Chapter 20

8.7K 221 5
                                    

Umuwi rin kami kinabukasan nung nag beach kami. Sinundo kami ng sasakyan nila Evan na pinasundo ng parents niya. Sumabay na sa amin si Kennedy. Umuwi kasi ng mas maaga si Lancie kasama si Patricio. I still don't know what happened to them after that. But base sa sinabi ni Hong nung tumawag siya sa'kin ay galit ito. I hope Lancie and him are fine. Si Luke naman ay nag byahe mag isa at mas nauna pang umalis sa amin dahil may importante raw siyang aasikasuhin. Hindi ko na siya tinanong kung ano iyon dahil baka about sa Mafia group niya ito.

May pasok na naman ngayon that's why I'm busy studying. I feel so proud to myself dahil dati hindi naman ako ganito. Pero ngayon unti unti na akong nag iimprove. GKTMP! /Gusto ko tuloy magpa party/

Ang daming pinapagawang reports and all ng mga prof ko dahil graduating na nga kami. Sometimes pinapagawa ko nalang kay Luke ang iba at malugod naman niyang tinatanggap iyon. Takot niya nalang kapag humindi siya sa akin.

Esmas is texting me for these past few days pero hindi ako nag rereply sakaniya. Hindi naman sa nag mamaganda pero I want to distant myself to him now. Gaya ng sabi ko, kailangan ko ng realization. Kung ano bang gagawin ko if ever na sabihin na niyang mahal na niya ako. At kailangan kong klaruhin sa sarili ko ang tunay na kong nararamdaman.

I know to myself that Evan is not hard to like and to love. Is this my karma? Dahil pinatulan ko ang pustahan na 'yun? Gabi gabi kong sinasabunutan ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Bwisit! Pakiramdam ko nga ay makakalbo na ako. Hindi ba dapat siya ang mafall? Pero bakit pati ako na aapektuhan. Punyemas! BTAM. /Bilog talaga ang mundo/

But I'm not sure if may gusto na ba ako sakaniya. I'm attracted to him yes. But like? I'm not sure yet. That's why I want to distant myself to him ay para makumpirma ko sa sarili ko kung gusto ko na ba talaga siya and I'm doing this too para marealize niyang mahal na niya ako. Though I know na nandoon na siya. Malakas talaga ang pakiramdam ko na mahal na niya ako. Ramdam na ramdam ko e. Hindi niya palang siguro ma amin amin sa sarili niya. But I can feel it! However, kahit ganon ang pakiramdam ko, gusto kong mang galing sakaniya mismo ang mga salitang yun. Hindi niya pa ma amin sa sarili niya kaya ayaw ko magpa kampante. Mahirap na. Baka siopao nanaman e. So in short, I'm doing this for the both of us.

Napatigil ako sa ginagawa ko dito sa may living room ng may nag buzz sa labas ng unit ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ang mukha niya pero hindi ko iyon ipinahalata sakaniya. It's him. Pinapasok ko siya at may dala nanaman siyang grocery items. Consistent talaga ang pag bili niya sa akin ng groceries.

"Are you busy?" He asked me immediately nang maka upo siya may sofa. Wala man lang Hi or Hello kyah?

"Yes. Daming ginagawa sa school e."

"Bakit hindi ka nag rereply sa akin? Ilang araw na akong text ng text sa'yo at tawag ng tawag pero dinededma mo yata ako."

"Sorry. Hindi ko napapansin. Ito nga oh. Ang dami ng ginagawa ko." Pinakita ko sakaniya ang lahat ng paper works dito sa may living room.

Yes I'm busy but I'm not that actually busy lalo na't nandiyan si Luke para tulungan ako. Sinasadya ko talagang dedmahin ang lahat ng texts at calls niya. Remember, I want to distant myself. At kung papansinin ko siya at sasagutin lahat ng mga texts at tawag niya ay wala ring kwenta.

"Ganon ka na ba ka busy para hindi makapag reply kahit isa?"

"I'm tired. So sometimes I don't have time to check my phone at nakaka ligtaan ko rin."

"I don't know baby. But I feel like iniiwasan mo ako."

My heart skipped a beat nang marinig ko sakaniya ang salitang baby. What the fuck is that?

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon