Sandra
“Grabe! Hindi ba siya nabibigatan sa mga pata niya? Kung ako siguro magkakaroon ng ganyang klase ng katawan, baka hindi na ako lumabas ng bahay. She should at least exercise!”
The woman in her black dress chuckled. “Natural! She’s been like that ever since. Sanay na siya sa ganyang katawan kaya bakit pa siya mabibigatan? E, kung simula ipanganak siya, mataba na siya?”
Naghagalpakan sa pagtawa ang grupo ng mga babae matapos sabihin iyon ng pinaka-leader nila. Bakas ang pang-aasar sa kanilang mukha habang tinatapunan ako ng mga ito ng nakakalokong tingin. Nagbaba ako ng mga mata.
“No wonder walang gustong manligaw sa kanya. Maganda nga, pangit naman ng katawan. Lollipop, ika nga nila. Kain ulo, tapon katawan!”
And they burst into laughter again.
The sound of their laughter is still echoing inside my head like it only happened yesterday. Na kung tutuusin, pitong taon na ang lumipas simula ng maging kumpulan ako ng tukso ng mga tao mula sa dati kong school.
I let out a frustrated sigh as I scan my body in front of the elliptical shape mirror, particularly on my lower extremities.
Having thick thighs and chunky arms is a struggle for me. Bata pa lang ako ay malaman na talaga ang katawan ko. I never experience to wear small to medium size of clothes. Double XL lang palagi!
Way back in college, I became overweight. Siguro ay dahil palagi akong nakakahanap ng comfort sa pagkain. When everybody seemed to make fun of me, food became my comfort zone.
Naranasan ko ang maging kakaiba sa paningin ng ibang tao. Nariyan ang tawagin akong tabatina, dabiana at dambuhala. Sa ilang taon na naging sentro ako ng atensyon, dapat ay nasanay na ako. I live in a world where humiliation is already a part of people’s lives.
My Papa taught me not to humiliate people. Shame is a lifetime lasting effect that can be nursed but can never be cured. Sa sobrang dami ng taong nang insulto sa akin, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuhang masanay.
Pero mahirap pala makasanayan ang isang bagay na hindi kailanman magiging tama sa pandinig at pakiramdam ng isang tao.
Nang matapos ako sa pag-aaral, sinubukan kong mag diyeta. Jogging dito, jogging doon. Zumba dito, yoga doon. May naging improvement naman. Mula double XL, XL na lang ang damit ko.
Sabi nila, hindi naman ako ganoon taba. Sa kabila ng malalaking hita at braso ko, maliit naman daw ang aking bewang. Pero pakiramdam ko ay ang taba-taba ko pa rin. Pakiramdam ko ay ako ang pinaka-pangit na nilalang sa buong mundo.
Kasi kung hindi, bakit walang lalaking nagkakagusto sa akin? Bakit sa tuwing susubukan kong makipag-date, palagi akong nasasaktan? Hindi na ba puwedeng seryosohin ang babaeng may malaking braso at hita na kagaya ko? May kinalaman ba ang pigura ng isang tao para seryosohin nila ito?
“Sandra! Bakit busangot na naman iyang mukha mo?” Sita sa akin ng kaibigang si Margarette dahilan para bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.
Mula sa salamin ay hinanap ko ang mga mata ni Marga. I found my best friend sitting on the edge of my bed while watching me. Her on fleek eyebrows were furrowed together. I eyed her for seconds before releasing a weak sigh.
“Itutuloy ko pa ba ito, Marga?” matamlay ang boses na tanong ko sa kaibigan.
Marga raised her left eyebrow as she crossed her arms above her chest. “Gaga, ka ba? Siyempre! Bakit naman hindi mo itutuloy?”
Ngumuso ako. “Baka kagaya noong nakaraan, hindi ako sisiputin. Magdadahilan na lang ng kung ano.”
Iniiwas ko ang mga mata kay Marga at muling itinuon sa sariling itsura.
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 24 pang mga libreng parte