Chapter 42

8.5K 188 43
                                    

❌❌❌🚨🚨🚨

Tahimik kaming naka upo sa may living room nila Evan. Hinihintay naming dumating ang parents nila. Pati ako ay kinakabahan sa pag amin na gagawin ni Jayden at Bella. Jusko.

"Man, bakit pati ako kinakabahan?" Tanong ni Luke kay Jayden.

"Dapat hindi kami kasama sa pag amin niyo e. Hindi naman kami kasama nong ginawa niyo 'yan." Binatukan ko si Evan dahil sa sinabi niya.

"Gago ka." Mura ko sakaniya.

"Baby naman! Joke lang e. Kinakabahan din kasi ako."

Tahimik lang si Bella sa tabi ni Jayden habang magka hawak kamay sila. Bella is just 17 years old while Jayden is 23. They have 6 years age gap. Evan told me na 13 years old si Bella noong naging sila. So ibig sabihin 19 na noon si Jayden?! Pedophile si gagu!

"Jayden, handa na ba ang speech mo? Ihanda mo na rin ang mukha mo baka masuntok ka nanaman."

"Bella, galaw naman diyan." Sita ko sakaniya dahil tahimik lang talaga siya. Palagay ko nga hindi na rin siya humihinga.

"Kinakabahan kasi talaga ako Ate."

"Kabahan talaga kayo. Nako sinasabi ko sa inyo. Noong nag iyutan kayo hindi kayo kinabahan ngayong aamin kayong nag bunga ang iyot niyo kinakabahan kayo."

"What the fuck?" Tumatawang sabi ni Jayden.

"Damn it, baby. Natawa ako."

"Alam mo na meaning ng iyot Evan?"

Tawa nang tawa si Jayden dahil sa sinabi ko. Tatawa tawa pero kinakabahan yan. Sus! If I know.

"Yes. I asked Kent."

"Bibig mo naman, Lucia. Napaka bastos mo." Sita sa akin ni Luke. Inirapan ko nalang siya.

Pinapagaan ko lang ang ambiance dahil pare parehas kaming kinakabahan dito. Pa sabi sabi lang ako ng salitang iyot dito pero putek yung tibok ng puso ko ay iba. Bella is like a sister to me kaya ramdam ko ang nararamdaman din niya ngayon.

"Sir Evan, nandiyan na po ang Mommy at Daddy niyo." Sabi ng isang katulong sa amin.

Sabay namang napatayo si Jayden at Bella habang magka hawak ang mga kamay nila. Aww! Ang sweet! Para tuloy akong nanonood ng drama. You and me against the world ang peg.

"Bella and Jayden, huwag nalang kayo kikibo once na mag salita si Mom at Dad sa inyo nang mga masasakit na salita. Just face it." Bilin nang kuya niya.

Pumasok na ang Dad at Mom niya dito sa may living room. Nakita kong nag igting ang panga ng Dad niya. I looked at Bella and Jayden at mahigpit ang pagkaka hawak ng kamay nila sa isa't isa. Nasa drama na talaga kami. Hayup!

"Anong ginagawa ng gagong lalaki na 'yan dito sa pamamahay ko?!" Dumagundong ang boses ng Dad niya sa may living room. He's mad. Really mad!

"Daddy." Hinawakan ng Mom niya ang kamay ng Dad nila.

"What is this Evan?"

"Dad, Mom you need to listen to them."

"Anak." Naiiyak na sabi nang Mom niya.

"Dad, Mom I'm sorry. I'm sorry because I know madidisappoint kayo sa akin. Alam kong ayaw niyo kay Jayden para sa akin. I'm sorry kung hindi ko sinunod ang bilin niyo sa akin na hiwalayan siya. I'm sorry if I still continue the relationship I have with him. I want you to know na mahal na mahal ko po siya. Hindi ko kayang hindi siya makasama. Please po. Pag bigyan niyo po sana kami. Please understand us. I love him so much, Mom, Dad."

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon