Russell
"Dapat kasi nilambing mo, dude! Siyempre babae iyon at isa pa, hindi basta-basta ang bagay na nawala sa kanya. Alangan namang isang sorry mo lang okay na kaagad kayo. Matuto kang manuyo."
Suyuin, huh? Para namang ginusto ko ang nangyari sa amin at hindi aksidente. Pero dahil hindi ako patatahimikin ng kunsensya ko hangga't hindi niya ako napapatawad, wala akong magagawa kung hindi ang suyuin nga siya. Kahit pa hindi naman ako marunong manuyo ng ibang babae bukod sa kapatid ko.
Maybe I can ask for Shellie's opinion. Kaya lang ay baka asarin niya ako. Wala pa akong naipapakilalang babae sa kanya. Magtataka iyon kapag nagtanong ako. Knowing my sister, she has a very mischievous mind.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan si Cole at Marga sa screen ng laptop ko. They're currently in Geneva for their honeymoon. Pero kahit ganoon ay hindi tumitigil si Marga sa pangungulit sa akin tungkol kay Sandra. She's too worried about her best friend. Kung kamusta na ito at ang lagay nito. She can't contact her through her phone. Paano? Naiwan ni Sandra ang telepono niya sa rest house ni Cole na nasa akin na ngayon. I was about to give it back to her but she just kept on trash talking me while we're together.
Tss. I can still remember how speedy I drove my car that I even had a road violation just to reach her working place on time. Ang sabi kasi ni Marga ay mabilis iyon kumilos kapag uwian na. Naabutan ko nga, hindi ko naman nakausap ng maayos. She didn't even let me explain my side properly.
Hindi niya ba nakita man lang ang effort ko para lang maayos ang gusot sa amin? Where in fact, I can just ignore her and forget about what happened between us. Na hindi naman ako ang nawalan kaya anong pakielam ko? Dahil kung tutuusin ay malinis naman ang kunsensiya ko sa nangyari. But there's this damn inner voice inside of me that keeps on whispering that I'm indebted to her... big fucking time.
"Paano ko gagawin 'yon kung puro mura at pangbabara ang inaabot ko sa kanya? She even raised her middle finger to me. Paano ko susuyuin kung umpisa pa lang inaangilan na ako?" nakangiwing anas ko. Daig ko pa ang batang nagsusumbong dahil inaway ng kalaro.
Margarette's laughter filled my ears. Maging si Cole ay natawa na rin na ikinailing ko. I can't believe they find it funny. I mean, whether it's verbally or not, no one has ever throw curses on me. Siya lang. Si Sandra lang.
"That's Sandra, shy but fierce. Ironic, right? Lumalabas talaga pagiging maldita no'n lalo na kapag nalamangan siya. Or if someone offended her. Pero mabait 'yon. Sobrang bait."
Napayuko bago umiling. "Can't believe that behind that pretty face is a savage attitude."
"Whoa, you find my best friend pretty, huh?" Marga asked that made me lift my eyes back to the screen. She's sporting a sinister smirk on her face. Maging si Cole ay nakangisi rin.
I cocked my left brow in a lazy manner. "I do. Maganda naman talaga si Sandra."
She's undoubtedly pretty when she's calm and smiling, prettier when mad and frowning. Hindi ko magawang hindi siya puriin sa isip ko kapag nakikita ko ang mga mata niya na kapag galit siya ay nagagalit rin. Her cheeks that always become red when she's blushing. Sa sobrang puti niya ay napakadali para sa akin ang mapansin iyon.
Nagkibit balikat si Marga. "Akala ko kagaya ka rin ni Damian na puro panglalait lang ang alam sa buhay."
"Babe, even Flavian thinks that Sandra is pretty. Kung narinig mo lang kung paano niya sambahin si Sandra nung nasa rest house tayo, iisipin mong type ni gago ang kaibigan mo." sabat ni Cole.
Nag angat ng kilay sa kanya si Marga. "Really? Sana pala siya na lang inireto natin kay Sandra, ano?"
My brows unconsciously formed in a line. There's a part of me that doesn't want that idea. Let's say that Flavian really likes Sandra, pero pagkatapos ano? Kapag nakuha niya na ang gusto niya ay iiwan niya na si Sandra. Knowing him, mas malala pa siya sa amin ni Cole. Siya ang pinakamalala sa aming lahat na magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 17 pang mga libreng parte