Chapter 20: Goblin King
[Break] Beginner Lvl. 1
- Break the Attack or Skill of one enemy (Required Direct Contact).
- If your strength is higher than your enemy, your enemy will receive 25% of his attack/skill damage and stun for 1 sec.
- If your strength is lower than your enemy, you will receive 25% of his attack/skill damage.'Kraaaaaaaak!'
Tila may nabasag na salamin nang magtama ang espada ni Rey at ang palakol ng goblin king. Ilang sandali ay kitang kita ni Ivan ang pagtilapon ni Rey patungo malapit sa direksyon ni Ivan.
"Ngayon ko lang napansin nag-Evolve ka na pala.. yan ba natanggap mong skill?" wika ni Ivan.
Tumango muna si Rey bago sumagot. "Oo, may katagalan ang CD kaya medyo may katagalan bago ko yun magamit uli.." wika ni Rey.
Tumingin sa paligid si Ivan, napabuntong hininga nalang si Ivan dahil kalahati sa undead na naipon nya ay agad na nasawi sa isang skill lang ng goblin king.
"Magic Defense, Physical Defense at Attack Damage lahat yun mataas at pati Hp nya di ko alam kung gaani kataas, pero kung sa bilis ang paguusapan ay lamang tyo.. pero kung idadaan lang natin lahat sa bilis, hindi ko alam kung gaano tayo tatagal sa labang ito.." wika ni Ivan.
Hindi naman sumagot si Rey na tila nagiisip ng malalim.
"Bahala na!" sigaw ni Ivan at sinalubong ang goblin king.
"[Dark Magic: Demonic Plague]!" wika ni Ivan at napaligiran ng itim na hamog ang paligid.
Winasiwas ng goblin king ang kanyang palakol at dahil sa laki at bigat nito ay may katagalan ang pagwasiwas nito.
Inilagan ni Ivan ang Palakol at sabay sipa sa sikmura nito. "[Dark Kick]!" subalit halos hindi man lang nagalusan ang goblin king sa ginawang iyo ni Ivan, gumanti ang goblin king at muling winasiwas nito ang palakol subalit, hangin nalamang ang tinamaan nito dahil agad na nakagulong si Ivan palayo sa goblin king.
Agad na tumayo si Ivan at sumuntok sa hangin "[Shadow Punch]!" nabalot ng itim na usok ang kamao ni Ivan na tumalsik naman sa mukha ng goblin king.
"[Devil's Arm]!" gamit ang itimna higanting kamay ay ginapos ni Ivan ang goblin king pagkagapos ay agad na sumugod si Rey sa goblin king.
"[Shark Attack]!" Tumalon si Rey patungo sa goblin king at mabilis na sumugod at nang makalapit ay agad nitong winasiwas ang kanyang espada na naging dahilan upang bahagyang umangat sa ere ang goblin king.
Walang sinayang na oras si Rey, nang umangat ang goblin king ay agad nyang sinaksak sa lupa ang kanyang espada na naging dahilan upang maglabasan ang mga pating rito na yari sa tubig. Sumugod ang mga pating sa goblin king, kinagat ito bago sumabog.
"Ngayon na!" sigaw ni Ivan habang nasa ere ang goblin king, sabay sabay na nagpakawala ng palasong may lason ang mga alalay na goblin sa direksyon ng goblin king.
"[Dark Magic: Gravity Field]! [Dark Magic: Bone Trap]!" dahil sa Gravity Field mabilis na bumulusok pababa ang goblin king at kasabay ng kanyang pagsak ay ang mabilis na pag-angat ng Bone Trap.
Dahil dito ang skill ni Ivan ay nagtamo ng Critical Strike at bumaon sa katawan ng goblin king ang mga matutulis na buto.
Hindi sinayang ni Ivan ang pagkakataon.

BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
AcciónNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...