Chapter 61

6.3K 226 106
                                    

Pagkatapos naming mag usap ni Mama ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. I decided to go outside. Parang gusto ko magpa hangin. Parang gusto kong huminga ng malalim at mag isip isip.

Lumabas na ako at nag lakad lakad. I saw a park at naisipan kong huminto doon. Umupo ako sa isang bench at nag umpisa na akong mag isip. About our situation.

Evan has a son now. He wants to get me back. Gustong gusto ko siyang balikan dahil mahal na mahal ko siya at aaminin ko na hindi ko kayang mawala siya sa akin. At kung hindi ko siya babalikan, baka tuluyan na siyang mawawala sa akin.

Him and Carmela are saying na hindi nila gusto ang nangyari. Wala silang alam sa nangyari. Pero paano? Paano nila nagawa ang bata?

Kanina, ramdam na ramdam ko kung gaano kamahal ni Carmela si Dred. She was even screaming Dred's name while giving birth to her child. Pero paano niya nagawang mag taksil kay Dred kung mahal na mahal niya ito?

Nabobobo ako sa pag iisip. 

"Hoy, Lucia. Ang lalim ng iniisip mo. Bumili ka nga ng ice cream."

Napa tingin ako sa may bandang kanan ko at gulat na gulat ako dahil si Ryoga 'yon habang nag titinda ng ice cream? What the fuck? Tulak tulak niya ang kariton ng ice cream papalapit sa akin. Yung may gulong. I don't know what is the name of that thing.

"Ryoga? Ikaw ba talaga 'yan?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala.

"Yes, babe. It's me. Gwapo ko no?" Seryosong sabi niya at huminto siya dito sa may tabi ko.

Kumuha siya ng apa at nilagyan niya ito ng ice cream at inabot niya sa akin.

"Oh. 15 pesos lang 'yan. Mag bayad ka babe ha? Kahit crush kita hindi 'yan libre."

"Anong trip mo? You are rich. Why are you selling ice cream?!"

"Sideline ko 'to. Huwag kang judger. Kung makapag salita ka naman parang ang samang trabaho ng pag titinda ng ice cream."

"Hindi lang ako makapaniwala. Baliw!"

Pati kasi ang outfit niya ngayon ay pang tindero rin. May cap pa siya na parang pang mag sasaka. Letse. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Iba ang takbo ng utak niya.

Kung abnormal na si Kennedy, mas abnormal ang isang 'to. Bakit ba napapalibutan ako ng mga abnormal na tao?

Kinain ko naman ang ice cream na binigay niya and it's actually delicious.

"Ikaw din ba gumawa nito, Ryoga? Masarap ah. Mas masarap pa sa Selecta e."

"Hindi babe. Tindero lang ako pero hindi ako ang gumagawa. Wala na akong time. I'm busy. Atsaka mas masarap ako diyan. Try mo kong dilaan."

"Edi wow. Gago."

"Bakit ka nga pala nandito? Atsaka nasaan ang Kuya mong patay na patay kay Lancie?"

"Gusto ko lang mag isip isip. Atsaka nasa bahay siya. Iniwan ko muna."

Tinignan ko ang mga bata na masayang nag lalaro. Parang ang sarap ulit bumalik sa pagka bata. Noon ang problema ko lang ay ang pag tulog sa tanghali. Hindi ko inakala na mamomroblema ako dahil sa lalaki. Punyeta. Ganda ko.

"Sino namang iniisip mo? Si Evan? Nanganak na si Carmela ah."

"How did you know?"

"I'm Ryoga, Lucia. At gaya ng lagi kong sinasabi, I have my own ways." Napa tingin ako sakaniya and he's smirking.

Minsan naci creepyhan ako sakaniya. Para siyang hindi normal na tao. Alien siguro 'to? Mateo Do?

"You know what babe. Kahit nakagawa nang ganong kasalanan si Evan, I still want him for you. I want you two to be together. Sana mahanap mo na sa puso mo ang kapatawaran na hinahanap mo. I want you to be happy."

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon