CHAPTER 17

535 13 0
                                    

  THIRD PERSON POV

"DEATH"

biglang naibigkas ni art ng maaninag ang taong nasa likuran nito..

dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak ni alleya sa leeg ni art kaya wala itong inaksayang panahon

mabilis na sinipa ni art sa tiyan si Alleya kong kayat mabilis na napasalampak at nakabitaw si art sa pagkakahawak ni alleya
,naglalagablab ang mga mata nito at mistulang demonyo..na napatitig sa kanya naglalakihan ang mga mata ni art ng biglang nawala ito sa kinatatayuan at napunta sa harapan nya si alleya

,,mabilis nitong inaangat ang samurai na may bahid na dugo at mabilis na iwinasiwas sa kinaroroonan nya muling napapikit si art at inantay ang pagtama sa katawan nya ng samurai

peru nabigla ito ng may malakas na pwersa ang naramdaman nya sa unahan nya..

"HAHAHAHAHAHA"

"Ganon ka ba talaga kahina,para labanan ang isang taong napakahina,Alleya..?"

rinig nyang sabi ng isang tinig sa harap dahan dahan nitong iminulat ang mga mata at napasinghap ng
tumambad ang dulo ng samurai ni Alleya na hawak at sobrang lapit sa mukha nya isang inch na lang bago maabot ang noo ni art..kong hindi lang dahil napigilan ni death ito ay siguradong sa mga oras ngayon ay nahahati na ang katawan ni art.

.mas lalong napalaki ang mata nya ng bumaba ang tingin sa mga kamay ni death gamit ang
dalawang daliri nagawa nitong saluhin ang talim ng samurai ni alleya..
may kong anong damdamin at pagkamangha ang sumibol sa pagkatao ni art at ramdam na ramdam nya ang..sobrang lakas ng pintig ng puso nito
sa di malamang kadahilanan,,at imbis na takot ang madama ay may munting kasiyahang pumalit sa takot na nadama niya

."HAHAHAHAHAHA"

malakas na tawa ni alleya ng mapagmasdang mabuti si Death,

nakasuot ito ng itim na kasuotan at nanatiling nakasaklob ang itim na hood sa mukha kong kayat di nito makita ang buong mukha ni death

.."At sino ka namang hangal na naglakas loob na labanan ang isang kilalang mamumuno sa ozawa mafia"

nakangising wika ni alleya habang mabilis na sinipa si death peru mabilis na naiwasan nito at parang bula na biglang nawala sa pwesto at napunta sa likuran ni alleya na ikinagulat nito kasabay noon ang paglapit sa tenga nito..

"Simple lang,dahil ako ay si death at ako ang taong susundo sayo para ihulog sa empyerno"

bulong ni Death at kasabay noon ang mabilis na pagpakawala ng sipa sa tagiliran ni Alleya,

galit ang mukha ni alleya at mas lalong tumingkad ang kulay ng mga mata nito na mas lalong ikinangisi ni death,

"Hindi mali ka dahil ang kaharap mo ay isang demonyo at sanay ako mAmuhay sa empyernong tinutukoy mo,"

seryusong bigkas ni alleya at mabilis na sinugod si death...

Sobrang bilis ng mga kilos ng dalawa at hindi masabayan ng tingin ni art..

**samantalang patuloy ring humahalakhak si Roegan habang patuloy na nilalabanan si Reigan

,"HAHAHAHAHA"

"Tanggapin mo Reigan na wala ka paring laban sa isang demonyong katulad ko"

mapang asar na wika nito at mabilis na nagpakawala ng isang kutsilyo na tumama sa balikat ni Reigan..

napaatras si Reigan at napayuko muling malakas na tawa ang pinakawalan ni Roegan ng makitang dumaloy ang masaganang dugo ni Reigan.

.kasabay noon ang mabilis nitong pagtakbo upang sugurin ang nanatiling nakayukong si Reigan,
mahigpit na hinawakan nito ang samurai na hawak at itinaas mabilis na nilundag nito ang pagitan nilang dalawa ni Reigan kasabay ng pagbagsak ng mga paa nito sa sahig ay syang paghampas naman ng samurai sa kinatatayuan ni Reigan

peru nagulat ito ng mabilis na masalo ni Reigan ang dulo ng samurai na hawak nya.
.at dahan dahang iniangat ang paningin nagtama ang parihong mga mata ng dalawa na parhong magkasingtingkad ang mga kulay ng mga mata.

."Nagkakamali ka ng inaakala mo ichigo dahil nagsisimula pa lang ang totopng laban"

malamig na sabi nito at mabilis na dinukot ang isang matalas na kutsilyo sa tagiliran at walang alinlangan isinaksak nito sa tagiliran ni Roegan..

"Arrghhh,I KILL YOU Reigan"

galaiting sigaw nito at mabilis na sinugod si Reigan animoy pariho itong demonyo na nagsasalpukan at nagpapalitan ng tira. hanggang sa pariho itong bumagsak sa sahig at kapwa may tama...

***
sa kabilang banda naman kong saan naroon ang grupo ni dark,demi at apat na magkakapatid
ay muli ang sunod sunod na pagsugod ng mga kalaban sa gawi nila

..kahit hirap na ang mga katawan nila ay pinilit parin nilang lumaban..
palitan ng putok ng baril at salpukan ng mga samurai ang maririnig muli sa buong paligid.

. hanggang sa muli ay sabay sabay ang mga itong bumagsak at isa isang napa ubo ng dugo dahil sa mga sunod sunod na pagbaon ng mga kunai sa katawan nila.

.nanlalabo ang mga mata ni demi ng bumagsak ito dalawang shurikens ang nakatama sa magkabilang balikat nito at isang hiwa sa tagiliran na patuloy na umaagos ang dugo

..si Dark ay ganun din ang kalagayan at ang apat na lalaking magkakapatid maliban kay art na parang tuod na nakatitig sa dalawang naglalaban na nasa harap nya.

.naglalakihan ang mga mata ni artor ng makita ang pagsipagliparan ng limang shurikens sa gawi ni art na walang kamalay malay na nakatalikod.

.gustuhin mang kumilos ni arthor para sagipin si art peru wala syang magawa dahil sa hindi na nito maikilos ang katawan ganun rin ang tatlo pa nitong kapatid na pigil hininga ang ginawa at pari parihong nakatingin sa gawi ni art

.."FUCK ART,SA LIKOD MO"

sigaw ni demi sa di malamang dahilan nito kong bakit naisigaw nito ang mga salitang yun kahit nakahiga na ito at sobrang hirap na hirap na

,mabilis namang umikot si art para tumingin sa kanila,naglalakihan ang mga mata nito at hindi nakagalaw ng makitang sobrang lapit na sa kanya ang nagsisiliparang shurikens at tiyak na pag tumama ito sa kanya ay mamatay ito

.."Damn it"

biglang nasabi nito,pilit na ngiti ang pinakawalan nito sa apat na mga kapatid na lalaki.

.'oras na para sa pagpapahinga mo'

rinig nyang boses nang isang tao na di nya malaman kong sino peru alam nyang nanunuod lang ito sa kanila.

. naririnig nya narin ang papalapit na tunog ng mga shurikens. peru napalaki ang mata muli nito ng biglang sumulpot si death sa harapan nito at mabilis na sinangga ang mga shurikens na nagliliparan

.. gulat ang diwa nito sa nakita lalo na ng biglang humarap sa gawi nya si death,

,"Wag kang mag alala diko hahayaang mapatay ka nila,"

sabi nito ng seryuso di malaman ni art kong ano ang gagawin ng sabihin ni death iyon may kong anong saya muli ang naramdaman nya..

"Dahil gusto kong ako mismo ang humatol ng mga kamatayan nyo"

dugtong ni death na nakapagpapawi ng saya na naramdaman nya at napalitan ng kaba at takot
Dahan dahan na umangat muli ang gilid ng labi ni death at
napangising napatingin sa gawi ng apat na lalaking gulat na gulat sa nakita nila.

I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon