Wattpad Original
Mayroong 18 pang mga libreng parte

Chapter 7

25.1K 625 115
                                    

Sandra

Marahas kong kinamot ang aking ulo sa iritasyon nang muli kong marinig ang katok mula sa labas ng aking kwarto.

"Sandria Olivine! Ano ba't hindi ka pa bumabangon riyan? Mahuhuli ka na sa trabaho mo!" sigaw ni nanay.

Padabog kong inalis ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking mukha at kunot ang noong binalingan ang pinto.

"Lalabas na, ho!"

Ito namang si nanay, akala mo babagsak ang mga estudyante ko kapag hindi ako pumasok sa tamang oras! Perfect attendance nga ako sa mga nakalipas na buwan tapos kaunting oras lang na pagiging late, ipagkakait pa! Balak ko pa ngang umabsent ngayon dahil wala talaga ako sa wisyo pumasok at magtrabaho. Sino ba naman ang gaganahan kung magdamag akong umiiyak dahil sa kapalpakang nangyari sa buhay ko sa loob lang ng isang gabi?

I am already awake just before the sun rise. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko. Mabuti nga at maaga pa rin ako nagising kahit wala ang cellphone ko na nagsisilbing alarm clock ko. Naiwan ko roon sa rest house ni Cole. Hindi ko alam kung paano ko pa makukuha iyon. Good thing that I left most of my allowance and important ID's here in my room.

"Kapag hindi ka pa bumangon at nag ayos diyan tatamaan ka na sa akin!" balik sigaw ni nanay.

My lips protruded longer. "Eto na nga, po. Maliligo na."

Kaagad na gumapang ang kirot sa aking pagkababae nang umpisahan ko nang gumapang pababa ng kama. Sumasabay pa roon ang mga kalamnan ko na akala mo sumali ako sa fraternity at kakatapos lang i-hazing.

Bakit naman kasi ganito ito kahapdi? Kahapon ay halos bumaluktot na ang mga daliri ko sa paa sa tuwing iihi ako dahil sa sobrang kirot na nararamdaman mula doon.

Gago ka talagang Russell ka! Huwag ka talaga magpapakita sa akin. Akala mo porket gwapo ka mapapatawad kita? Malibog ka!

I lazily removed my sleepwear and ambled under the shower. The warm water helps me to lessen the soreness I'm feeling down there. Inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha.

Some part of me wants to believe that Russell didn't do it on purpose. Gusto kong paniwalaan na si Thalie ang buong akala niya na nakasiping niya noong gabing iyon. Pero meron rin naman sa akin ang gusto siyang pagbintangan sa ginawang pananamantala niya sa akin. Na ginusto niyang galawin ako. Na alam niyang ako 'yon.

Wow, Sandra, iba din! Ano akala mo sa sarili mo? Katikim-tikim? Tingin mo iyang katawan mo ay pagnanasahan ng isang kagaya ni Russell? Do you think he would prefer to have sex with you rather than the real Thalie who has a goddess kind of body?

Ngumiwi ako sa bulong ng isip ko. Bakit naman kasi hindi ko man lang naramdaman na totoong nangyayari iyon? Bakit ba kasi ang hirap-hirap ko magkaroon ng kamalayan sa tuwing nalalasing ako? Ayan tuloy, nakatikim ako ng langit nang hindi ko namamalayan.

"Ayun na nga, e. Sa panaginip ko lang naramdaman ang langit." nakangusong bulong ko sa ilalim ng rumaragasang tubig.

Mabilis kong tinapos ang pagligo at pagaayos sa sarili. Kuryosong mga tingin ang isinalubong sa akin ng pamilya ko pagkarating ko sa hapagkainan.

"Bakit?" taas kilay na tanong ko sa kanila bago umupo sa aking silya. Pinilit kong pagmukaing maayos ang lakad ko kahit pa panay na ang pagmumura ko kay Russell sa isip ko dahil sa sakit na dinadanas ng pagkababae ko.

Naglagay ako ng sinangag, dalawang pritong itlog, hotdog at tinapay sa plato ko at hindi na inintindi pa ang mga matang nakatitig sa akin. Ilang sandali pa ay isang tasa ng kape ang lumitaw sa gilid ko. Tiningnan ko ang naglagay noon at nakita ang supladang mukha ni nanay.

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon