CHAPTER 22

534 11 0
                                    

  THIRD PERSON POV.

"I KILL YOU,DEATH"

bigkas ni alleyah at nawalang bigla sa kinatatayuan nya..
Nararamdaman ni Death ang presensya nito at umiikot sa kinaroroonan nya.
Upang linlangin si death.

Mabilis na sumulpot si alleyah sa harap ni Death at ubos na lakas na sinipa ito at kasabay noon ang pag wasiwas nito ng hawak na samurai.

Peru sa sobrang bilis ng kilos ni death mabilis itong nqiwasan at nasangga ang hawak nitong samurai..
Nagtatagis ang bagang ni alleyah at nanlilisik ang mga mata ramdam ni eyah ang sobrang lakas nito..

Muling nagpalitan ng ataki ang dalawa hanggang parihas tumilapon sa ere..at parihong may tama..
Peru di paman nakakalapag ang paa ni death ay mabilis itong nawala at napunta sq harapan ni alleya..
Malakas nitong sinipa si alleya

BLAGGG.

"ARRRGHHH"

malakas na daing ni alleya dahil sa sobrang lakas ng pagkakatama nito sa pader..
Muling tumayo ito at tumingin kay death na nakatalikod sa kanya at nakaharap
Sa dalawang naglalalabang magkapatid na si Roegan at Reigan..
Napangisi si alleya at pinahid ang dugong tumulo sa kanyang bibig..
Mabilis nitong tinakvo ang pagitan nilang dalawa ni death at kumilos ng hindi nararamdaman ni death ang presensya nya..

Iwinasiwas nito ang samurai at natamaan si death kasabay noon ang mabilis na pagpakawala muli ni alleya ng isang sipa na tumama sa tiyan ni death..

Lumipad sa ere si death at ramdam ang sakit..
Nakapikit itong bumagsak sa sahig at ninamnam ang sakit nasa ganoon syang posisyon ng bigla nitong marinig ang dalawang samurai na parang pinapaikot sa ere..
Naramdaman muli ni death ang pag iinit ng buong karawan at sa muling pagkakataon ay parang mabibiyak ang kanyang katawan..

Di nya makontrol ang sarili nya kahit anong gawin nitong pigil sa sarili..
Hanggang sa unti unting gumaan ang pakiramdam nya..
Mas lalong lumakas at ramdam na ramdam nya ang buong paligid..
Mas lalong tumalas ang kanyang pandinig

  Na kahit malayo ang kinaroroonan nila demi ay dinig nya ang mga pintig ng puso ng mga ito..

Nakatingin ang lahat kay death..
Napatigil si alleyah sa pagsugod dito dahil ramdam nya ang pagbabago kay assialheya at hindi nya matansya ang lakas na taglay nito..

Samantalang napatigil din si Reigan sa pagsugod kay Roegan na punong puno ng sugat ang katawan kumpara sa kanya..

Punit punit na ang damit ni roegan at may sugat sa pisngi na patuloy na nagdurugo ramdam din ni Reigan ang pagod ng kapatid na nagpangisi sa kanya..
Dahil kong ikukumpara sa lakas ngayon ni Reigan ay walang walang panama si Roegan dito..
Dahil tuluyan ng naging demonyo si Reigan..

Kaya nagtaka ito ng makaramdam ng kakaibang lakas at parang napapantayan ang taglay nyang kakayahan at nagmumula lang ito kay death na napapagitnaan nilang tatlo nila roegan at alleyah..

Pigil hininga din ang apat na lalaking nakatingin sa diriksyon ni death..
Nakapigil ang paghinga ng mga ito dahil ramdam nila ang sobrang lakas na presensya..
Peru si demi at art ay parang naestatwa sa nakikita. Mula sa kinaroroonan ng dalawa nakaharap si death dahil sa pagbagsak..
Ang mukha nitong natatakpan ng hood na itim ay nakataas at kalahating mukha ay nakalabas na..nakapikit ang mga mata nito..

Peru sa di mapigilan ni art,ay may isang butil ang bumagsak sa kanyang mata,takot at saya ang lumukob sa dibdib nya ng maaninag ang kalahating mukha ni death na tanging silang dalawa lang ni demi ang nakakakita.
Lumakas ang tibok ng puso ni art..at di makapaniwala sa nakikita..
Ramdam na ramdam niyang ang isang taong matagal nya ng gustong makita ay nasa harap nya..
Di maiwasang mapahanga ni demi,dahil siguradong sigurado sya na ang tinuring nyang kapatid na si Eyah at death ay iisa..

"Assialheya,princess..bumalik ka!!"

Rinig nyang sambit ng katabi nyang si art.
Gulat ang mukha nya ng mapatingin dito..kitang kita nya kong panu bumuhos ang mga luha nito  

I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon