After namin makalabas sa hospital ay inaya ko ng umuwi si Luke. I decided na mag stay nalang muna siya sa unit ko to sleep. I need to catch up with him and we need to talk a lot of things. For the past two years I didn't know anything kung anong nangyari sakaniya and I wanna know kung paano siya nagkaroon ng sarili niyang Mafia.
I think I don't need to tell him the happenings of my life for the past two years. He doesn't need to know about it because I know alam na niya ang lahat. He always finds his ways to be updated. Si Luke pa ba? He always wants to know everything about my life.
We're here in my living room sitting on the couch and drinking some beers to light up the mood. That's one of the purpose of alcohol.
"I made you as my inspiration." He answered as I asked him how did he make himself a Mafia Boss.
He was a Mafia Leader before in Blockers Mafia pero pinilit ko siyang umalis doon. I don't want him to become a Mafia Leader. Ayaw kong mas lumamang siya sa akin noon. Kaya hiniling ko yun sakaniya and he granted it. Haay. Kapag naiisip ko ang mga pinagawa ko sakaniya noon dahil sa galit ko parang nakokonsensya ako. I feel so guilty.
"I always think about you that time, Lucia. Kasi gusto ko pagbalik ko may maipagmamalaki ako saiyo. Hindi para ipagyabang. But I want you to be proud of me. Na kahit pina alis mo ako at naging miserable ang buhay ko sa Cali atleast may na achieve pa rin ako. Specially everytime na nalalaman kong lagi kayong nananalo sa lahat ng battles and contests na sinasalihan niyo ng grupo mo."
"Ang ganda ko naman pala."
"Yuck." Sagot niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung yuck ako yuck ka rin tandaan mo yan."
Panay ang kwento niya sa akin sa naging buhay niya sa California. Palagay ko nga ay aabutin kami hanggang mamayang umaga sa sobrang dami ng kinekwento niya.
Napatigil ako sa pakikinig sakaniya nang mag ring ang cellphone ko. I looked on the screen and it's Kennedy who's calling.
Anong oras na bakit tumatawag pa siya? Hindi pa ba sila nakauwi?
"Bru?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Bru! Nasaan ka?!" Hinihingal niyang tanong sa akin. May humahabol ba sakaniya?
"Edi nasa unit. Hoy Kennedy Sarmiento! Anong ginagawa mo? Bakit ka hinihingal?! Naku! Yan na nga ba sinasabi ko e."
"Ito kasing manliligaw mo! Pinagod ako! Nagwawala! Pumunta ka dito bilisan mo. Pagod na akong umawat kaya nagpapahinga muna ako ngayon."
"What? E sinong umaawat sakaniya ngayon?"
The fuck? Bakit siya nagwawala? Ano namang problema ng lalaking yun at naisipan niyang mawala doon? Kung nagwawala siya malamang sa malamang lasing na yun. Baka sa utak niya nilagay lahat ng alak na nilaklak niya.
"Si Kai, Alex at Kent. Bilisan mo. Lucia siya nang Lucia. Nababaliw na yata 'to."
"Ano nanaman bang problema nang isang iyan? Bakit niya ako hinahanap?"
"Ewan. Tanungin ko?"
"Abnormal ka talaga."
"Pumunta ka na dito. Lagot nanaman ako nito dahil nagbasag siya ng mga bote."
"O siya sige. Pupunta na ako. Watch him."
Binaba ni Kennedy ang call. Inis akong napatayo sa sofa.
BINABASA MO ANG
The Casanova's Queen
RomanceThis story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?