Chapter 15

696 45 3
                                    

Chapter 15: Tournament I

[Book of Alchemy] Beg. Lvl. 1
- Written by Kristov Lovién, a Royal Court Alchemist of Romannia Empire.  All of research, experiments and studies of Kristov was written in this book.
- A power or process of transforming something common into something special.
- (Passive) Allows you to combine any materials or ingredients to create a new item.  Increase wisdom and Intelligence by 1%.

'Ding!'

'Do you want to learn [Production: Alchemy]?'

"Yes.." wika ni Ivan.

'Are you sure?  Upon learning [Production: Alchemy] you will unable to learn any Production skill nor unlearning this skill.'

"yes.." wika uli ni Ivan.

'Ding!'

'You learned a new skill! [Production: Alchemy]'

"hindi na masama, ang kailangan ko ngayon ay Intelligence ang kailangan ko nalang gawin ay pataasin ang level.." wika ni Ivan subalit nang makita nya ang oras ay napangiwi nalamang.

Binuksan ni Ivan ang voice chat window at agad na tinawagan si Rey.

"nasaan ka?" wika ni Ivan.

"Nagpapalevel kasama mga alalay kong goblin.. baket boss?" wika ni Rey.

"ah ganun ba.. sige, papaubaya ko muna sayo yung pagmanage sa kweba maaga kasi ako ngayon maglog out at baka bukas pa ako ng gabi maka log in at may chance din na hindi ako maka log in.." wika ni Ivan.

"sige boss!" masiglang sambit ni Rey. "pero boss ano ba mga gagawin ko?" pagtataka ni Rey.

"wala naman, may matatapos nang upgrade at build.. send ko sayo mamaya yung mga listahan ng mga dapat mong iupgrade at ibuild.." wika ni Ivan. "aasahan kita, sige paalam na.." dugtong pa ni Ivan at pinatay na ang voice chat.

Pagkatapos isend kay Rey ang listahan ay agad na naglog out si Ivan.

...

Paglog out ni Ivan ay tumungo sya sa malapit na parke at panandaliang nagsanay ng boxing at taekwondo.

Sa parkeng din iyon ay kapansin pansin ang dami ng tao, napaisip nalang si Ivan na marahil karamihan sa mga iyon ay nagsasanay din para sa nalalapit na tournament.

Abala si Ivan sa pageensayo ng mapansin nya na ang mga taong ito ay nagpulong sa iisang lugar at nagkakagulo.

Dala ng kuryosidad ay lumapit si Ivan sa mga tao at nakipagsiksikan upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

Nakita ni Ivan ang dalawang binatilyo na nagaaway, hindi.. hindi lang ito simpleng away, nakakasiguro si Ivan na hindi nalalayo ang edad ng dalawang binatilyo sa edad nya.

Sa una ay aakalain mo lang na simpleng suntukan at away lang ang ginagawa ng dalawa.  Subalit, kung may sapat kang kaalaman sa martial arts ay mabilis mong matutukoy na hindi lang ito basta basta isang suntukan.

Ang dalawang binatilyo ay nagpapatagisan ng lakas, galing at kakayahan ng sarinilang technique at martial arts, dahilan upang makaramdam ng kakaibang sabik si Ivan na tila ba may bumubulong sa kanya na tumalon patungo sa dalaw at sumali sa gulo

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon