A/N: Good eve 😁 medyo super super delay hehe.. medyo busy sa school, actually super busy hahaha! sabay sabay eh.. BTW, nakakalungkot na tatanggalin na ang Asignaturang Filipino ng CHED. Wala tayong magagawa disisyon nila yun eh pero bilang isang manunulat at Pilipino gagawa ako ng story tungkol sa sarili nating wika 😁 sana magustuhan nyo ang chapter ngayon..
Chapter 10: New Player
'Tap! Tap!'
Yan ang tanging bagay na maririnig sa loob ng isang madilim at masikip na silid, at ang tanging bagay na nagbibigay liwanag sa madilim at masikip na silid na ito ay ang kompyuter.
Payat at bakas sa katawan nito na kanya ng napapabayaan ang kanyanh sarili't katawan.
Ang pangalan ng binatilyong ito ay, Rey.
Si Rey ay isang binatilyo na nagkukulong sa kanyang sariling kwarto at tanging kompyuter lang ang kaharap at nakakausap.
Paano nga ba nagkaganito si Rey?
Si Rey ay isa sa mga kabataan na nabiktima ng pambubully. Dahil dito ay walang naging kaibigan si Rey at inilalaan ang oras sa paglalaro ng Online games.
Oo, duwag si Rey. Wala syang sapat na lakas ng loob upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa kanyang mga kaklase na nambubully. Pero pagdating sa mga RPG games o Online games ay walang tatalo kay Rey at kilal din sya sa mga Online games na isang 'Bully'.
Kahit na nahihirapan, sinasaktan ny emosyonal at berbal ay tiniis lahat ni Rey. Kung minsan ay nasasaktan na sya pisikal. Ano nga ba ang laban ng isang tulad nyang lampa't patpatin?
Pagkauwi ni Rey galing sa eskwela ay sinalubong sya ng kanyang ina.
Bakas ang pasa sa mukha ni Rey, kitang kita sa kanyang mga damit ang karumihan na dulot ng pang aapi ng kanyang mga kaklase.
Subalit hindi ito napansin ng kanyang ina. Oo, isang bulag ang kanyang ina na naging dahilan at naging rason upang apihin at kutyain sya ng kanyang mga kaklase.
"Kamusta ang pagaaral anak?" wika ng kanyang ina.
Sinubukan at pinilit ni Rey na ngumiti, dahil alam nya na bagamat bulag ang kanyang ina ay madali nitong nalalaman kung may problema sya o kung may masakit sa kanya.
"O-okay l-lang po ako ma.." mahinang sambit ni Rey habang pinipilit na ngumiti.
Yayakapin pa sana sya ng kanyang ina subalit agad syang umilag at nagmadali.
"Ah! M-may assignment pa po ako.." wika ni Rey.
Agad at nagmamadlaing tumungo si Rey sa kanyang kwarto. Binuksan ang kompyuter at agad na naglaro ng Online games.
Biglang nagbago ang presensya at aura ni Rey na tila ba ay ibang tao na sya. Kung sa totoong buhay ay si Rey ang inaapi, sa Online games ay si Rey ang nang aapi.
Subalit, simula ng lumabas at umuso ang VR helmet ay biglang bumaba ang bilang ng mga player na naglalaro sa kompyuter at pinili ang VRMMORPG.
Naging malaki ang epekto nito kay Rey, lalo na't karamihan sa itunuturing nyang matalik na kaibigan ay sa Online games nya lang nakilala at isa isa ng nagpapalit ng VRMMORPG.
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
AcciónNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...