Chapter 12

671 51 2
                                    

A/N: Good Eve! 🐱 3rd Chapter for this week! nababaan ko ang Minimum words per chapter, pero napabilis ko naman ang pagsusulat ko.. hehehe..  Sana magustuhan nyo ang chapter ngayon 😉

Ps. Normal lang ang typo at wrong grammar, at normal lang sa tao ang magkamali. nawa maunawaan nyo ang ilan sa aking mga pagkakamali.
Pss. Gusto mo po ba ng maiba? then why don't you try my New Story? Buhay Hypebeast just for fun 😁

Chapter 12: Outside of the Cave


Hindi na naiwasan pa ni Ivan at namula ang kanyang buong mukha, alam ni Ivan na napansin ni Anna ang pamumula ng kanyang mukha kaya naman umatras si Ivan ng isang hakbang at nanaisin pa sana na tumalikod dahil sa hiya.

Umupo ang dalaga at muling nagsulat.

"Naglalaro ka ba ng New Saga?" wika ni Anna.

"Oo, h-hindi mo b-ba ako namumukaan?" wika ni Ivan sabay turo sa kanyang mukha.

Bakas sa mukha ni Anna ang pagtataka at napaisip pa ito kung kailan ba nya nakita si Ivan.

Umiling iling ang ulo ni Anna.

"Ganun ba kapanget ang character kong goblin sa New Saga para hindi ako makilala? sabi nila kung anong itsura mo sa totoong buhay ganun din sa New Saga.." wika ni Ivan sa kanyang isipan.

"uhmm a-ako y-yung g-g-goblin? y-yung itim na g-goblin?" wika ni Ivan.

Nagulat naman ang dalaga, tinitigan pa nito si Ivan upang siguraduhin at pagaaralan ang mukha nito kung sya ba talaga ang itim na goblin.

Ilang sandali at ngumiti lang dalaga at hindi lang sumagot.

Lumapit si Ivan sa dalaga at umupo malapit sa tabi nito.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Upang hindi maghari ang katahimikan ay pinanguhan na ni Ivan basagin ang katahimikan.

"uhmm m-m-maganda a-ang ti-tinig mo.." mautal utal na wika ni Ivan, lumunok si Ivan at sinubukan na humugot ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kanyang pagsasalita.

"A-akala ko nga.. n-nung narinig ko ang tinig mo sa New Saga i-isa kang s-singer dahil sa g-ganda ng t-tinig mo.." wika ni Ivan.

Bakas ang gulat sa mukha ng dalaga, pero kitang kita sa mga mata nito ang saya.  Muling nagsulat si Anna.

"Salamat.. weird man pero ngayon ko lang narinig na may nagsabi na maganda ang tinig ko.." wika ni Anna na bakas sa mukha nito ang hiya at muling nagsulat.

"Salamat sa New Saga.. kahit panandalian at pansamantala ay naranasan kong makapagsalita, marinig ang sarili kong tinig at maranasang mapuri na maganda ang aking tinig.." Wika ni Anna habang nakangiti at nakapikit, sa gilid ng mga nito'y mapapansin ang bubutil na luha.

Hindi maunawaan ni Ivan kung saya, awa o lungkot ang dapat nyang maramdaman.

Nagkakwentuhan pa si Anna at Ivan ng ilang sandali bago tumunog ang alarm.  Senyales na tapos na ang Breaktime.

...

Lumipas ang ilang oras pa at lumipas na din ang oras ng uwian.

Nagmamadaling umuwi sa bahay si Ivan at pagdating sa kanyang inuupahan na silid ay wala ng bihis bihis pa't agad na tumungo sa lugar kung saan nalatago ang New Saga Helmet.

Paglog in ni Ivan ay bumungad sa kanya ang sunod sunod na notification.

'Ding!'

'Mushroom Farm is Finished..'

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon