Sandra
Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang lulan ng taxi. Even my nose is already swelling and feels hurt whenever I tried to wipe it using my handkerchief.
Ang gagong Damian na 'yon! Iniwan na nga ako sa ere, ininsulto pa ako! Ano namang akala niya sa akin? Matakaw at kailangan niya pang sabihin na para sa akin iyong hamburger na 'yon? Mataba lang ako pero hindi ako matakaw, no!
Well, sometimes! But that doesn't give him the right to insult me. Hindi niya man sabihin ng diretso iyon sa akin, ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano niya ako kinaaayawan. I would probably appreciate him if he just waited for me and tell the truth to my face. Hindi iyong dadaanin na lang niya ako sa text at sasabihing hindi kami magwo-work out!
"Palpak na naman, Sandra. Tumigil ka na." nanginginig ang boses kong bulong sa sarili ko. Marahas kong pinunasan ang panibagong luha sa aking pisngi.
Funny, right? Throughout my twenty five years of existence here in this world, I haven't experience having a relationship yet, or how it feels to have in a relationship and love by a man, but here I am, experiencing heartbreaks already.
Totoo nga talaga ang sinasabi nilang panglabas na anyo muna bago ang kalooban. Kahit gaano ka pa kabait at katino, kung hindi ka naman mala-diyosa sa ganda at sexy, baliwala rin.
"Manong, diyan na lang po sa may green na gate," tukoy ko sa apartment ni Marga. Balak ko sanang doon muna magpalipas ng oras dahil ayokong umuwi sa bahay namin nang namumugto ang mga mata. Pagagalitan lang ako ni nanay kapag nagkataon. "Ito ho bayad ko."
Kumunot ang noo ng driver pagkaabot ko sa kanya ng isang daan. "Kulang ang bayad mo, ineng. Dalawang daan dapat!"
"Ano, ho!? Ang lapit-lapit lang ng pinanggalingan ko, manong! Akala ko gulay lang ang nagtaas, pati pala pamasahe."
"Wala ng mura ngayon, hija. Isa pa, pangdalawang tao na ang katawan mo. Sakto lang ang dalawang daan." seryoso ngunit may bahid ng pangaasar na sambit niya.
Aba't!
Nagtagis ang mga bagang ko dahil roon. "Kung sana hindi niyo ako ininsulto, baka binayaran ko pa kayo sa halagang gusto niyo. Kaya hindi ho umaasenso ang bansa natin, e. Dahil sa mga taong kagaya niyo!"
Mabilis kong binuksan ang pintuan ko at lumabas nang hindi tinititingnan ang balasubas na driver. Magkasabay na lumagabog ang aming pintuan.
Hala! Susundan pa ata ako!
Kasabay noon ay ang histerikal na pagtawag niya sa akin.
"Hoy, miss! Nasaan na ang bayad mo!" sigaw ni Manong.
I walked faster without looking at him. Lakad takbo ang ginawa ko dahil pakiramdam ko ay hahabulin niya ako. Laking pasalamat ko nang makitang bukas ang gate ni Margarette.
"Miss!"
Pagkatulak ko sa gate ay mabilis rin itong isinara pabalik. My heart clobbered recklessly when I saw Manong run after me. And then I realized that he's not going to stop asking me for an additional payment. Bakas sa mukha niya na hindi siya nagbibiro at hindi niya ako papalampasin.
As soon as I locked the steel gate, I quickly ran inside with trembling hands. Daig ko pa ang may ginawang kalokohan nito! I heard the driver slamming the gate that made me feel even more nervous. Sumasabay ang tibok ng puso ko sa bawat kalampag niya. Lumilikha iyon ng ingay, sapat lang para mabulabog ang mga kapit bahay ni Marga.
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 23 pang mga libreng parte