Sandra
"Sigurado ka ba na ayos ka lang talaga magisa dito, Sandra? Pasensiya na talaga at hindi kita masasamahan. Ikaw naman kasi, bigla ka na lang sumusulpot. Kung sana ay nagsabi ka ng maaga na magbabakasyon ka dito ay hindi na lang ako tumuloy sa pupuntahan ko."
Hilaw akong napangiti sa aking tiyahin habang pinapanood itong nagiimpake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pagalis. Literal akong nakatingin sa mga damit na hawak niya ngunit ang isip ko naman ay wala rito at nasa ibang bagay. Nasa ibang tao.
"Ayos lang, auntie. Kasalanan ko rin naman. Kaya ko na po magisa dito. Gusto ko lang talaga magpalipas ng ilang araw na malayo sa siyudad."
Auntie Cindy suddenly paused from folding her clothes. Nag angat siya ng tingin sa akin at mariin akong tinitigan. The way her eyes study my face, para bang hindi siya naniniwalang iyon talaga ang dahilan kung bakit ako narito.
"May problema ka, ano? Sa totoo lang ay hindi ka naman mapapasugod dito sa akin kung wala kang problema doon sa Maynila. Love life ba 'yan?" nagtaas siya ng kilay.
I couldn't help but to see my mother everytime I'm looking at Auntie Cindy. Magkamukhang-magkamukha sila kahit saang banda. She's nanay younger sister. Kagaya namin ni ate Celestine ay dalawa lang rin silang magkapatid, puro babae pa. Iyon nga lang ay matandang dalaga itong si auntie at walang sariling pamilya.
She doesn't look bothered about it though. Parang ayos lang sa kanya na mag-isa siya. Parang tanggap niyang tatanda siyang walang kasama sa buhay. Hindi ko siya nakikitaan ng kahit kaunting lungkot sa mukha dahil sa kanyang sitwasyon. Maybe she has accepted her fate a long time ago.
Baka ganoon rin ang kailangan ko gawin? Ang tanggapin na talagang tatanda na lang akong magisa? Wala naman sigurong masama. My auntie looks so happy and stress-free. May maayos naman siyang trabaho at napapakain niya ang sarili niya sa araw-araw.
Her situation is the perfect example that you don't need a man in your life just to be happy. Kung pipiliin mo ang maging masaya, magiging masaya ka. We shouldn't depend our happiness on other people.
"Wala, auntie. Gusto ko lang talaga mag-unwind. Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang subsob sa trabaho."
Bumuntong hininga siya. "Sige, kunyari naniniwala ako..."
"Auntie naman," nakangusong ungot ko.
Auntie Cindy chuckled and continue what she's doing. "Ikaw ba ay wala pang nobyo? O, manliligaw, Sandra?"
Ako naman ang bumuntong hininga. Pakiramdam ko ay ang bigat pagusapan ng tema na ito. Simula kagabi ay kinalimutan ko ng may koneksyon ako kay Russell. Kinalimutan ko ng nililigawan niya ako. Kasi kung seryoso siya sa akin, bakit kasama niya si Shane at naghahalikan pa?
Sa pagkakaalam ko, oras na nangligaw na ang lalaki sa isang babae, wala na itong karapatan pa makipaglandian sa ibang babae. Unless he's really a manwhore and at the same time, an asshole.
"Wala, auntie. Mukhang matutulad ako sa inyo. Tatandang dalaga." I chuckled gloomily. "Hindi ka po ba nalulungkot? Siyempre, mag-isa ka lang sa buhay at walang katuwang."
"Choice ko ang tumanda mag-isa, Sandra. May nanliligaw naman sa akin dati pero hindi ko gusto. Malungkot sa una, pero nasanay na ako. Ganoon talaga. Ito talaga siguro ang kapalaran ko. Kung ganito rin ang magiging kapalaran mo pamangkin - ang mag-isa, huwag kang magaalala. Nandito lang naman ako. Sasamahan kita, tayong dalawang mag-tiyahin ang magsasama."
Natawa ako roon. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng aking dibdib sa litanyang iyon ni Auntie. Kung iisipin ay hindi rin naman masama iyon. E, ano kung kamag-anak ko ang makasama ko hanggang sa pagtanda at hindi ang lalaking mahal ko o mahal ako?
BINABASA MO ANG
Epitome Of Perfection
RomanceThere is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may kakayahan magmahal. *** Having a voluptuous kind of body is a struggle for her. It's always the reason why men can't like her. Na para ban...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte