"Luciaaaa! Lumabas ka diyan sa kwarto mo!"
Sino nanaman ba 'tong nambu bulabog? Ang aga aga! Natutulog pa iyong tao e.
"Luciaaaa! Ano ba?! Buksan mo 'to!"
Punyeta ka talaga Kennedy! Kahit kailan ka talaga. Alam niya ang passcode ko kaya malaya siyang nakakapasok dito sa unit ko.
Kennedy Sarmiento. Siya ang bestfriend ko. At oo. Lalaki ang bestfriend ko dahil ayaw ko makipag bestfriend sa babae. Ayaw ko ng drama and all. Pagod na pagod na ako sa drama sa bahay at ayaw ko ng dagdagan pa ito.
Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang kwarto. Sumalubong agad ang pagmumukha ng bestfriend ko at pulang pula ito. Ang laki na din ng butas ng ilong niya. Infairness, but he's still handsome tho.
"O napano ka? Ang aga aga nang iistorbo ka. Puyat ako!" Sigaw ko sakaniya. Hindi naman pwedeng ako lang ang sigawan niya no.
"Nagpunta ako dito dahil tumawag ang tatay mong babae ka. Patawarin ka sana ng Diyos pero ano nanaman bang ginawa mo? May nagrereklamo nanaman sayo! Pang 347 na reklamo na ito simula noong maging mag bestfriend tayo! Tumataas talaga ang bp ko sa'yo bru. Buti nalang nagmemaintenance ako."
Natural na sa akin ang ganitong eksena. Yung susugurin ako ni Kennedy dito sa unit ko dahil tinawagan siya ni Papa. It's either may nagre reklamo nanaman sa akin dahil sa ginawa ko sakanila o may gustong ipasabi si Papa sa akin na hindi niya masabi sabi. Hindi ko kasi siya masyadong kinakausap. Tapos isusumbat sa akin ni Kennedy ang mga bilang ng mga nagreklamo sa akin dahil sa ugali na meron ako. Well, IDGAF. /I don't give a fuck/
Bumaba ako at nag punta sa kusina. Bigla akong ginutom. Wala pa pala akong lutong pagkain. Wala akong makain. Mygosh!
"Huwag mo akong talikuran Lucia! Kinakausap pa kita. Wala ka talaga manners! Sagad hanggang buto iyang kasamaan mo ha. Hindi naman ako nag kulang sa mga itinuturo ko sa'yo."
"Bru, tama na. Magluto ka nalang ng almusal. Kain tayo. Nagugutom na ako." Utos ko sakaniya at umupo ako dito sa stool nang makapasok na kami ng kitchen.
"Ano ba 'yan bru? Nakakahalata na talaga ako. Kada punta ko nalang ba dito lagi mo akong pag lulutuin? Hindi ako nagrereklamo ha. Shineshare ko lang ang opinyon ko. Chef ba ako bru? Hindi ko pangarap 'yun, kaya huwag mong tuparin. Iba ang may pangarap don. At kilala mo kung sino."
Kahit naman ganiyan 'yang bestfriend ko, masunurin iyan. Siya na yata ang pinakamabait na nilalang na nakilala ko at gusto niya laging gumagawa ng mabubuting bagay. Kabaligtaran ko ang ugali na meron siya. But even though, nagkakaka sundo pa rin kami sa mga bagay bagay.
"What ever. Magluto ka nalang. 'Diba masunurin ka? Yung masarap ha. Pero ano na nga ba 'yung sinasabi mo?"
Tinalikuran naman niya ako at kumuha siya ng mga pagkain sa fridge at nagumpisang magluto. Napangiti ako. Napakabait talaga!
"Sabi ko huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita. Dahil talaga namang ang aking altapresyon ay pinapataas mo."
"Bru nakaharap na ako sa'yo. Ikaw 'tong nakatalikod ngayon sa'kin. Kaya sabihin mo na kung ano ba 'yan. Sino ba yang nagrereklamo nanaman. TMRN."
"TMRN? Wait hulaan ko muna 'yan. TMRN? Hmmm? Ah! Tell Me Right Now? Tama ba'ko bru?"
Pumalapak naman ako sakaniya. Para na siguro kaming baliw na dalawa dito.
"Napakatalino mo talaga. So ano na nga kasi 'yun?"
"Yung ka schoolmate mo raw. Bakit mo raw sinapak? Nako naman talaga oo. Ako pa tatanungin ni Tito e hindi ko naman din alam. Kaya ang sabi ko, try to find out. Hay nako. Minsan iniisip ko bru kung paano tayo naging mag kaibigan? Sa bait kong 'to at pinagpala sa lahat e may bestfriend akong napakasama ng ugali! Dapat si Alex bestfriend mo hindi ako e. Pero baka pinagtagpo talaga tayo ng tadhana at ginawang mag bestfriend dahil ako ang mag liligtas sa iyo. Tama. 'Yun ang misyon ng Diyos sa akin."
BINABASA MO ANG
The Casanova's Queen
RomanceThis story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?