Sandra
"Boyfriend mo na ba iyon, Sandra?"
My eyes flew to Enzo who's silently eating beside me. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at tila napakatahimik niya. Simula pa kaninang umaga, sa tuwing magkakasalubong kami at magkakasabay sa faculty room ay hindi na siya gaanong namamansin. Pinapansin niya naman ako pero hindi ganoong kabuhay. Sanay kasi ako nang palagi siyang nakangiti sa tuwing makikita niya ako. He's a jolly kind of person mostly when it comes to me. That's why seeing him this silent and frigid makes me fall in doubt. Parang hindi siya iyong Enzo na palagi ko nakakasama. May problema kaya siya?
"Sino?" takang tanong ko habang matamang nakatitig sa kanya.
From the pasta he's eating, he turned his morbid eyes to me. I simply swallowed when I notice that his dark brown eyes that used to be holding geniality and kindness are now filmed, vacant and dead.
"Iyong palaging naghahatid-sundo sayo dito. Palagi ko kayo nakikita sa tuwing uwian, minsay ay sa umaga kapag hinahatid ka niya. Boyfriend mo na?" he asked icily.
Si Russell kaagad ang pumasok sa isip ko. Wala namang ibang lalaking ang naghahatid sundo sa akin dito. I smiled at Enzo as I shook my head.
"Naku, hindi. Magkaibigan lang kami noon."
He arched his eyebrow. The way he did it, para bang hindi siya naniniwala sa naging sagot ko. Iyon naman talaga ang totoo. Russell and I don't hold any label for us. Sa harap man ng pamilya ko ay manliligaw ko siya, magkaibigan pa rin kami. We may be pretending in front of my family pero hinding hindi ako lalabas ng aming bahay bitbit ang kasinungalingan na iyon. Hangga't maaari ay gusto kong sabihin ang totoong estado namin kapag may taong kuryoso sa amin. That's the right thing to do because I feel that if I won't be honest in front of anyone about our real status, that would be insanely unfair for Russ.
"Magkaibigan? Friends don't look each other that way. The way that man stares at you, para bang ikaw lang ang babaeng nakikita niya. Isn't he the man you wanted to avoid before whenever he's outside our school?"
Pilit akong ngumiti. I don't understand why he's being curious about Russell now.
"Oo. Nagkaroon lang ng misunderstanding. Ayos na kami ngayon at magkaibigan." wika ko saka ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. Masiyadong mabigat iyon. Iyon yung klase ng buntong hininga na naririnig ko lang kapag may problema ang isang tao o stressed ito. I used to breathe that kind of sigh. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kumawala kay Enzo. Para bang pasan niya ang buong daigdig ngayon.
"Sana nga ay kaibigan mo lang at wala ng mas hihigit pa. That guy... he doesn't look like a trusted man. Sumisigaw ang pagiging playboy sa awra niya. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mahuhulog ka sa mga patibong niya. That kind of man knows how to catch a girl just by using his physical appearance and his money. Kapag nakuha na ang gusto, iiwan na lang sa isang tabi. So be careful, Sandra. You've never had a boyfriend ever since. Huwag kang padala sa mga kagaya niya. Ikaw rin."
Ngumisi ako at nag angat ng tingin sa kanya. "Concerned?"
Sabihin mong nag-aalala ka lang kaya mo nasabi ang mga iyan, Enzo. Kasi kung hindi, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng inis sa mga klase ng salitang binibitawan mo.
He doesn't know Russ. Wala siyang alam doon sa tao kung hindi ang pangalan lang. And yet, he's here... judging the person without enough evidence but his physical appearance. Hindi kasalanan ni Russell kung ipinanganak siyang gwapo. Pero hindi rin iyon dapat maging dahilan para husgahan siya sa negatibong aspeto.
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte