Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 18

22.5K 588 87
                                    

Sandra

Pagkatapos akong ipakilala ni Russell sa kanyang pamilya ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa garden kung saan mismo gaganapin ang kaarawan ni Russell.

Habang naglalakad ako kasama sila, hindi ko mapigilan ang makaramdam na tuwa. Na para bang kabilang na ako sa kanila at pamilya na rin ang turing nila sa akin.

Sa gitna ay si Tita Elaiza at Tito Arthur, nakakatuwa pero hindi ko akalain na magagawa ko silang tawagin sa ganoong paraan sa ganitong kabilis na panahon. Sa gilid ni Tita ay si Theus at Shellie na magkahawak ang kamay. At sa gilid naman ni Tito ay si Russell at ako. His hand is on my waist like he's telling everyone around here that I am his property. That he owns me.

Oh, diba? Para talaga kaming isang buong pamilya. Iisipin ng lahat na meron talagang namamagitan sa amin ni Russell. Meroon naman talaga, hindi pa nga lang official. Sagot ko na lang ang kailangan.

Sabay na nagsibatian ang mga tao kay Russell na sinasagot lang niya ng pasasalamat. Everyone's giving me curious stares. Lahat sila ay siguradong nagtataka sa presensiya ko. I even saw some of them muttering under their breath while looking at me. Siguro ay hinuhusgahan na nila ako nang hindi ko naririnig.

Sa gitna ng aming paglalakad ay nahagip ng aking mga mata ang pamilyar na mukha ng babaeng mas mapait pa sa ampalaya ang ugali. Matatalim na titig ang ipinupukol niya sa akin. Her eyes moved to my face down my waist for I know that Russell's hand is there. Lihim akong napangisi nang makita ko ang galit sa mga matang iyon.

Kung hindi naman siya nobya ni Russell, anong ikinagagalit niya sa akin? Uh, she's maybe in love with him. And Russ doesn't have any idea about that. Tama, baka ganoon nga.

Pinisil ko ang kamay ni Russell. He looked at me with brows up together. Nababahiran ito ng pagtatanong.

"Si Shane," pasimpleng nguso ko sa kinaroroonan ng babae.

He cocked his brow up without leaving my face. As if I just informed him a very senseless information.

"So?" he asked snobbishly.

Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Baka miss mo na."

He chuckled and suddenly moved closer to my ear. "You're the only one I miss even if we're always together. Kulang ang isang araw na kasama ka."

Humagikhik ako. "Puwede kiligin?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi na mas lalo niyang ikinagwapo sa aking paningin. Sabagay, kahit naman anong reaksyon ng mukha niya ay talagang gwapo pa rin siya.

"Puwede, po." he murmured against my ear.

Kyah, kyah! Kinikilig ako!

Hay naku, Sandra! Nahahawa ka na sa mga badjao na araw araw mong binibigyan ng barya sa jeep.

Wala sa sariling ibinalik ko ang tingin sa table nila Shane habang may bakas parin ng ngiti sa aking labi. Inirapan niya ako bago siya tumingin sa babaeng nasa tabi niya. Nang tingnan ko iyon ay naroon iyong Bethina na mataray rin ang pagkakatingin sa akin. Bumubuka buka pa ang labi nito na tila ba may ibinubulong kay Shane.

Umismid ako. Mamatay sa selos iyang kaibigan mong pinaglihi sa ampalaya ang ugali!

"Mom, you go to the table first. I'll just introduce Sandra to my business colleagues." paalam ni Russell sa kanyang ina.

Tumigil sila sa paglalakad at humarap sa amin.

"Sure, hijo. Ipakilala mo na hangga't maaga pa. Nang sa ganoon ay makilala na nila ang mapapangasawa mo." Tita Elaiza chuckled. Ganoon rin si Shellie.

Epitome Of PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon