Chapter 17

8.2K 261 38
                                    

Luke is my brother. He's 2 years older than me. Let me tell you now the story to clarify things.

Yun ang issue sa pamilya ko. I didn't know na may kapatid pala ako sa labas. My family was so perfect way back before and then suddenly napag alaman ko na may anak pala sa labas si Papa. I was so broken that time when I knew it.

Ang problema kasi noon ay matalik na magkaibigan na kami ni Luke bago niya pa inamin sa akin. From the start na nagkakilala kami, sinadya niya pala ang lahat para mapalapit sa akin at sa pamilya ko.

We were so inseperable that time. Walang makapag hiwalay sa amin. We're like Batman and Superman. Lahat ng kaaway niya kaaway kona rin. Lahat ng gusto ko, gusto niya rin. Magka sundong magka sundo kami sa lahat ng bagay. Until one day, umamin siya na anak raw siya ni Papa dahil hindi na raw niya kayang itago pa sa akin. At first, hindi ako naniwala. Na baka nagbibiro lang siya. But when I asked my father about it? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa when he confirmed it. My Mom knew na may anak pala si Papa. They hid it from me.

Kaya pala noon palang, noon palang ramdam ko na parang may problema sa pamilya namin. Na kahit pakiramdam ko napaka perfect na ng lahat, parang may mali. May mali sa pagsasama nila Mama at Papa. Everytime na kaharap nila ako, they are the best parents you'll ever have. But little did I know na kapag wala na pala ako iba na ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Nang malaman ko ang lahat doon na nagsimula. Nagsimula ng gumuho yung masaya kong pamilya. Yung perfect parents para sa akin? Wala na. Nagbago na. Sinisi ko ang lahat ng yun kay Luke. Dahil pakiramdam ko siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sakaniya ay hindi magkakaganito. Hindi magbabago. Pero ang tanga tanga ko lang na ganon ang pag iisip ko. Sinisi ko siya sa bagay na nagpa bago sa pamilya ko where in fact wala naman siyang kasalanan. At hindi naman talaga nagbago ang parents ko dahil ganon naman na pala talaga sila.

Mas lalong lumala ang galit na naramdaman ko nung tumira si Luke sa amin. Inuwi siya ni Papa. My mother accepted him. Tinuring niyang parang tunay na anak si Luke. I should be happy that time right? Na natanggap ni Mama. So ibig sabihin hindi na siya nasasaktan. But it didn't make me feel happy. It made me feel worst.

Everyday, pakiramdam ko para akong nagiging outcast sa sarili kong pamilya. My father was always comparing me to Luke. That I should be like him. I should do the same thing na ginagawa ni Luke. And as a daughter, sino ba namang gusto na ikumpara ka sa kapatid mo diba? To think na anak pa siya sa labas. That was my mind set before. Even my Mom agreed to my Dad that time. I felt like, am I still welcome to this family? That was the time na nagalit ako kay Papa. Siya ang may anak sa labas. Siya ang nagkamali. Siya rin ang dahilan ng lahat. Silang dalawa ni Luke. Kaya dapat sakanila ako magalit ng lubos.

Habang tumatagal na kasama ko si Luke sa Mansion mas lalong lumalaki ang galit ko sakaniya. Sa bawat atensyon na nawawala sa akin. Yung pagmamahal na dapat iparamdam nila sa akin pero nawala na.

Yung dating super duper close namin ni Luke, nagbago. Nawala yung magandang pagsasama namin. I started to curse and I changed the way how I treat him.

Dumating yung point na naisipian kong mag rebelde.I can still remember na nagnakaw pa ako sa 7eleven ng mga chocolates at sinadya ko iyon. Sinadya ko rin na mahuli nila ako. Gusto kong galitin si Papa. Gusto ko iparamdam sakaniya yung galit na nararamdaman ko. Siya naman ang lahat ang may kasalanan pero bakit ako yung nagdurusa? Bakit ako yung lubos na nasasaktan?

Hanggang ngayon hinding hindi ko makakalimutan yung mga salitang binitawan niya noon. That, "Wala kang kwenta!" Iyak ako ng iyak buong magdamag. Yun na yata ang pinakamasakit na salita na maririnig mo sa magulang mo. Ang sabihan ka ng walang kwenta. Wala pala akong kwenta e bakit pa nila ako inanak?

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon