A/N: Good Day 😉 nakalimutan ko sabihin nung last update ko.. dati more than 3,000 words per chapter ginagawa ko, pero dahil limited lang ang time ko sa pagsusulat at busy sa school naisipan kong babaan ang Limit ang chapter ko ng 2,000 words per chapter upang mas mabilis ko matapos at agad kong mai-publish ang bagong chapter..
Chapter 11: Anna?
Jiguu Forest, o mas kilala sa tawag na Beginner Area ng Asia Server.Ang Jiguu Forest ang isa sa pinakamalawak na forest sa buong New Saga. Dahil sa lawak nito ay hindi pa nalilibot ng mga player ang kabuuan ng buong kagubatan.
Isa sa dahilan kung baket hindi pa nalilibot ang buong kagubatan ay iniiwasan ng mga player ang magcross server.
Ang madalas na napupuntahan lamang ng mga player ay ang timog na bahagi ng Jiguu Forest kung saan malapit sa Human Territory. At ang kabilang bahagi ng Jiguu Forest, sa dulo nito ay ibang kontenente na o ibang server na.
Hindi alam ng mga player kung ano ang mangyayari kapag nagcross server, ang ilan sinasabi nila na may barrier daw na humaharang sa mga player upang iwasan ang cross server.
Ang Jiguu Forest ay nahahati sa limang bahagi; Timog kung saan malapit sa Human Territory; Silangan kung saan malapit sa Beastman Territory; Kanluran kung saan malapit sa Elf Territory; Hilaga ang nagsisilbing hangganan ng Asia Server at ang Sentrong bahagi.
Yan ang paniniwala ng karamihan sa mga player, pero lingid sa kanilang kaalaman, para sa mga player na may Monster Race. Ang Jiguu Forest ay nahahati sa pitong teritoryo na pinaghaharian ng pitong uri at pinaka makakapangyarihang monster.
Orc King, Goblin King, Ogre King, Spider Queen, Kobold King, Lizard King at Beast King.
...
Gauntlet of Berserker
Durability: 100/100
+20 Armor
+100 Attack Damage
+25 Strength
+15 VitalityBonus:
- (Passive) After using a Skill your next Attack will deal +75% Physical Damage and Slow your enemy by 25% for 2 secs. CD 5 secs.Requirements:
Level 30
[Martial Art: Boxing]
Strength: 100Sinuot ni Ivan ang kanyang bagong Gauntlet, may kakaunting saya si Ivan na nadarama. Sapagkat, simula ng mga nauna nyang laban ay tanging kamao lamang nya ang kanyang gamit.
Ngayon ay may Gauntlet na sya na maiituring na una nyang sandata.
"Medyo may kabigatan.. bumagal tuloy ang mga suntok ko.. naninibago lang ata ako.." wika ni Ivan habang sinusubukan ang bagong sandata.
pagkatapos subukan ang bagong sandata ay nagsimula na si Ivan mang hunt ng monster. Tulad ng dati ay hindi lumayo si Ivan at nanatili lang sya malapit sa Cave upang iwasan ang ibang mga player.
Nais ni Ivan magpalamig lalo na't sunod sunod ang kanyang laban.
At dahil nasa parte lang sya ng kagubatan na may mga monster na mabababang level ay naging matagal ang pagpapataas ni Ivan ng kanyang level. Sa loob ng dalawang oras na paghunt ng mga monster ay naka isang beses lang sya naglevel up.
Dahil dito ay nabagot si Ivan at muling bumalik ng kweba.
pagbalik nya sa kweba ay nadatnan nya si Rey na abala sa pagwasiwas ng kanyang espada na yari sa kahoy.
"gusto mo maging Swordsman?" wika ni Ivan at natuon ang kanyang paningin sa hawak hawak na espadang kahoy ni Rey.
"oo, wala naman akong alam na martial arts.. Sinusubukan ko ang ilang mga galaw na napapanuod ko sa anime at mga movie.." wika ni Rey at tuloy tuloy parin sa pagwasiwas ng espada.
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
ActionNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...