Chapter 52

6.2K 233 31
                                    

Author's note: Hi guyseau! Tong part no ay flashback pa rin ha? Huwag papalito. Next update will be present time na! Thankyouuu. Enjoy reading! 🖤

Pagkatapos naming mag usap usap ay nag kita kita ulit kaming magkaka grupo para pumunta sa mga Council. Kinakabahan ako dahil baka nandoon si Ryoga pati na rin 'yung isa na nakaharap namin. I don't know what's his name.

"Sigurado ka na ba talaga, Queen?" Tanong sa akin ni A.

"Pwede pa tayong umurong." Singit naman ni C.

"Letse kayo. Tumahimik nga muna kayo at kinakabahan ako."

"Akala mo ba ikaw lang ang kinakabahan? Gusto ko na nga maihi sa pants ko."

"Yak! Kadiri ka naman B."

"Let's go home?"

Iniliko ni D ang kotse at sinapok ko naman siya dahil sa ginawa niya. Hayup. Mag paparking nalang siya lahat lahat nakuha pang lumiko. Kung kailan nandito na kami?

"Ipark mo na D. Kokonyatan kita e."

Iniliko niya ulit ang kotse at ipinark na ito sa may parking lot. Bumaba na kaming lahat at grabe na ang tibok ng puso ko.

Agad naman kaming hinarangan ng mga lalaking malalaki ang katawan na taga bantay ng kuta nila nang lumapit kami sa may gate.

"Anong kailangan niyo?" Matapang na tanong nila sa amin.

"We would like to meet the Council."

"At bakit?"

"Nakaka lungkot man sabihin pero aalis na siya sa grupo namin. So can you let us in now?"

Tinignan kami isa isa nang lalaki at pinakita ko sakaniya ang card ko. This is like an ID that will show na kabilang ka sa Underworld.

"Sige. Pumasok na kayo."

Pinapasok na nga kami ng lalaki at nag lakad na kami papunta sa loob. Napaka lawak ng lugar na ito at ang daming lalaki na may nag lalakihang mga katawan ang narito. They are guarding the place while holding their guns.

"Sosyal talaga ng mga Council ano? May mga taga bantay." Natatawang sabi ni A.

"Oo nga e. Winner!" Sagot naman ni C at natawa na rin ako.

"Well, well, well. Look who's here."

At kung hindi nga naman excited ang isang 'to ay siya pa talaga ang unang makikita ko. One month ago ay umalis siya ng bansa. Hindi ko alam kung kailan siya bumalik dahil wala naman akong paki alam sakaniya in the first place.

"What are you doing here?" He asked.

Ngumiti ako sakaniya kahit gusto ko siyang sungalngalin na piste siya.

"I came here to talk to you at sa ibang Council."

"Why?" Seryosong tanong niya. Wow! First time ko siyang makitang mag seryoso. Is this a joke?

"Here." Inabot ni B ang mga documents na pinrint ko at may pirma ko na lahat. Ako na ang nag print dahil ayaw ko na silang maabala pa. Ganon ako ka excited.

Binuksan niya ang envelope at naka kunot ang noo niya at magka salubong ang mga kilay niya habang binabasa niya 'yon isa isa.

"Lucia." Tawag niya sa akin habang ini isa isa niya pa rin ang mga documents ko.

"Oh?"

"Are you really serious about this?"

"Pupunta ba ako dito kung nag bibiro ako? Gago ka ba?"

The Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon