang pakiramdam sa dibdib ko..
Napangiti ako ng pilit at sumeryuso muli...Gustohin ko mang yakapin ito peru diko magagawa..
Gustuhin ko mang sabihin ang lahat sa kanya na si Death at assialheya ay iisa..
Diko parin magagawa dahil wala pa sa tamang panahon para magpakilala ako sa kanya..

Maaaring sa ibang pagkakataon o kaya magpakilala ako sa ibang katauhan peru hindi sa pagiging Death.

Diko pa nahahanap ang totoo kong misyon..
Kaya ililihim ko munang ako na si assialheya at si death ay iisa ang katauhan..peru matapos ang labanan nato babalik ako at magpapakita muli sa kanila
Bilang assialheya at hindi bilang death.

Gusto ko pang maghiganti at pahirapan ang sarili kong pamilya pamilyang sinira ang buhay ko lalong lalo na ang ama ko.
Alam ko ang katotohan at kahit kailan di ako nagalit kay kuya art..
Alam ko rin kong anong nararanasan nito sa kamay ng demonyo kong mga kapatid..

Napabalik ako sa wisyo ng mabilis na sumugod si alleya sa kinaroroonan ko mabilis kong itinulak si kuya art at inilagan ang tira ni alleya.
Napangiti ako ng mas lalo ng makita ko kong panu ito magalit sobrang tumingkad ang kulay ng mata nito at nanlilisik sakin.

  Aaminin ko ramdam ko ang lakas ni alleya at alam kong di ko basta basta ito matatalo 

Peru isa lang sigurado ko kayang kaya ko syang patayin.

Peru hindi pa sa ngayon
Gusto kong maglaro at malaman kong hanggang saan ang kaya at lakas nya..

Gustuhin ko mang patayin sya ngayon peru diko magagawa dahil alam kong nasa kanya ang kasagutan ng lahat..
Alleya is only daughter of Roegan ichigo Ozawa na kakambal ni Reigan na ama ko.kong kayat siguro ito rin ang nakamana ng lakas ng ama nya..

Di na ako nagulat ng maramdaman ko ang presensya ni Roegan kanina..
At alam ko rin na sya ang namuno sa lahat ng mga nagsulputan na kalaban nina Reigan..

"Damn you,DEATH..ipakita mo ang lakas mo at lumaban ka ng totoo harapin mo ako at ilabas mo ang demonyong nakatago sa loob mo"

Hamon. Ni alleya na ikinangiti ko.

"Alam kong nakikipaglaro ka lang sakin alleya..at sinisiguarado kong dika mananalo sa pakikipaglaro mo dahil isa kang talunan.."

Nakangisi kong sabi mabilis itong nawala sa kinatatayuan at mabilis na sumulpot sa likuran ko..

"Hindi,dahil ikaw ang talunan Death naalala mo ba ang nakaraan kong panu ko sirain ang buhay mo..
Kaya humanda ka dahil kong noon dika natuluyan ni Reigan pwes ngayong araw tatapusin ko ang buhay mo my dear sister assialheya Hilliah ozawa"

Bigkas nito sa tinga ko at mabilis na inihampas sa gawi ko ang armas na hawak nya..
Mabilis akong kumilos at parang isang bula na nawala sa kinatatayuan ko at napunta malayo sa kanya at nakaharap dito..

Kita ko ang gulat sa mga mata nya.. Ng gawin ko yun

"Hahahaha at sa tingin mo ganun parin ako kahina..pwes nagkakamali ka dahil galit ang naging puhunan at dahilan kong bakit napunta ako dito at galit din ang nakapagpabuhay ng totoong demonyo sa katawan ko"

Malamig na sabi ko naningkit ang mga mata nito sa galit at walang sinayang na oras tinakbo nito ang pagitan namin at nakataas ang isang samurai na kumikislap sa mga patay sinding mga ilaw..
Nanatili lang akong nakatayo at hinintay ito  

I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon