I drive myself all the way home. I tried myself to focus on the road dahil lumilipad ang isip ko. Lumilipad ito papunta kay Dred. Tama lang ba na iniwan ko siya doon na mag isa? Balikan ko kaya? Pero baka umasa nanaman siya kapag binalikan ko siya.
My phone started to ring and it's Luke.
"Oh?"
"I've been calling you since last night! Nasaan ka na?!" He's angry.
"I texted you yesterday. Pauwi na ako."
"Tangina naman, Lucia! Aatakihin ako sa'yo! Pinatay mo ang cellphone mo tapos ganon lang yung text mo. Aba't malay malay ko ba kung saan kayo unang nagkakilala!"
"Bakit ba galit na galit ka diyan? Pauwi na nga ako. Malapit na ako. Don't worry."
"Bilisan mo at nang gigigil ako sa'yo." Natawa naman ako sakaniya dahil g na g talaga siya.
"Gagu. Do you want something? Dadaan muna ako ng restau."
"Wala akong gusto. Basta umuwi ka na dito!"
"Oo na. Potek!"
Pinatay ko na ang tawag at ini stop ko ang sasakyan ko nang makarating ako sa restaurant. I went inside at humanap agad ako ng pwesto. I'm hungry. Nagutom ako sa byahe.
Umupo ako sa may dulo at lumapit agad ang waiter sa akin atsaka kinuha ang order ko. I just used my phone while waiting. Shit. Ang daming text ni Luke na ngayon lang dumating. Puro may exclamation point pa. Siguro nabaliw na 'to kagabi kaka isip. Hindi ko maiwasang matawa.
"Lucia." Itiningala ko ang ulo ko at napa taas ang kilay ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Wow! She really has the guts to show her face to me.
Umupo siya sa may harapan ko at sakto namang dumating ang mga inorder kong pagkain. Walang nag sasalita sa amin hanggang sa maka alis ang waiter.
"What do you want?" I asked.
Hindi pa ako nag umpisang kumain dahil parang bigla akong nawalan ng gana. Parang gusto ko nalang isungalngal sa bibig niya lahat ng pagkain na nandito sa may harapan ko tapos isasaksak ko sakaniya ang tinidor! Bwisit siya.
"I want to talk to you." Napa irap naman ako sakaniya at nagkibit balikat.
"What do you want to talk about?"
Napa tingin naman ako sa may tiyan niya na malaki na at hindi ko maiwasang masaktan habang naka titig ako doon. Inalis ko ang tingin ko doon nang maramdaman kong namumuo na ang mga luha ko.
"About Dred."
"What about him?"
"Akin siya, Lucia. Huwag mo sana siyang agawin sa akin."
Napa taas naman ang kilay ko sakaniya. Is she serious? Sakaniya pa talaga nang galing ang salitang "agaw". Is she joking or something?
"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako nang ganyan where in fact ikaw 'tong nang agaw!" Hindi ko na naiwasang mapataas ang boses ko. Ginagalit ako ng babaeng 'to!
Buti nalang pala at nasa dulo kami. Hindi kami maririnig ng ibang mga customers. Well, I don't give a damn din naman kung marinig man nila kami dahil siya 'tong lilitaw na nakakahiya if ever.
"Lucia, hindi ko siya inagaw sa'yo. Maniwala ka. Wala akong alam sa nangyari sa amin."
"Next excuse please. Gasgas na 'yan. Wala na bang bago?"
"Mahal na mahal ka ni Evan, Lucia. Mahal na mahal mo rin siya. Ka-"
"Alam mo na palang mahal ko e bakit pinatulan mo? Kaibigan mo ako Carmela. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa niyo?! Malandi ka!"
BINABASA MO ANG
The Casanova's Queen
RomanceThis story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?