Chapter 3

859 55 9
                                        

Title: New Saga (VRMMORPG)
Author: JheraldRealyn

*A/N: Medyo mabagal ako mag-update, 2-4 days o baka umabot pa ng 5 days.  Ito'y sa kadahilanan na abala ako sa School, ako'y isang hamak lamang na estudyante.  Kaya naman pasensya na sa aking mga pagkukulang bilang isang manunulat.

               Chapter 3: Massacre

[Pala'az City] also known as Beginner City.

Ang Pala'az City ay ang City kung saan karamihan sa mga player ay dito pinipiling magsinula. kaya naman kilala ito sa tawag ng mga player na Beginner City, karamihan ng mga player na makikita mo dito ay mga Level 30 below.  Ang Pala'az City ay matatagpuan sa silangan ng Jiguu Forest at binubuo ng mga mahihinang Monster tulad ng Goblin at Slime subalit, may mga ibang parte ng Jiguu Forest na may mga monster na may matataas na Level tulad ng Orc, Grey Wolf, Kobolds, Silver Bear at Centaur.

Ang Jiguu Forest ay kilala sa isa sa mga pinaka malalawak na mapa kaya naman pinaniniwalaan na hindi pa nalilibot ng mga playet ang kabuuan ng Jiguu Forest.

Malaking parte ng Jiguu Forest ay puro mabababang level na monster kaya naman hindi na nakakapagtaka na lagi itong dinaragsa ng bagong player upang magpataas ng Level.

At ang paborito namang tambayan ng mga player ay ang Moonlight Tavern na matatagpuan sa Pala'az City, Dito ay nagtitipon-tipon ang mga player hindi lamang para tumambay, magbonding, magpalipas ng oras at makipagkwentuhan kundi upang makahanap ng party o makakasama sa Jiguu Forest.

“naghahanap kami ng Cleric!! Na may level 3 or higher [Heal]!”

“mga ate kuya newbie lang po ako!! Pabuhat naman!!”

“naghahanap ng kaparty! Level 5 na [Fire Ball] ko!”

Ito ang normal na maririnig mo sa loob ng Tavern.  Subalit hindi na ito ang maririnig ngayon sa loob ng Tavern kundi..

“Tang ina!! May bug ata! May high level goblin na pagala-gala sa beginner area ng Jiguu Forest!!”

“mag-ingat kayo sa Jiguu Forest lalo na sa Beginner Area! kitang-kita ko kung paano minassacre ng isang goblin ang sampung player!!”

Iyan na ang maririnig mo sa loob ng Tavern, at di kalayuan sa grupo ng mga baguhang player ay kapansin-pansin ang limang lalake.

LuckyMe Level 33 (Knight)
ChiliMansi Level 30 (Mage)
HotAndSpicy Level 31 (Archer)
Kalamansi Level 31 (Assassin)
Original Level 32 (Swordsman)

Sila ang kilalang party ng mga baguhang player dahil sa bilis nilang magpalevel at ang bawat isa sa kanila ay may mataas na Win Rate sa PVP bukod pa rito ay kilala sila sa mga dating VRMMORPG.

Lumapit si LuckyMe sa ibang baguhan na mga player.

“Ahem! Ano bang kaguluhan ito?” wika ni LuckyMe nang makalapit siya sa mga nag-uusap na mga baguhang player.

“Ikaw pala yan LuckyMe!” wika ng isang player ng mapansin na lumapit si LuckyMe

“Kilala nyo ba ang party ng RobBrothers?!” wika ng isa sa mga player.

"ou.. kilala ang party na yun lalo na dito sa Pala'az City dahil mahilig sila mang Pk ng mga player.. ano namang meron sa RobBrthers?" wika ni LuckyMe at pagtataka na din nito.

“ang RobBrothers na binubuo ng sampung party ay namassacre ng isang goblin lang! at hindi lang yun! balita namin nagcamping pa ang goblin!" dugtong pa ng isa na naging dahilan upang ikagulat ni LuckyMe.

Muling bumalik si LuckyMe sa kanyang mga kasama.

“anong masasabi nyo?” wika ni LuckyMe.

“ayon sa kwento nila siguradong hindi iyon basta goblin lang..” wika ni Original.

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon