Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naisipan namin ni Kennedy na magpunta sa isang beach resort. Magsiswimming kami. WWEOWW!
/We will enjoy our weekend/Anyway, siya ang nag plano nito dahil gusto niya daw ng internal peace, spiritual peace at kung anong peace peace pa ang sinabi niya. Meron daw bumabagabag sakaniya at nung tinanong ko siya kung ano ba 'yun, ayaw naman niyang sabihin. Kaya pumayag na ako. Tsaka libre niya rin 'to. SNN! /Sayang naman no/
"Bru, basta kung ready ka ng sabihin sa akin kung ano mang gumugulo sa'yo sabihin mo lang. Makikinig naman ako e."
Nandito kami ngayon sa kwarto namin at nag aayos ng mga gamit. 2 days kaming mag i stay sa beach resort na 'to. Magkasama kami at oo sa iisang kwarto lang. Dahil wala namang malisya 'yon samin. Mag kaibigan kami at si Kennedy ang tipo ng lalaking kahit mag hubad ka sa harapan niya ay hindi ka pagsasamantalahan. TSDY! /Takot sa Diyos yan/ Amen!
"Hehe basta bru. Ang mahalaga enjoy-in mo tong araw na 'to. Libre ko 'to e. Mag thankyou ka naman diyan bru."
"Edi TY!"
"Bilisan mo na mag bihis bru. Para makababa na tayo. Excited na ako. Galak na galak na ang aking puso para makalangoy."
"Tigil tigilan mo nga ako sa tagalog mong 'yan. Sumasakit ang ulo ko."
"Patawarin mo ako mahal kong kaibigan. Pero ang taong hindi marunong mag mahal sa sariling wika ay higit pa at masahol sa malansang isda. Hindi ako malansa, at hindi ako isda kaya mahal ko ang ating wika."
"PKG."
"Anong PKG? PUBG lang ang alam ko. 'Yung laro."
"Para kang gago."
Lumapit naman siya sa akin atsaka niya pinag sasampal ang bibig ko. Mahina lang naman. Tawang tawa ako sakaniya. Ayaw na ayaw niya kasi ng mga taong nag mumura. Just like what I've said, mabait siyang tao. Sobra! Pwede na nga maging santo.
"Leggo na bru!"
Lumabas kami ng kwarto namin at sumakay sa elevator para makababa. Lumabas kami ng hotel at dumiretso sa beach. Naka rash guard kaming pareho ni Kennedy. Huwag na kayong umasang makakapag two piece ako kapag siya ang kasama ko. Mas mahinhin at conservative pa yan sa akin.
"Bru! Kuhanan mo ako ng picture." Inabot ko sakaniya ang dlsr.
Nag pose naman ako at kinuhanan niya ako ng sandamakmak na pictures. Bestfriend slash Chef slash Photographer. SKP? /San ka pa/
"Alam mo bru, swerte magiging asawa mo. Napaka talented mo talaga!"
"Ikr."
Tumawa naman ako sakaniya dahil ginaya niya ako. Ewan ko ba kung bakit ang hilig ko sa initialism. IFCWI. /I feel comfortable with it/
"Ang sweet niyo naman. Mukha kayong couple."
Napalingon kami ni Kennedy sa taong nag salita. Medyo nagulat pa ako nang makita ko siya. Anong ginagawa ng Eden na 'yan dito?
"Bakit ka nandito Evan?" Inis na tanong ni Kennedy.
"Ikaw naman bro. Masama bang mag punta rito?"
"Oo masama."
"What's wrong with that? Ikaw ba may ari nito?"
Nagpalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Naka ngisi si Electricfan habang naka pout naman si Kennedy. Naku! Ang cute cute talaga ng bff ko.
"Sasabihin ko bang masama kung hindi kami ang may ari nito."
Napa nganga naman ako sa sinabi ni Kennedy. Oo mayaman sila at afford nila ang bumili ng isala. Pero punyemas na lalaking 'to. Kaya pala ang lakas ng loob manlibre kuno at mag aya dito ay sila pala may ari. NINADA. /Naisahan niya ako dun ah/
BINABASA MO ANG
The Casanova's Queen
RomanceThis story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?