Chapter 5: Let the Hunt begin!
[Jiguu Forest]
“Sigurado ka ba Original na banda sa lugar na ito nakalaban ng RobBrothers ang goblin na yun? Puro horned rabbit lang nakikita ko eh..” wika ni ChiliMansi.
“ou.. Hindi pwede magkamali ang source ko at ayon mismo sa RobBrothers dito sa parteng ito ng mapa sumulpot ang goblin na yun..” wila ni Original.
“ilang oras na tayo naghahanap at pabalik balik na tayo sa lugar na ito simula kahapon pero di parin natin nakikita o nakakasalubong ang goblin na yun.. baka nga totoo na bug lang talaga yun?” wika naman ni HotAndSpicy.
“imposible na bug lang dahil ang IT at programmer ng New Saga ay mga sikat na Programmer sa buong mundo kaya naman imposible na magkaroon ng ganung bug ang New Saga..” wika ni LuckyMe na bakas sa mukha ang panghihinayang.
Sa gitna ng kanilang paghahanap ay biglang sumulpot si Kalamansi na kanina ay naka [Stealth] mode.
“may nakita ka ba Kalamansi?” wika ni LuckyMe.
“ou.. tara sumama kayo..” wika ni Kalamansi.
Tumungo si Kalamansi sa mga matataas na mga halamanan at sa likuran nya ay nakasunod sila LuckyMe, Original, ChiliMansi at HotAndSpicy.
“ano bang meron dito? Eh matataas na halaman lang naman meron dito eh..” wika ni HotAndSpicy.
“hindi ko alam kung paano to ipapaliwanag kaya kayo nalang ang humusga..” wika ni Kalamansi at hinawi nito ang mga matataas na halaman, bakas sa mukha ng mga kasama ni Kalamansi ang gulat sa kanilang nakita. “Di ko alam kung paano nangyari pero ang kuwebang iyan ay wala sa mapa..” dugtong pa ni Kalamansi.
“alam ko na hindi pa nalilibot ang buong mapa ng Jiguu Forest, pero hindi ko inaakala na isa tayo sa mga makakatuklas nito..” wika ni ChiliMansi.
“kung ganun ito ang dahilan kung baket hindi natin makita ang goblin na yun..” wika ni LuckyMe habang nakangiti..
…
[Cave]
Pagkalog in ni Ivan ay nasa loob na sya ng kweba at nagulat pa si Ivan dahil hubo't hubad sya at wala na ang kapirasong tela na nakatakip sa kanyang ibaba. Kaya naman agad agad na kinuha ni Ivan ang mga item at sinuot ito.
Ilang sandali ay biglang sunod-sunod na naglabasan ang notification sa kanyang harapan.
'Ding!'
'By killing a human Consecutively, you Unlocked a new stat! EVIL'
'Ding!'
'By killing 20 humans in 1 hour, you Unlocked a new skill [Dark Arts]'
[Dark Arts] Beginner Lvl. 1
- (Passive) When you kill a player or monster you can store their Souls, Up to 50 souls. Each soul will increase your attack damage and speed by 0.25%.
- (Active) Consume 35 souls and Heal yourself by 20% of your Max Hp +(50%EVIL).
- Monster +5 souls
- Player +10 souls
'Ding!'
'You have Completed a Hidden Quest! [Human Slaughterer] you Receive 4 Levels, 20 Silver Coins and a Title [Human Slaughterer].’
[Human Slaughterer]
- Title for those monsters who loves to kill human. +3 to all stat.
'Ding!'
'You learned a New Skill! [Brute Force]'
[Brute Force]
- (Passive) Your Bare Hands become a lethal weapon. Increase strength by 5% and Ignore 5% defense when using your bare hands.
Nanlaki ang mga mata ni Ivan lalo na sa bago nyang skill na [Dark Arts].
“Parang ang OP ko na yata? Skills!” pagtataka ni Ivan.
[Martial Arts: Tae Kwon Do] Beginner Lvl. 6
- +8.5% to Agility and deals 6.5% of Attack Damage.
[Martial Arts: Boxing] Beginner Lvl. 4
- +7.5% Strength and deals 6% of Attack Damage.
[Mana Control] Beginner Lvl. 5
- +8% Intelligent.
[Magic Aura] Beginner Lvl. 7
- 22% to stats.
[Mana Perception] Beginner Lvl. 3
- +2% Mana Regen
[Dark Arts] Beginner Lvl. 1
- 0/50 Souls
[Brute Force] Beginner Lvl. 1
- +6% Strength and deals 5% Penetration.
“karamihan sa mga skills ko puro passive.. Hindi ko alam kung tama pa ba to.. bahala na nga” wika ni Ivan at napabuntong hininga nalang. “Status!”
Name: HellCry Level 20
Race: Goblin
Vitality: 87
Strength: 107+(6.42)+(8.56)
Agility: 96+(7)
Intelligent: 47+(3.76)
Reflex: 49
Endueance: 23
Leadership: 23
Evil: 23
“hindi ko alam kung normal ba ang stat para sa Level 20.. pero mas mabagal pagpataas ng level ang Monster Race compared sa ibang race kaya normal naman siguro to..” wika ni Ivan habang napapakamot pa sa kanyang ulo.
“bahala na nga.. ok oras na para magpalevel!” wika ni Ivan at paunat-unat pa.
Paalis na sana si Ivan upang tumungo sa labas ng Cave upang magpataas ng level ng biglang may notification na lumabas sa kanyang harapan.
'Ding!'
'Enemies are spotted near of the Cave.. Go to goblin chief Gogobuichi'
Pagkalitaw ng notification sa harapan ni Ivan ay biglang may lumitaw na limang pulang tuldok sa kanyang mapa.
“ano to? Event?” pagtataka ni Ivan at agad syang tumungo sa goblin chief.
…
“Mabuti’t nandito ka na goblin leader HellCry..” wika ng goblin chief.
Name: Gogobuichi
Level: ???
Vitality: ???
Strength: ???
Agility: ???
Intelligence: ???
Skill:
[???]
[???]
[???]
Nagulat si Ivan ng makita nya ang goblin chief lalo na ang stat nito. “Anong ibigsabihin nito? Baket naka question mark mga stat nya at skill? Malamang sobrang taas ng mga stat nito..” wika ni Ivan sa kanyang isipan. Ito palang ang kaunaunahan na nakita nya ang goblin chief.
Ang goblin chief ay medyo may kaliitan, nakayuko ito dala na rin siguro ng matinding katandaan at may hawak hawak din itong baston na syang umaalalay sa kanya sa pagtayo at paglalakad. Bagamat ang goblin chief ay maluwag at mahaba ang kasuotan na halos mabalot ang buong katawan, bakas na bakas parin kung gaano ito kapayat.
“narinig ko po na may paparating na kalaban sa ating kweba..” sagot ni Ivan.
“tama ka.. siguradong naparito sila upang wasakin ang ating tirahan kaya naman nais kong patayin mo silang lahat.. at dahil isa ka ng goblin leader, ipapaubaya ko sayo ang ilan sa iyong mga kapatid..” wika ng goblin chief.
'Ding!'
'You have a quest! Eliminate all of the intruders outside of the Cave..'
Rewards:
+Reputation
+Goblin
'Do you want to accept?'
“Yes!” wika ni Ivan at sa harap ay lumitaw ang listahan ng mga goblin at mga stat nito.
'2 Leadership = 1 goblin Level 1’
Puro level 1 na goblin ang ang pwedeng mapili ni Ivan at hanggang 11 goblin lang ang pwede nyang makontrol. Nang mapili na ni Ivan ang 11 goblin ay agad na syang umalis sa silid ng goblin chief at sa labas ay nag-aantay ang 11 goblin.
“kapag natapos ko ang quest na ito, akin na tong 11 goblin na to.. Di na masama ang problema lang hindi ko alam kung pwedeng mapataas ang level nila..” wika ni Ivan.
Mabilis na tumungo si Ivan sa labas ng kweba at sa kanyang likuran ay nakasunod ang 11 goblin. Pagkarating sa labas ng kweba ay bumungad sa harapan ni Ivan ang 5 player na ngayon lamang nya nakita at kapansin pansin din ang mga pangalan ng mga ito.
Sa kweba ay tuloy-tuloy ang paglabas ng mga goblin na sinusubukan na pigilan ang 5 player.
“Yiieeeeek!” sigaw ng 11 na goblin na kasama ni Ivan at sabay sabay na sumugod sa 5 player.
“t-teka! Wag!!” sigaw ni Ivan upang subukang pigilan ang 11 na goblin, hindi pa ganun kataas ang Leadership na stat ni Ivan kaya naman natural lang na hindi makinig sa kanya ang 11 na goblin.
Sa gitna ng 11 na goblin ay lumitaw ang isang assassin at sabay ikot nito'y nagtalsikan ang madaming dugo sa paligid at ang mga ulo ng goblin. 4 na goblin lang ang natira sa ginawang pag-ataki na ginawa ng assassin na si Kalamansi.
“Puta! Sayang yung 7 goblin! Mapapadali sana paggrind ko!” sa isip ni Ivan, sa katunayan hindi pa alam ni Ivan kung pwede pang mabuhay ang 7 goblin o mapapalutan ito kapag natapos nya ang quest.
“puta! Atras!!” sigaw ni Ivan at bakas sa kanyang mukha ang galit na naging dahilan upang matakot ang 4 na goblin at magsimula ng umatras.
“Taena.. kung alam ko lang na mangyayari to sana naghunt muna ako ng mga monster para mapuno ang Souls ng [Dark Arts]” sa isip ni Ivan. “hindi ko alam kung makakaya ko ang limang to.. ibang iba sila sa nakalaban ko nung nakaraan at di hamak na mas matataas ang level nila..” wika ni Ivan.
LuckyMe Level 35 (Knight)
ChiliMansi Level 33 (Mage)
HotAndSpicy Level 34 (Archer)
Kalamansi Level 33 (Assassin)
Original Level 35 (Swordsman)
Nabalot ang buong katawan ni Ivan ng asul na liwanag at iniangat nya ang kanyang dalawang braso at ibinaba ang kanyang katawan (Boxing Stance).
…
Gulat na gulat si Original na makikita sa kanyang mukha.
“Anong problema Original?” wika ni LuckyMe.
“wala ka bang napapansin sa goblin na yun?” wika ni Original sabay turo kay Ivan.
Goblin Level 20
Human Slaughterer
“bukod sa mas mataas ang kanyang level at may title pa.. ano pa bang meron sa goblin na yan?” pagtataka ni LuckyMe.
“Siya na ang hinahanap natin! Sigurado ako boxing stance ang ginagawa nya! Saan ka nakakita ng goblin na nagboboxing?!” sigaw ni Original.
“tama ka! Kung ganun malalaman na natin kung gaano ba sya kalakas! [Fire Wall]!” wika ni ChiliMansi at biglang lumitaw ang apoy na pader sa likod ni Ivan upang harangan ang lugar na maaring takbuhan ni Ivan.
Ang party nila LuckyMe ay pinangalan nilang PaCanton at tatlong araw palang simula na mag-umpisa sa New Saga pero dikat na silang party sa mga nauna nilang nilarong VRMMORPG at sakatunayan pa nga lumalaban pa sila sa mga tournament.
Nang lumitaw ang apoy na pader sa likod ni Ivan ay naging hudyat na ito upang simulan ang pag-atake ng PaCanton party. Gumamit ng [Stealth] si Kalamansi upang maging Invisible at mag-antay ng magandang pagkakataon upang umatake, si LuckyMe at Original ay magkasabay na sumugod kay Ivan.
“[Ice Trap]!” sigaw ni ChiliMansi at sa paligid ni Ivan ay lumitaw ang madaming magic circle at ilang sandali ay naglaho din.
Ang [Ice Trap] ay Tier II magic skill ng mga Mage. Kung damage ang pag-uusapan ay walang masyadong kumukuha ng skill na ito dahil sa sobrang baba ng damage nito at kung tutuusin ay mas mataas pa ang damage ng [Fire Ball] na isang Tier I magic skill. Subalit ang advantage ng [Ice Trap] ay ang Disable effect nito, depende sa player kung ilang [Ice Trap] ang ilagay niya pero randomly itong lilitaw malapit sa target area at kung sino mang kalaban ang mapadigit dito o matapakan ito ay agad mababalot ng yelo ang buong katawan nya ng 1.5 seconds.
Mahina ang damage ng [Ice Trap] pero malaking advantage ito lalo na sa mga PVP match.
Binagalan ni Original ang kanyang pagsugod na naging dahilan upang maunang sumugod at umatake si LuckyMe. “[Swords Strike]!” wika ni LuckyMe ng makalapit sya kay Ivan ay agad syang gumamit ng skill.
Tulad ng kanilang inaasahan umilag si Ivan at agad na sanang gagaamit ng skill si HotAndSpicy ng biglang lumitaw na apat na goblin sa kanyang likuran.
Ang plano sana nilang lahat, si LuckyMe, Original at HotAndSpicy ang aatake si Ivan at ipush ito at mawalan ng ibang choice kundi ilagan lahat ng kanilang pag-atake na magiging dahilan upang matapakan ni Ivan ang mga nagkalat na [Ice Trap] na syang magbibigay ng pagkakataon kay Kalamansi na atakihin si Ivan sa likuran at samantalahin ang passive skill ng mga assasin na [Backstab] at si ChiliMansi na may mataas na damage ang tatapos kay Ivan.
Subalit, wala sa kanilang plano ang pagsulpot ng goblin sa likuran ni ChiliMansi at HotAndSpicy.…
Nagulat pa si Ivan ng sumulpot ang pader na apoy sa kanyang likuran, agad nyang tinignan sa kanyang status kung tinamaan ang apat na goblin dahil sa baba ng stat ng mga yun siguradong madampian lang sila ng apoy mula sa [Fire Wall] ay patay na sila.
Napabuntong hininga pa si Ivan ng makita nyang buhay ang apat na goblin.
“buti nalang buhay sila ang problema nasa kabila naman sila ng apoy na pader..” wika ni Ivan at ilang sandali ay naglitawan ang mga magic circle sa kanyang paligid at naglaho din kaagad.
“Siguradong may mangyayaring masama sa akin kapag nadikitan ko ang mga yan!” wika ni Ivan sa kanyang isipan.
Walang masyadong experience si Ivan pagdating sa mga PVP match dahil ilang beses palang sya nakakapaglaro ng VRMMORPG, MOBa tulad ng mga Dota II at LoL, at RPG kaya naman wala syang alam sa mga strategy o tactic at kahit mga combo ng skills.
Biglang naglaho ang isa sa kanila at ang dalawa naman ay sabay na sumugod sa kanya, ang archer naman ay nakatingin sa kanya na tila pinagaaralan ang bawat galaw at kilos nya at ang isa sa tabi nito ay tila isang baliw na nakapikit at may binubulong.
Nang makita ni Ivan na sabay sabay kumilos ang limang player ay alam na din nya na may plano ang limang ito at ang bawat kilos nila ay planado na tila ba naglalaro sa kanilang palad ang kahihinatnan kanyang buhay.
“Check mate..” yan ang unang bagay na naisip ni Ivan, kaya naman naisip nya na gumawa ng bagay na wala sa kanilang plano. Biglang naisip ni Ivan ni Ivan ang apoy na pader at ang apat na goblin sa kabila nito. Dahil sa apoy na pader hindi makikita ng mga player ang apat na goblin.
Inutusan ni Ivan ang apat na goblin na umikot patungo sa likod ng archer at mage.
Pagkalapit ni LuckyMe kay Ivan ay agad nitong ginamit ang [Swords Strike] at nagliwanag ng pula ang espada nito at winasiwas nito kay Ivan.
Bago pa man tumama kay Ivan ang espada ni LuckyMe ay agad siyang yumuko at iniwasan ang espada ni LuckyMe kasabay nito'y lumitaw ang apat na goblin sa likod ni HotAndSpicy at ChiliMansi.
Pinagsasaksak ng mga Goblin sa likod si HotAndSpicy at ChiliMansi upang maging dahilan upang ma-cancel ang kanilang skill.
“a-ano?!” sigaw ni ChiliMansi upang ikagulat ni LuckyMe at mapatingin sa direksyon nila HotAndSpicy at ChiliMansi na nagbigay kay Ivan ng pagkakataon upang umatake.
Habang nakayuko ay buong lakas na sinuntok ni Ivan ang sikmura ni LuckyMe at sabay ikot at sipa sa dibdib ni LuckyMe na naging dahilan upang tumalsik si LuckyMe patungo kay Original.
Mabilis na sumugod si Ivan kay ChiliMansi at HotAndSpicy.
“buti nalang natandaan ko kung nasaan ang mga [Ice Trap]!” wika ni Ivan habang sinusubukang iwasan ang mga [Ice Trap].
“Shit!” sigaw ni Kalamansi at agad na kinansel ang [Stealth] dahil kapag naka [Stealth] ay mababawasan ang kanyang speed. Sinubukan na habulin si Ivan upang pigilan.Nang makalapit si Ivan sa dalawa ay agad syang tumalon at habang nasa ere ay agad nyang sinipa si ChiliMansi. Inutusan ni Ivan ang apat na goblin na magfocus kay HotAndSpicy at sya na ang bahala kay ChiliMansi.
Habang nakahilata ay sinipa ni Ivan si ChiliMansi at agad syang pumatong sa ibabaw nito at mabilis na pinagsusuntok sa mukha.'Level Up!'
'Level Up!'
Agad na nilagay ni Ivan ang mga stat nya sa Reflex, Agility at Strength.Bago pa man makalapit si LuckyMe, Original, at Kalamansi kay Ivan ay patay na si ChiliMansi at kasabay nito ay napatay na din ni HotAndSpicy ang apat na goblin.
Bago pa man makalapit si LuckyMe, Original, at Kalamansi kay Ivan ay patay na si ChiliMansi at kasabay nito ay napatay na din ni HotAndSpicy ang apat na goblin.
Pinalibutan ng tatlo na sila LuckyMe, Original at Kalamansi si Ivan.
“Kailangan natin mag-ingat.. hindi basta basta ang kalaban natin..” wika ni LuckyMe.
Muling gumamit ng [Stealth] si Kalamansi at kasabay nito’y sumugod si LuckyMe at Original kay Ivan at sa pagkakataong ito ay hindi na naka Boxing stance si Ivan kundi 'Kata' (Tae Kwon Do stance).
Walang hirap na inilagan ni Ivan ang mga atake ni Original at LuckyMe gamit ang kanyang kakaibang bilis.
Si HotAndSpicy ang nagbibigay ng Suporta kay LuckyMe at Original kahit na tatlo na silang nagtutulungan at sabay sabay na umaataki kay Ivan ay hindi parin gumaganti ng ataki si Ivan at puro pag-ilag lamang ang ginagawa nito na syang naging dahilan upang makaramdam ng matinding kaba si Kalamansi at nais na nyang tulungan ang tatlo pero ang plano nila ay lalabas lang sya kapag kailangan.
Hindi maintindihan ni Kalamansi kung ano ba ang pinaplano ni Ivan dahil ilang segundo nalang at mabubuhay na ang kanilang mage.
Lumipas pa ang madaming segundo at nabuhay nang muli ang mage na si ChiliMansi at dito ay biglang nag-iba ang kilos at galaw ni Ivan na tila ba naging agrisibo na napansin naman ni Kalamansin.
Sinipa ni Ivan si LuckyMe at Original na naging dahilan upang tumalsik ang dalawa at mabilis na sumugod kay ChiliMansi na abala naman sa pag-inom ng Potion. Sa New Saga kapag narevive ka hindi puno ang Hp mo kaya naman ginamit na pagkakataon ito ni Ivan upang muling patayin si ChiliMansi upang madagdagan ang kanyang Souls.[Itutuloy..]
![](https://img.wattpad.com/cover/164371063-288-k571830.jpg)
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
ActionNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...