Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte

Chapter 9

25.2K 584 62
                                    

Sandra

Halos manakit ang paa ko sa kakapadyak sa simento dahil sa inis na nararamdaman. Pinukol ko ng masamang tingin ang bahay namin kung saan alam kong naroon na si Russell sa loob.

Ano pa ba kasi ang gusto niya? Hindi ba siya masaya na hindi ko siya ginugulo o sinisisi sa kapalpakang nangyari sa buhay ko? What else does he want from me? Bakit naghahabol pa siya at umaarteng para bang siya pal ang nawalan?

I am about to forget everything and accept the truth that I'm not whole and complete anymore. Dahil kung iisipin ko pa 'yon at damdamin ay walang mangyayari sa akin. I should continue living my life and stop dwelling on the past.

Tapos ngayon ay nandoon siya sa loob ng bahay namin na para bang matagal na kaming magkaibigan at close kami? Hindi niya man lang ba naisip na iba ang maaaring isipin ng pamilya ko kapag nakita siya? I thought he's smart. Tanga pala. Isa't kalahating tanga!

Tumingin ako sa langit at pagod na bumuga ng hangin.

"Hanggang kailan ba ako mamalasin, Lord?" bumagsak ang mga mata ko sa mga bulaklak na hawak ko. "May pabulaklak pa siya. Akala niya naman madadala niya ako sa ganito."

Wala sa sariling inilapit ko ang bulaklak sa aking ilong. Mabilis na nanuot ang natural na bango nito. He's the first one who gave me flowers. Masarap isipin na sa wakas, naranasan ko na ang mabigyan nito. But that happiness immediately disappeared when I realized that he only gave me this as his peace offering.

Bakit, Sandra? May iba pa bang dahilan para bigyan ka niya ng bulaklak?

Isang beses pa akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka nagdesisyong pumasok na sa loob ng bahay. Baka sunduin pa ako ni tatay at pagalitan. Nakakahiya naman sa bwisita.

As I glided to the ground towards our house, I can feel my heart beating fastly inside my chest that it hurts. My mind keeps on wandering a lot of different scenarios. Kung ano na kayang ginagawa ni Russell sa loob. O, kung ano kayang reaksyon ng pamilya ko pagkakita sa kanya? Pero paano kung maisipan niyang ipagtapat ang totoong nangyari sa amin kapag tinanong siya ni tatay kung anong sadya niya sa akin?

Naglaki ang mga mata ko sa naisip. Hindi puwede!

Mas lalong bumilis ang ritmo ng tibok ng puso ko sa posibilidad na naiisip. Doble ang naging bilis ng paglalakad ko. Nang marating ko na ang pintuan ay marahas ko itong hinila pabukas. My family's curious eyes all bore into me. Maging si Russell ay napatingin rin sa akin. Habang siya ay nakaupo sa sofa, ang pamilya ko naman ay nakatayo at nakalinya sa gilid niya na para bang isang bisitang pandangal ang naroon.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Sabay-sabay na bumaba ang mga mata ng pamilya ko sa bulaklak na hawak ko. I swallowed hard, afraid that they might be creating wicked thoughts inside their head.

I ignored their stares and sat down to the sofa across Russell. His lips lined for a soft smile. Hindi ko iyon pinansin at ibinalik sa pamilya ko ang atensyon ko.

"A...Anak, sino siya?" umpisang tanong ni nanay.

Sinulyapan ko si tatay. Naghahamon ang mga mata niya sa akin na para bang hindi uubra ang pagsisinungaling ko sa kanya. E, ano ba dapat ang isagot ko? Kung sasabihin ko namang kaibigan, iisipin pa rin nila na merong something sa amin dahil may pabulaklak pa itong si Russell tapos naabutan pa ni tatay na nasa labas. Kung sasabihin ko namang manliligaw ay lalong hindi puwede. Baka isipin ni Russell ay assuming ako. Saan ako lulugar?

"Nag...Nagbebenta lang po siya ng pangpaputi ng balat-"

"Tigilan mo na ang pagsisinungaling anak dahil hindi iyan uubra sa amin," sabad ni tatay na ikinanguso ko. "Kung ayaw mong sabihin ang totoo ay siya na lang ang tatanungin namin. Gusto ko sanang sayo mismo manggaling ang totoo pero mukhang wala kaming mapapalang matinong sagot mula sayo."

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon