*A/N: Magandang Hapon sa lahat.. Plano ko sana magreserba muna ng extra chapter bago magpost, pero naisip ko ipost ko na ngayon yung Chapter 4 kahit hindi pa tapos ang chapter 5. Baka kasi matagalan ako sa pagpost sa susunod na mga araw dahil nagkasabay sabay ang mga report ko at project.. buhay kolehiyo nga naman.. sana magustuhan nyo ang Chapter ngayon salamat 😉
Chapter 4: Auction
Kinabukasan pagkagising ni Ivan ay agad siyang naligo at nagbihis. Dahil mas maaga siya nagising ngayon kumpara kahapon ay may sapat na oras si Ivan upang makapag-ayos.
Matapos mag-ayos ni Ivan ay dumiretso na siya sa kanyang eskwelahan at sa daan ay bumili sya ng taho, taho ang paboritong almusal ni Ivan simula nung bata pa sya. Bukod kasi sa mga sustansya na binibigay nito at sa murang halaga ay convenient din ito lalo na sa tulad ni Ivan na tamad maghanda ng almusal.
Habang naglalakad patungo sa kanilang eskwelahan ay dala dala ni Ivan ang isang baso ng taho na nagkakahalaga ng P20.00.
"Tabi!" sigaw ng lalakeng abala sa pagtakbo, di kalayuan sa direksyon ni Ivan.
Umiinom si Ivan habang naglalakad kaya hindi na nya napansin pa ang lalakeng tumatakbo papalapit sa kanyang direksyon at nabangga si Ivan ng lalakeng ito na naging dahilan upang tumapon ang taho sa damit ni Ivan.
“Ouch!!” sigaw ni Ivan dahil mainit-init pa ang taho.
“tsk! Sabing tabi eh! Bingi ka bang gago ka?!” sigaw ng lalake at tinulak pa nito si Ivan sa balikat.
“tang ina ikaw na ang bumangga ikaw pa ang galit?!” sigaw ni Ivan sa kanyang isipan, dahil sa galit ay hindi na pinigilan pa ni Ivan ang kanyang sarili.
Bago pa man makatakbo ang lalake ay agad itong hinablot ni Ivan sa damit na naging dahilan upang mapahinto ang lalake sa pagtakbo.
“di mo ba ako narinig bata?! Sabing tabi!!” sigaw ng lalake at sabay amba ng suntok kay Ivan.
Yumuko si Ivan upang ilagan ang suntok ng lalake, at habang naka yuko si Ivan ay hinila niya ang damit ng lalake na kanyang hawak-hawak at angat ng kanyang tuhod patungo sa sikmura ng lalake na naging dahilan upang maduwal ito at mapayuko. Umatras si Ivan ng isang hakbang at umikot, kasabay ng kanyang pag-ikot ay sinipa nya ang lalake sa ulo na naging dahilan upang tumumba ito.
Nang makita ni Ivan na naka handusay ang lalake at walang malay ay bigla syang kinabahan at nakaramdam ng takot lalo ng napagtanto nya na nasa gitna sya ng daan at ang mga tao ay nag-umpisa nang makiisosyo at magkagulo. Ilang sandali ay biglang may lumapit na isang pulis at biglang hinawakan ang braso ni Ivan.
“Anong ginawa mo?! Sumama sa ka sakin!” wika ng pulis at halata sa tinig nito ang galit.
“T-t-teka lang boss! Magpapaliwanag ako!” sigaw ni Ivan habang nagpupumiglas sa pulis.
“mga kabataan talaga ngayon! Anong magpapaliwanag?! Sa barangay ka magpaliwanag-!” sigaw ng pulis at hinila si Ivan subalit biglang napatigil ang pulis nang may lumapit sa kanila na isang dalaga.
Hinawakan ng dalaga ang kamay ng pulis. “Teka lang po kuya!” sigaw ng dalaga.
Nagulat si Ivan sa biglang pagsulpot ng dalaga.
“Sino ka naman huh?!” sigaw ng pulis.
“ah.. eh.. pano bato?” wika ng dalaga habang napakamot sa ulo. “snatcher po kasi ang lalakeng yan..” wika ng dalaga at sabay turo sa shoulder bag na hawak-hawal ng lalake na naka handusay sa daan at walang malay. Dinampot ng dalaga ang shoulder bag at kinuha ang school Id nito sa loob ng bag. “Ito po ang patunay na bag ko ito at tinulungan lang niya na mabawi ang bag ko.. maraming salamat..” wika ng dalaga at sabay yuko.
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
AksiNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...