Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 25

44.7K 983 623
                                    

Sandra

"Bes, wala ka bang napapansin sa akin?"

Mula sa kinakaing vegetables salad ay nag-angat ng ulo si Marga at kunot noo akong pinagmasdan. Maarte kong pinagapang ang kanang kamay ko paakyat sa aking leeg hanggang makarating ito sa aking pisngi, ipinangangalandakan ang singsing na nasa daliri ko. Her eyes scanned my face absently, looking for something new on my appearance.

"Hmm, bukod sa new haircut mo na sobrang bagay sayo… wala na. Meron pa bang iba, bes?"

My lips protruded annoyingly. Ang bulag naman ng isang ito! Ang laki-laki na nga ng bato ng singsing ko, hindi niya pa rin napapansin?

I rolled my eyes heavenward and brought my hand down. Puno ng frustration akong nagbuga ng hangin. Without saying anything, inilahad ko ang kamay ko malapit sa mukha niya para mas makita niya ng malinaw ang gusto kong ipakita.

A proud smile grew in my lips when I saw how her eyes become round. Gamit ang palad, tinakpan niya ang kanyang bibig bago nagpalipat-lipat sa akin at sa kamay ko ang paningin.

Hinawakan niya ang kamay ko at mariing sinuri ang singsing. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagmamalaki dahil alam kong sa itsura pa lang ay panglaban na talaga ang engagement ring ko.

Hay, bes. Akala mo siguro ikaw lang makakaranas mabigyan ng singsing, ano? Ako din. Akala ko wala ng pagasang makapagsuot ako ng ganito.

I giggled inwardly at my insane thoughts.

"Omg! Ang ganda ng singsing mo, bes! Ngayon ko lang napansin. Magkano bili mo sa Baclaran? For sure bagong labas nila 'yan! Last time na pinuntahan ko iyong suki natin doon wala pang ganyang design, e."

Napawi ang ngiti sa labi ko. Kumunot ang aking noo at marahas na binawi mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko. She frowned.

"Nakakainis ka naman, e!" napapairap na sabi ko. "Hindi ko ito binili at lalong hindi ito basta pipitsuging singsing lang na nabibili natin sa Baclaran noon!"

"O, e saan pala nabili iyan? Pa-suspense pa kasi…" umiirap rin sagot niya.

"Ayan! Wala ka na kasing time sa akin kaya huli ka na sa mga update sa buhay ko. Kulang na lang ay isipin kong wala akong best friend nageexist dito sa mundo."

Sa totoo lang ay bihira na talaga kaming magkausap nitong si Marga. Simula nang maikasal sila ni Cole ay palagi na lang sila nangingibang bansa. Plano ata nilang ikutin ang buong mundo. Kaya naman nila yun dahil mayaman si Cole. The last time I checked, they're in Germany for their unlimited honeymoon.

Kaya heto, wala na talaga siyang alam sa mga nangyayari sa buhay ko dahil sa sobrang abala niya. Nagulat na nga lang ako nang bigla siyang tumawag kanina para yayain akong lumabas. Sunday naman ngayon at wala akong ginagawa sa bahay. Ilang araw na rin akong absent sa school dahil nga sa sitwasyon ko. Pero nagsasabi naman ako sa management na hindi ako makakapasok para naman makahanap sila ng ipapalit muna pansamantala sa akin.

"Aysus! Drama natin, ah. Ano ka ba? Kahit naman hindi tayo gaano nakakapagkwentuhan e hindi ka pa rin nawawala sa isip ko. Kita mo nga! Dami ko pasalubong sayo mula sa ibang bansa." natatawang aniya. Ngumuso lang ako dahil hindi naman ako totoong nagtatampo. "Ano ba kasi talaga ang meroon sa singsing na iyan?"

Bumuntong hininga ako, hindi na rin napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. I leaned over her and whispered.

"Engaged na kami ni Russ…"

Nawala ang kulay sa mukha ni Marga pagkatapos ko sabihin iyon. Her jaw dropped and her eyes and mouth were frozen wide open in an expression of stunned surprise. With unblinking stare, her lips are opening and shutting like a goldfish with no sound coming out. Humagikhik ako.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Warranj, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Warranj
@Warranj
There is only one happiness in this life - to love and to be loved. P...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 25 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Warranj.
Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon