Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Chapter 10

27.5K 658 60
                                    

Sandra

"Ano, anak? Nakaalis na ba si Russell?"

Mabilis na nagisang linya ang kilay ko nang iyon agad ang isalubong sa akin ni nanay pagkapasok ko ng pintuan. Maging si tatay at ate Celestine ay nakaabang na rin na para bang meroon akong dalang importanteng balita.

Asus, tinatanong pa e sigurado namang nakasilip na sila kanina pa sa amin.

Dirediretso akong pumasok sa loob at ibinagsak ang sarili ko sa may sofa. They all followed me with a huge smile on their faces. Ngumuso ako.

"Bakit naman kayo pumayag sa alok ni Russell tungkol sa pagbabakasyon ng ilang araw sa hotel nila? Nakakahiya doon sa tao. Hindi naman natin lubos na kila-ibig ko sabihin, hindi ko pa nga sinasagot iyong tao e nagpalibre na kaagad kayo." tanong ko, partikular kay ate Celestine.

"Aba! E, siya naman ang nagyaya. Hindi ba, nay?" sulyap ni ate Celestine kay nanay. Tumango naman ang magaling ko ina. "Narinig mo naman. Pinupuri ko lang kung gaano ka-sosyal at kaganda ang hotel nila. Siya itong nag alok."

"Pinuri mo sa harap ng may ari. Siyempre anong gusto mong isipin no'n? Na nagpaparinig ka. Edi, no choice yung tao kung hindi ang ilibre ka sa lugar nila. Nakakahiya talaga! Baka sabihin ay mapanamantala tayo." paliwanag ko.

Bumuga ako ng hangin at nagbaba ng tingin. Alam kong hindi ko dapat pinagsasalitaan ang kapatid ko ng ganito lalo pa at buntis siya. Hindi ko lang kasi mapigilan. Siguro ay dahil patong-patong na ang stress ko dahil kay Russell.

Sa isang kisap ng mata at sa isang lagitik ng daliri, gumulo ang buhay ko. And Russell is the only reason why my life become this messy.

First, he popped my cherry while I was unconscious. Siguro nga ay naramdaman ko na may nangyayari sa amin, pero sa panaginip lang iyon. Akala ko ay hindi totoo. Lasing nga kasi, diba?

Pangalawa, panay ang habol niya sa akin. Hindi sa kadahilanang gusto niya na ako pagkatapos may mangyari sa amin. Imposibleng magustuhan ako ng isang kagaya ni Russell. I am very much far from his type when it comes to women.

He's after me because he's guilty. Naniniwala na akong hindi niya alam na ako ang babaeng kasiping niya noong gabing 'yon. That's how impartial my mind is. Hindi ko puwedeng ipagsiksikan sa utak ko na ginusto ni Russell na may nangyari sa amin na ang tanging ebidensiyang pinanghahawakan ko lang naman ay nagising ako na katabi ko siya sa iisang kama. We were both under the influence of alcohol and I can't just blame him all my life.

Walang may gusto ng nangyari. Masaklap lang dahil ang unang karanasan ko ay hindi naging memorable sa akin. Well, somehow it was. But an ugly memory. Something I won't cherish for the next fifty years of my life.

I was ready to give him the forgiveness he want. Pero ang hindi ko naman maintindihan ay kung bakit ipinakilala niya pa ang sarili niya sa pamilya ko bilang manliligaw ko. Dahil lang nakita niyang umaasa ang tatay ko na manliligaw ko nga siya ay magpapanggap na siya? Ano naman sa kanya kung umaasa iyon? Hindi na sakop ng kunsensya niya iyon. Hindi ko siya maiintindhan. Kahit saang anggulo ay hindi ko magagawang intindihin ang mga kalokohan niya.

"May punto ang kapatid mo, Celestine. Baka ang isipin ni Russell ay mahilig tayo sa mga materyal na bagay, o itong si Sandra. Ayokong iyon ang maging unang impresyon niya sa kapatid mo." sabi ni tatay dahilan para huminto ang pagiisip ko.

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon