Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 22

22.3K 590 30
                                    

Sandra

Gamit ang spare key na ibinigay sa akin ni Russell ay binuksan ko na ang pinto ng condo niya. Ito na ang pangalawang beses na nakapunta ako rito, ang una ay nung kamakalawa lang. Saglit lang iyon dahil sinamahan ko lang siyang kunin ang laptop na naiwan niya sa sobrang pagmamadali na ihatid ako sa trabaho ko.

I let myself fall into the soft mattress of his black couch. My mind is still ruffled. I can still hear Shane's voice and hurtful words through my head. Patuloy pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na kaba. Hindi pa man nangyayari ang babala niya ay lubusang takot na ang kumakalat sa buong pagkatao ko.

Paano kung hindi ko layuan si Russell? Is she really going to pursue that warning against me? Ang hirap ng gusto niya. Hindi ganoon kadali ang kapalit na hinihingi niya sa akin. Mahal ko si Russell at hindi ganoon kasimple ang iwan siya.

Pero... paano kung si Russell nga mismo ang nagsabi ng sensitibong bagay na iyon kay Shane? How would I feel? Dapat ba akong magalit? Oo, dahil confidential ang bagay na iyon at hindi dapat inilalabas. But what if he told it just before we became officially on? Still, I'd get mad at him. He's not supposed to tell it to anybody else. I didn't strike him as a kiss and tell kind of man.

But what if he is?

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I felt the sudden tiredness of my body. Sumasabay pa ang pagod sa aking utak. An exhausted sigh leaps out of my mouth, trying to calm my tense mind.

Nagmulat ako ng mga mata. Iniangat ko ang kamay ko at pagod na sinulyapan ang relos sa aking palapulsuhan. When I found out that it's nearly six in the evening, I got off my seat and headed to the kitchen. Kahit lutang ako at naguguluhan ay ipagluluto ko pa rin siya. Ayokong magpaapekto sa takot at inis na nararamdaman.

Pork pochero ang naisip kong lutuin dahil marami namang gulay at baboy na naka-stock sa ref niya. Muntik pa akong masugatan habang naghihiwa ng gulay dahil ang utak ko ay walang tigil sa pagiisip tungkol sa mga nangyari kanina.

Nang silipin ko ang oras ay mag-aalasyete na. Kumulo ang ulam na niluluto ko. Tinanggal ko ang takip at sinubukang kumuha ng kaunting sarsa gamit ang sandok upang tikman ang lasa nito. Hinipan ko ito at dahan-dahang inilapit sa bibig.

I nodded my head lazily when I found that it's already good. Hindi na masama.

I was about to bring the ladle back to the basin when I felt a pair of hand wrap around my waist that made me flinch a bit.

"You look so good in my kitchen, baby. I could picture you doing this for the rest of our lives everytime I go home." Russell whispered on my ear as he sniffed the side of my neck.

Hindi ako makangiti, hindi magawang kiligin sa matatamis na salitang binitawan niya.

"Alis ka muna diyan, Russell. Nagluluto pa ako." I said unemotionally.

It took him seconds before I heard him release a sigh.

"I can sense the coldness from here, Sandra. What's wrong?"

His question triggered my emotion. Tears excitedly streamed down my face. Kinagat ko ang labi ko para sana pigilan ito dahil gusto kong mamaya na lang namin pagusapan iyon pero hindi ko na kinaya.

I began to sob. Hinapit ni Russell ang bewang ko at iniikot ako paharap sa kanya. He muttered a soft curse when he saw my tears rolling down my cheeks. Mas lalo pang nagpakitang gilas ang luha ko nang masilayan ko na siya ng harapan. Pagaalala ang tanging emosyon na nabanaag ko sa mga mata niya.

Dinala ko ang palad sa aking mukha at parang batang tinakpan ang mga mata ko dulot sa walang habas na pagiyak. My shoulders are shaking due to so much pain, stress and nervousness united all at the same time. My lungs rummaged for oxygen, and my sobbing had the same force of someone drowning. The flesh under my ribcage throbbed, my cheeks burned and my mind created negative scenarios that made my tears continue.

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon