CHAPTER 96

274 6 0
                                    

  EYAH POV

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng maramdaman ang pag galaw ng kama
idinilat ko ang mga mata ko at napangiti ng makita ang tatlong bata na nasa tabi ko natutulog

isa isa kong hinalikan ito sa mga pisngi at napatingin sa orasan napailing na lang ako ng makitang halos alas dos na pala ng madaling araw,

mabilis akong bumaba ng kama dahil sa nakaramdam ako ng uhawnapahikab pa ako ng makalabas ng pinto tinungo ko ang kusina at mabilis na kumuha ng malamig na tubig at umakyat muli sa taas

peru napangiti ako at napatigil sa tapat ng pinto ng kwarto ko ng maaninag ko ang maliwanag na buwan sa terrace ng bahay ni ate demi

,dahan dahan akong naglakad at tinungo ang diriksyon na yun napayakap ako sa sarili ko bigla ng maramdaman ang malamig at malakas na simoy ng hanging dumampi sa mga balat ko

,napatingala ako sa langit habang nakangiti at pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan at napaka aliwalas na langit na kay sarap titigan

,hanggang sa maalala ko noong nasa isang beach kaming lahat kong saan nakasama ko si drixzeuz ng matagal na oras at hindi kami nagbabangayan

,,napahagikhik na lang ako bigla ng balikan ang mga nakaraan simula nang makita ko sya ,yun yong araw na bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mapagmasdan ko ng maigi ang mukha nya sa GW at kahit diko man aminin sa sarili ko alam kong napahanga na talaga ako sa kanya noon pa man,hanggang sa niyakap nya ako ng nakatalikod bilang death,sabay bulong saakin na

'My Queen'

mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko noon na parang nakikipagkarera sa mga sasakyan,

akala ko hanggang dun na lang yon ang lahat ang akala kong batong puso ko ay dina lalambot at magmamahal peru mali pala ako dahil dumating sa puntong kAhit anong tigas at bato ng puso ko may darating palang taong magpapalambot nito at yun ay si drixzeuz ang taong minamahal ko o mahal na mahal ko

,,nakapanghinayang nga lang dahil di nya ako maalala peru umaasa ako na darating din ang araw na yon at hihintayin kong maalala nya ako kahit gaano man yon katagal yon napabuntong hininga na lang ako at napailing iling habang nakangiti

"Sana makaalala kana sa mga darating na araw o kaya bukas pag balik mo dito para di narin ako mahirapan sa pagpapanggap kong di parin kita maalala"

bigkas ko at napapikit ng mata umihip ng malakas na hangin at naramdaman ko ang pagkatangay ng mga hibla ng buhok ko

,kasabay ng paghupa ng malakas na hangin ang kakaibang presensya ng isang taong alam kong nakatingin sa akin

,kumabog ng malakas ang dibdib ko katulad noong araw na unang nasilayan ko ang mukha nya,di ako makagalaw o makakilos ng kahit anong parte ng katawan ko diko magawang imulat ang mga mata ko sa diko malamang kadahilanan,

nagtagal ng ilang minuto akong natuod sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ko ang mga brasong yumapos sa bewang ko napasinghap ako at nanlambot ang mga tuhod sobrang kay bilis ng tibok ng puso ko na para bang nagwawala sa sobrang kaligayahang nararamdaman ko

"I-i miss y-ou so mu-ch,My Queen"

bigkas nito na nagpamulat sakin naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko at pahigpit ng pahigpit ang pagyakap sa bewang ko na para bang ayaw nya akong mawala sa tabi nya

"Drix-zeuz?"

bigkas ko at napaluha bigla rinig ko naman ang pagpigil nito ng iyak kaya napangiti ako at hinarap ito kitang kita ko ang panggigilid ng mga luha nito sa mata at sobrang kasiyahan ang kanyang nadarama,

I'M THE REAL QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon