Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 12

21K 581 88
                                    

Sandra

Paikot-ikot ang naging galaw ko sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang aking puwetang hapit na hapit sa suot kong palda. Kung nakakapag salita lang siguro ang kapirasong tela na ito, paniguradong kanina pa ito nagmamakaawa na hubarin siya dahil sa sikip na nararamdaman. At kung nagkataon lang na may buhay ang palda na ito, siguradong patay na ito ngayon.

Sanhi ng pagkamatay? Nahirapan huminga.

"Sandra, ano ba! Kanina pa naghihintay si Russell dito sa sala. Mag-iisang oras ka na riyan! Naku, itong batang ito talaga." sigaw ni nanay mula sa labas.

Inis kong ginusot ang buhok kong ni hindi ko pa nagagawang suklayin. "Teka lang po!" busangot na angil ko. Hinawakan ko ang dulo ng aking palda at sapilitan itong hinila pababa. "Parang awa mo na, huwag kang bibigay."

Hindi ko maiwasan kagalitan si nanay sa isip ko. Lahat ng uniporme ko pangpasok ay ibinabad niya sa tubig na may sabon kahapon dahil wala naman akong pasok at sinabing lalabhan niya ito pagdating ng gabi. Ako naman talaga ang naglalaba ng mga uniporme ko at hindi na inaasa pa kay nanay dahil may edad na rin siya. Kaso ay good mood siya kahapon at sinabing siya na lang ang maglalaba.

Tatanggi pa ba ako?

Sa kinasamaang palad, nawala sa isip niya ang bagay na iyon dahil naaliw siya sa kakapanood ng paborito niyang teledrama. Naalala lang niya noong hanapin ko na kanina dahil nga papasok na ako. Ang ending, iyong uniporme ko pa noong nakaraang taon ang isinuot ko. Unipormeng halos pumutok na sa sobrang sikip. Sakto pa sa akin ito noong ibinigay sa amin ng school. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang sumikip.

Ganoon ata siguro kapag nilalabhan? Nababanat iyong tela? Tama, ganoon nga iyon.

Hinablot ko ang bag ko sa ibabaw ng drawer at isinukbit ito sa balikat ko. Ni hindi ko pa nagagawang mag ayos, kahit ang suklayin ang buhok ko ay hindi ko na nanbigyan pansin dahil naubos ko na ang oras ko sa kakaayos nitong palda ko.

Gumapang ang init mula sa aking mukha pababa sa leeg ko nang hindi ko magawang maihakbang ng maayos ang mga hita ko dahil sa panggigipit na ginagawa nitong pesteng palda ko. Sobrang sikip talaga!

Patience, Sandra. Patience. You need that!

Napaayos ng upo si Russell pagkakita sa akin. The corners of her mouth lift up into a smile. Ngumiti ako pabalik kahit pa gusto ko nang maiyak sa sitwasyon ko ngayon.

"Morning. You okay?" he asked.

Pilit ang ngiti akong tumango bago siya tinalikuran at iniitsa ang bag sa sofa na katapat niya.

"Nay, nahihirapan talaga ako gumalaw!" nagpapapadyak na angal ko. Lumipas ang ilang segundo nang wala akong naririnig na sagot mula sa kanya.

"I think she's outside. What's wrong? Bakit nahihirapan kang gumalaw?" singit ni Russell.

I turned around to face him. Daig ko pa ang robot na kontrolado lang ang bawat galaw. Lumabi ako sa kanya. He shot his brow up. Marahil ay nagtataka siya sa inaasta ko ngayon.

"Mukha akong suman, Russ. Ang sikip-sikip ng palda ko." sumbong ko na para bang may magagawa siya roon.

He looked so confused of my statement as his brows were owning each other. Hinagod niya ng tingin ang buong katawan ko. His eyes stays on my legs that made me feel a little bit comfortable. Suddenly, his natural thick brows furrowed even more. Nagbuga siya ng hangin bago ibinalik ang mga mata sa mukha ko.

"Then change. You're not oblige to wear a skirt that's too tight on you. And don't you think you're showing too much skin?"

I look down my legs. Tama siya. Lantad na ang halos kalahati ng hita ko na hindi puwede sa trabaho ko. As a teacher, I need to be decent and be a good example to my students. Pero anong magagawa ko? Alangan namang umabsent ako dahil lang sa wala akong palda na maisusuot?

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon