Sandra
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng paghanga habang pinapanood si Marga na pinapalibutan ng mga taong nagaayos sa mukha at buhok niya. She's already pretty even without makeup, pero mas lalo siyang gumanda nang maayusan. I guess it's not really those tons of makeups that makes her pretty. It's the inner happiness and love she's feeling. And the excitement that finally, she's marrying the man of her dreams.
"Bakit mukha kang malungkot, Sands?" puna sa akin ni Marga na siyang nakatingin sa repleksyon ko sa malaking salamin.
Umiling ako at ngumiti. "Wala. Natutuwa lang ako kasi ang ganda-ganda mo lalo."
"Maganda ka rin naman, Mamá! Majubis ka nga lang pero maganda ka." sabat ng isang bakla na nagaayos sa mukha ng kaibigan ko.
I smiled softly at him.
Siya rin iyong nagayos sa akin kanina sa kwarto ko. Nakakatuwa nga dahil binigyan ako ni Marga ng sariling kwarto dito sa hotel na malapit sa simbahan na pagdadausan ng kasal mamaya. I've been staying here since last night. Gusto kasi ni Marga na kasama ako dahil kinakabahan daw siya.
Normal lang siguro 'yon dahil ilang araw rin silang hindi nagkita ni Cole. Ayon kasi sa pamahiin ay bawal talaga magkita ang magkarelasyon ng ilaw araw dahil baka hindi matuloy ang kasal. According to Marga, Cole is really frustrated for not seeing her within the past few days. Wala lang itong magawa dahil maging siya ay naniniwala sa kasabihan.
Isa pa, ako naman ang maid of honor. It's my responsibility to assist her with everything she needs to do. Responsibilidad ko bilang pinakamatalik na kaibigan niya ang samahan siya sa lahat habang hindi pa sila nagiisang-dibdib ni Cole.
"Maganda talaga 'yan kahit malaman. If I were to ask, I preferred her figure that way. Kung papayat siya ay maganda pa rin naman siya. But she's prettier with her voluptuous body." Marga said that pulled me out from my thoughts.
Ngumuso ako sa kaibigan. "Huwag mo na akong bolahin pa. Kung maganda ako bakit hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ever since?"
"Ay! No boyfriend since birth ka pa? Hindi ka pa nakakatikim ng luto ng langit?" nanglalaki ang mga matang tanong sa akin noong make-up artist.
I shook my head. "Sa kamalasang palad, hindi pa."
"Daig pa pala kita! Nakakailan na akong tikim-"
"That's so gross, Mamá! We have a virgin here!" Marga uttered that followed by a chuckle.
I rolled my eyes at her with a smile on my face. "Baliw!"
"Naku, Sandra. Hindi bale. Wait ka lang! May darating din na lalaki para sa'yo. Huwag ka mainip dahil bata ka pa naman. Magkasing edad lang ata kayo nitong si Marga, hindi ba?"
Tumango ako.
Ayun na nga, e. Magkasing edad lang kami. Siya ikakasal na, ako NBSB pa rin. Nasaan ang hustisya?
"Ayun naman pala. Okay lang 'yan. Huwag mo istressin ang beauty mo sa paghihintay ng lalaking makakarelasyon mo. Malay mo, God is saving the best man for you." the make up artist giggled.
"Bravo! May pa-wisdom words si Mamá!" Marga mocked while clapping her hands.
Natawa ako.
"Oo, at dahil diyan, dodoblehin mo ang bayad sa akin dahil may krus ang dila ko. Kapag sinabi ko, nagkakatotoo."
Napailing na lang ako sa kalokohan nila. However, I'm not expecting for that best man anymore. Instead, I have already expected that I'll grow old with no man beside me.
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 20 pang mga libreng parte