CHAPTER 43

270 3 0
                                    

  DEMI POV

"FUCK YOU DRIXZEUZ"

Sigaw ni Eyah at ginulo ang buhok muntik na ako humagalpak ng tawa dahil sa kanya

,napangisi na lang ako ng mapansin na may nag iba sa mga kinikilos nito ng mga nagdaang araw ang dating walang emosyon at kabuhay buhay na mukha ay nag iba nagkaroon ito ng emosyon at masaya ako sa nakikitA ko

'sana sana tuloy tuloy na yan eyah,at tuluyan ng di lamunin ng galit ang puso. More"

nakangito kong sabi

"Maam,may gusto po sainyo makipag usap"

sabi ng lalaking nasa harap ko kaya nakakunot ang noo kong tiningnan ito

"Sino?"
bigkas ko

"hmm,diko po sya kilala,peru sabi ng ibang mga kasama ko sa trabaho kaibigan mo raw po yun,hmm art yata pangalan po nun"

bigkas nito na parang nag iisip bago lang ito sa bar kaya alam Kong di nya pa kilala ang mga nakakasalamuha at kakilala ko..Peru napatigil ako ng bigkasin nya
Ang pangalan na art.

"ART?sigurado ka bang yun ang pangalang nadinig mo?
Ulit kong tanong dito tumango ito ng tatlong beses na syang nagpakalabog ng malakas ng dibdib ko

,"Na-nasaan sya?"

kabado kong sabi may naramdaman akong kakaiba peru isinantabi ko ito

"nasa labas po ng bar daw,doon sa dati nyong tinatambayan po"

sabi nito kaya napatango ako,muling tumingin ako kay eyah na nakapikit at bumuntong hininga

,'Kailangan ko munang makausap si art,bago ko sabihin kay eyah,baka kasi mabigla sya'

bigkas ko sa isip ko at tumango sa kausap,

"sige na bumalik kana sa trabaho mo"

bigkas ko mabilis naman itong nagpaalam kaya sumulyap muna ako kay eyah bago naglakad pababa ng hagdan,

mabibigat ang mga hakbang ko at parang may pumipigil sa mga paa kong lumabas ng bar at puntahan ang sinasabi nilang naghahanap sakin peru kailangan kong makausap kong si art man yun,dahil may mahalaga akong sasabihin dito,

nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang makalabas ako,mabilis ang pintig ng puso ko at may kabang nararamdaman sa diko alam na kadahilanan,

..naglakad ako patungo sa may puno na malaki habang sa tapat nito ay may upuan at ito ang tambayan namin ni art,medyo madilim ang lugar na yon peru kitang kita ko ang imahi ng nakatalikod na lalaki

,,napangiti ako ng makilala kong sino ito kahit nakatalikod ay hinding hindi ko malilimutan to,,

lumapit ako sa bandang likuran nito habang di maitago ang ngiti dahil masaya akong masilayan muli si art

"Tssk.WALANGYA ka akala namin kong anong nangyari sayo Alam mo bang pinag alala mo kami lalong lalo na ako"

sabi ko at mabilis na kinabig ito para sana yakapin ng mahigpit

,'di ako tanga o manhid para di malaman kong anu ang nararamdaman ko para sa kanya,the way na mag alala ako at laging mukha nito ang nakikita kahit san ako tumingin,akala ko wala lang peru isang araw na realize ko na lang bigla pagkagising ko,na ang lahat ng nararamdaman ko ay pagmamahal pala,pagmamahal na ngayon ko lang naranasan sa isang lalaki at yun ay kay art

' ngumiti ako dito ng mapaharap ito sakin peru napawi ang ngiti ko ng diritso lang na nakatingin ito sakin,na parang ibang ibang tao na,sanay ako sa pagiging tahimik at masungit nito dati peru bakit ngayon ibang iba ang taong kaharap ko ngayon,

I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon