Excited na excited na ako para bukas. Bukas na ang graduation namin at tuwang tuwang sina Mama at Papa dahil ga graduate ako. Akala yata ng mga magulang ko hindi ako makakapag tapos.
"Anak, ang saya saya ko talaga. Kasi buong akala ko gagantihan mo ako ng matindi tapos hindi ka ga graduate."
"Pa, kahit naman ginagantihan kita noon nasa isip ko na mag tatapos ako dahil kay Mama. Promise ko kaya sakaniya 'yon. Diba Ma?"
"Oo, Luis. Pinangako sa akin 'yon ng anak natin. Akala mo diyan ha."
"Bakit para sa Mama mo ang pag tatapos mo? Ako ang nagpa aral sa'yo."
"Pa, huwag ka na nga mag drama. Ang mahalaga ga graduate si Lucia." Singit ni Luke na ngayon ay kakadating lang.
Humiga siya sa may sofa at ipinatong niya ang ulo niya sa mga hita ko. My so sweet brother!
"Lucia, hilutin mo nga ulo ko. Ang sakit e."
"Bakit? Napano ka? Stress ka sa work?" Ipinatong ko ang mga kamay ko sa ulo niya at inumpisahan ko siyang hilutin. Kawawa naman ang kapatid ko. Wala na ngang lovelife tapos puro stress pa. TINH. /This is not healthy/
Hanapan ko kaya siya ng ka blind date?"May gamot dito Luke. Uminom ka na ng gamot at baka lumalala pa 'yan at magka sakit ka. Saglit lang. Kukuha ako."
Tumayo si Mama at kumuha ng gamot sa may room.
"Anak, I know you're a busy man. Pero huwag mo naman sanang hayaan ang sarili mo. Tignan mo nga 'tong kapatid mo. Pa chill chill lang at tamang landi lang sa boyfriend niya. Ganon ka rin dapat."
"Wow Pa ha! Parang sinabi mo na rin na malandi ako?!"
"Ay hindi ba, anak? Hehe." Mabilis siyang tumayo sa upuan at tumakbo papunta sa taas.
Minsan iniisip ko kung tatay ko ba talaga si Papa? Hindi siya matured. Mygosh.
"Luke, here. Uminom ka na ng gamot. Kumain ka na ba?"
"I just had my dinner outside, Tita. Thank you."
Kinuha ni Luke ang gamot pati ang tubig kay Mama at ininom niya ito. Hinawakan ko ang leeg niya at medyo mainit siya.
"Ma, may lagnat yata siya e."
"Patingin nga."
Hinawakan ni Mama ang noo niya.
"Tsk. Umakyat ka na doon sa taas Luke at magpa hinga ka na. May sinat ka oh! Graduation bukas ng kapatid mo at dapat nandoon tayo lahat."
"I'll be fine tomorrow Tita. Don't worry. I'll go upstairs."
Tumayo si Luke mula sa sofa at umakyat na papuntang taas. This is the first time na makita ko siya ulit na nagkasakit. Malakas pa sa kalabaw 'yan e. Kaya madalang pa sa patak ng ulan 'yan kung dapuan ng sakit.
"At ikaw naman Lucia, matulog ka na. Maaga ka pa bukas."
Tumayo na rin ako at umakyat na sa taas. 9:00 am ang graduation namin bukas and I'm just so excited like helloooo. Tomorrow is my most awaiting day!
Pagka pasok ko ng kwarto ay sakto namang nag ring ang cellphone ko. I looked at the screen and it's Evan. Miss niya na siguro ako.
NGKT. /Napaka ganda ko talaga/"Yes baby?"
"Baby, we're here sa bar nila Kennedy. They want to celebrate. Punta ka? Sunduin kita."
"Baka hindi na ako payagan ni Mama lumabas e. Pinapatulog na nga ako. Sino ba mga kasama niyo diyan?"
"Sila Kennedy, Kent. Lancie is here with Patricio. Pag sabihan mo ang kaibigan mo at baka mag wala dito."
BINABASA MO ANG
The Casanova's Queen
RomanceThis story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?