Chapter 8

723 52 4
                                        

A/N: Magandang Hapon sa lahat!  I expect na may magtatanong but till now wala parin naman, ang New Saga po ay hindi tulad ng mga story na inyong nakasanayan na may gaming system or Vrmmorpg. Karamihan ng inyong mga nababasa ay ipinapakita ang damage sa paraan ng numero, ganun din sa buhay (Hp) at mana (mp). kung mapapansin nyo wala akong ganun. as long as I can, ayokong maexpose sa numero ang mga mambabasa ko na talaga namang nakakabagot. sa New Saga, more focus ako sa character development than grinding. ayoko ng puro monster momster monster monster... mas on ako sa mga pvp matches.. yun lang sana magustuhan nyo ang chapter nato and maraming salamat sa pagsuorta.

Follow, Vote and Comment is a new way of 'Thanking..'

Chapter 8: The guardian angel..

Ipinanganak si Rob sa mayamang pamilya kaya naman bata plang, lahat na ng gusto nya ay nakukuha nya.  Walang bagay si Rob na hindi nakukuha.

Ang ama ni Rob ay kilalang drug lord sa kanilang lugar na naging dahilan upang katakutan sya, walang naging kaibigan si Rob simula bata dahil nilalayuan sya ng mga classmate nya o kapitbahay.  Ang tanging mga nakakalaro lang ni Rob ay ang mga alalay ng kanyang ama na hanggang ngayon ay kalaro nya sa New Saga.

Lumaki si Rob na walang tunay na kaibigan at dala dala ang paniniwala na miski ang kaibigan ay mabibili ng salapi.

Kapag may hindi nakuha si Rob o may bagay na hindi napasakanya ay agad syang gumagawa ng paraan, kahit na anong paraan sapilitan man o sa madahas na paraan at miski ang pagpatay.  Babae, Kaibigan, Kotse, Laruan o kahit na ano pa mang makapukaw sa pansin ni Rob.

Nang magsimulang ilabas sa publiko ang New Saga Helmet ay hindi ito pinansin ni Rob dahil para sa kanya mas masayang gawin ang pagpapahirap, pangaagaw, pagnanakaw at pagpatay sa totoong buhay kaysa sa laro.

Subalit, agad din nagbago ang isip ni Rob.  Makalipas palamang ng ilang linggo ay laman na ng usap usapan ang biglaang pagsikat ng New Saga Helmet, mapa-diaryo man, social media o balita ay wala nang ibang laman kundi New Saga.

Kaya naman dito na nagpasya pa si Rob na maglaro ng New Saga.

Una tulad ng ibang player quest at grinding lang ang ginagawa ni Rob upang mapataas ang kanyang level at mapalakas ang kanyang sarili.

Hanggang sa unti unti nang nabagot si Rob sa paulit ulit nyang ginagawa kaya naman nang may nakita si Rob na tila magkasintahan na magkasamang nagpapataas ng level ay sinubukan nyang patayin ang dalawag ito ng paulit ulit..  may pagkakataon na aabangan ni Rob ang mga bankay nito, kung minsan ay aabangan ni Rob sa labas ng city o bibili ng Shop Item na [Trace] na nagkakahalaga ng 250 pesos ang isa.  Upang hanapin lang ang magkasintahan at patayin.

Lumipas ang araw at ang magkasintahan na mismo ang sumuko at nagpasyang hindi na maglaro pa ng New Saga..

Dito nakaramdam si Rob ng kakaibang saya at sabik na hindi nya nararanasan sa totoong buhay, sa totoong buhay ay hindi nya maaaring patayin ang isang tao ng paulit ulit.  Subalit, sa New Saga ay natupad ang pinapantasya ni Rob.

Ilang beses itong inulit ni Rob at may pagkakataon na ilang beses din syang napatay dahil humingi ng tulong ang ibang player na kanyang pinagpapatay.  Kaya naisip ni Rob na bilhan din ang benteng alalay ng kanyang ama na sila ring kanyang bantay upang maglaro ng New Saga at maging back up.

Sa tulong ng mga alalay na ito ay mas napadali ang paghunting ni Rob ng mga player, mas napabilis ang kanyang pagpatay.  Sa dami ng kanyang alalay ay wala ng sino man ang makahawak o makalaban pa kay Rob.

Madalas ding agawin ni Rob ang mga Boss kill o yung mga monster boss na malapit ng mamatay upang mapunta sa kanya ang Exp at mga items.

Dahil dito ay nakilala si Rob sa buong New Saga at ang kanyang grupo ay tinawag na RobBrothers.

Mula sa benteng alalay ng kanyang ama ay dumami ng dumami ang myembro ng RobBrothers, kaya naman masaya si Rob na sa loob ng New Saga ay nakalikha sya ng sarili nyang Gang tulad ng kanyang ama.


Tulad ng dating gawi ay masayang naghuhunt ng Player si Rob sa beginner area nang biglang atakihin sya ng isang babaeng Beastman, nagalit si Rob dahil sa isang iglap ay agad syang napatay ng babaeng iyon.

Hindi lamang si Rob, marami pa sa mga myembro ng RobBrothers ang napatay ng babaeng beastman.

Galit na galit si Rob, sa kanyang isipan kapag nahuli nya ang babaeng iyon talagang wawalanghiyain nya ang buong katawan at pagkababae nito.  Subalit, imposibleng mangyari iyon sa New Saga.  Bagamat may 99% realism ang New Saga ang natitirang 1% nito ay para sa mga malalaswang bagay.

Makaraan ang ilang sandali, matyaga nilang pagataki sa dalaga ay kakaunti nalang ang buhay nito at malapit nang mamatay ng biglang sumulpot ang isang goblin.

Sa unang tingin ay masasabi mo na isang simple at pinakamahinang nilalang sa New Saga.  Subalit, lahat sila'y nagkamali ng akala. sa loob ng ilang sandali'y nagmistulan silang mga bata na pinaglalaruan ng isang hamak na goblin lamang.

Kumpara sa laki at taas ng katawan ni Rob at ng kanyang alalay, de hamak na mas maliit ang goblin na halos hanggang baiwang lamang ni Rob.  Pero ito ang naging dahilan upang walang hirap nitong ilagan ang mga pagataki ni Rob at mga magic ng mage.

Kung ang New Saga ay isang simpleng laro lamang mapapaisip ka na ito'y isang kabaliwan.  Tila ba'y tinutulungan ng isang monster ang isang player na makaalis at iligtas ang kanyang sarili.

Makailan ulit na napatay ng goblin na ito si Rob, ganun din ang kanyang mga kasama.  At miski isang beses ay hindi man lang makatama si Rob sa goblin, napaisip si Rob na ito'y isang special event na nababasa nya sa forum sa official website ng New Saga o kaya naman ay isang Story Quest o baka naman ay isang Chain Quest.

Lahat ng mga negatibong nangyari na di magaganda ay agad na napalitan ni Rob ng positibo na naging dahilan upang muling mapataas ang morale at kumpyansa ng kanyang mga kasama.  Kaya naman, sa tulong din ng kanilang pagtutulungan ay napatay din nila ang goblim na sa kanilang kaisip-isipan ay isa sa pinakamalaks na boss sa New Saga.

Ang galit sa mukha ni Rob ay agad ding napalitan ng ngiti sa kanyang mga labi.  Subalit, ang ngiti't saya na kanyang naranasan ay panandalian lamang.

Inasahan ni Rob na kahit hindi ito isang special event, ay magbagsak lamang ng mga rare item o weapon ang boss na goblin na ito ay talaga namang magiging masaya na sya.

Muling nagkamali si Rob, ang kanyang inaasahan na rare item ay nauwi sa isang pirasong tela na hindi mo mapag-iisip na isa palang underwear.  Isang maruming piraso ng tela na mas malinis pa ang basahan ng kanyang sasakyan.  Nung una ay hindi pa alam ni Rob na iyon pala'y isang underwear at kanya pang inamoy, at dun lang nya napagtanto at pinagsisihan na sana binasa muna nya ang detalye bago nya inamoy..

Sa sobra at di nya makontrol na galit ay agad na naglog out si Rob at kumuha ng baril, lumabas ng bahay at nagpaputok ng baril at naghamon ng suntukan.

Tinapakan ang kanyang pagkatao.. yan lamang ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ni Rob.

Ang tanging nais ni Rob ay isang mapait at matinding paghihiganti, ngunit alam ni Rob na sa mga oras ding iyon kahit na magkaharap sila ng goblin muli ay wala syang panama at muli lang sya makakaranas ng pagkamatay at pagkabigo.

Kaya agad na tumungo si Rob sa official website ng New Saga at naghanap ng mga rare items at skills.

Dito nakita ni Rob ang Super Rare skill ang [Time Magic] na agad na binili ni Rob na nagkakahalaga lamang ng 48,000 pesos.  Barya lang para kay Rob.  Kasabay nito ay bumili din si Rob ng mga Rare item at weapon.

[Time Magic] - The bility to manipulate time.
(Beginner)
- [Time Freeze] – can be stacked up to 3, stop the flow of time in your surroundings for 2 secs. Cd 8 sec
(Intermediate)
- [Reverse] – Reflect any attack or skill of your enemy and reverse your position.
- [Time Lapse] – Return to your past position and restore your mana and hp.
(Advance)
- [Refresh] – instantly, refresh the cool down of your skills.
(Master)
- [Time Square] – allows you to cast instantly 2 different skill at the same time..
(Legend)
- [Time Distortion] – slow all enemies in the erea for 5 secs. In 5 secs you will be able to use unlimited teleportation within the area of Time Distortion.


Sinanay ni Rob ang kanyang bagong skill at nagpataas ng Level upang paghandaan ang kanyang paghihiganti.

Kasabay nito’y nagdagdag pa si Rob ng mga bagong myembro ng kanilang gang, ang dating RobBrothers na isa lamang party ay ngayon isa ng opisyal na Guild na may myembrong 47.

Upang pondohan ang bawat myembro pambili ng mga item nila, ang bawat sasali sa kanilang guild ay dapat magbayad.  At araw araw ay dapat may donasyon sa guild na Item na ibinebenta naman ni Rob sa Auction.

Ang mga naipon na pera ni Rob ay ginagamit nya upang palakasin ang kanyang mga myembro, bilhan ng bagong weapon, skills at bumili ng mga potion.

Naging abala si Rob hanggang sa nakatanggap sya ng balita ang pagsulpot ng isang kakaibang goblin na may kulay itim na balat at may apat na maliliit na sungay.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rob at nakakasiguro na sya na ang gobling iyon ay ang goblin na kanyang nakalaban at tumapak sa kanyang pagkatao.

Dito ay isinagawa ni Rob ang kanyang plano, plano na paslangin si Ivan..



“[Dance of Thousands Blade]!” nagliwanag ang talim ng espada ni Rob, at mabilis nitong pinaghihiwa ang buong katawan ni Ivan. “wuhahahaha!  Ano goblin?! Ngayon mo matitikman ang aking galit at ang aking bangis!! Pinaghadaan ko ang araw na ito at gumastos pa ako ng malaki para lang sa araw na to!!” dugtong pa ni Rob na nagsisigaw.

'Ding!'

'[Demonic Gate] will Activate'

'Increase all stat by 10% and receive 1% maximum hp as a damage/sec.’

[Demonic Gate] beginner lvl. 1
- When your hp is below 30% you will be demonize (turn into a demon) for 60 secs.  All stat will increase depends on the phase of your demonization and receive a damage as a penalty.
- (Phase 1) 30% hp, increase all stat by 5% and receive 0.5% of maximum hp as a damage/sec.
- (Phase 2) 20% hp, increase all Stat by 10% and receive 1% of maximum hp as a damage/sec.
- (Phase 3) 10% hp, increase all stat by 15% and receive 1.5% of maximum hp as a damage/sec.

Nag-umbukan ang mga muscle ni Ivan sa buo nitong katawan at naglabasan ang kanyang mga ugat. humaba din ang kanyang mya sungay, kuko at pangil.

Sinubukan ni Ivan na umatras upang gumamit ng [Healing Soul].

“Sa tingin mo di ko alam na may skill kang heal?! Di kita hahayaan!!”  sigaw ni Rob at mabilis na sumugod kay Ivan.

“Fuck!” bulalas ni Ivan, hindi ganun kalayo ang distansya ni Ivan kay Rob kaya naman kapag gumamit sya ng heal siguradong maabutan sya ni Rob at macacancel lang ang heal.

“Tapos ka na! [Dragon Slash]!” sigaw ni Rob ng makalapit kay Ivan at sabay talon.

Ilang pulgada nalang ang layo ng espada ni Rob sa mukha ni Ivan, nang biglang may kung anong bagay ang bumagsak mula sa langit.

Bumagsak ito sa likuran ni Rob na naging dahilan upang bumagsak si Rob mula sa ere at mapadapa sa lupa.  Ang pagbagsak nito ay nagdulot ng isang mahinang pagsabog na naging dahilan upang palibutan ang paligid ng alikabok.

Dali dali namang ginamit ni Ivan ang kanyang healing soul at di na nagsayang pa ng oras.

Nang mawala ang alikabok ay dito na nakita ni Ivan kung ano ang bagay na iyon, may mga tenga na parang tenga ng pusa, may mahaba't mabalahibong buntot, may kaaya-aya't napang-aakit na mga mata.. hindi nagkakamali si Ivan ang beastman na ito ay ang misteryosong dalaga na kanyang nakikita sa rooftop ng kanilang eskwelahan.

Nakaluhod ang dalaga sa likiran ni Rob na wala ng buhay at sa likod nito’y nakatarak ang malahiganteng espada ng dalaga.

Panandaliang nagulat si Ivan sa biglaang pagsulpot ng dalaga at agad din itong nawala dahil nagsisimula na namang umataki ang mga alalay ni Rob.

Agad na inutusan ni Ivan ang mga goblin na magsimula ng umataki, dahil sa galit kay Rob ay nakalimutan na ni Ivan ang mga goblin na ito at dito nya lang naaalala na di nga pala sya nagiisa.

Sa pagkakataong ito'y ang dalaga naman ang gumawa ng paraan upang iligtas si Ivan, sa tulong ng dalaga at mga goblin ay ligtas na nakaalis at nakatakas sila Ivan.

“salamat sa tulong mo..” wika ni Ivan at sabay yuko.

“wala yun.. binabalik ko lang ang utang ko...” wika ng dalaga na naging dahilan upang manlaki ang mga mata ni Ivan.

“h-h-huh? Ano uli yun?” gulat na bulalas ni Ivan at hindi parin sya makapaniwala.

“hmmm? Sabi ko ibinabalik ko lang ang utang ko.. may mali ba sa mga sinabi ko?”  wika ng dalaga na nagtataka at habang nakatitig kay Ivan.

Biglang namula si Ivan at napakamot nalang sa ulo. “buti nalang kulay itim ang balat ko kundi napansin nya na nagbablush ako..” wika ni Ivan sa kanyang isipan. “w-wala naman.. n-nagulat l-lang ako n-nung ma-m-marinig ko yung m-maganda mong b-boses... ay! h-hindi! I-I mean nung m-marinig at m-maintimdihan kita..” mautal-utal na wika ni Ivan.

Ngumiti ang dalaga, “yun ba? Dahil ito sa isang special item binili ko talaga ito upang personal na magpasalamat mismo  sayo.. ngayon nabayaran ko na ang utang ko at napagpasalamat na sa tulong mo, magpapaalam na ako..” wika ng dalaga at nagsimula ng umalis.

Nais sana sya pigilan ni Ivan at tanungin kung ano ang kanyang pangalan, kung ilang taon na sya at kung anong year na nya at kung ano ang section nya..  maraming gustong itanong si Ivan subalit, pinangunahan sya ng daga sa kanyang puso at takot.

Walang nagawa si Ivan kundi ang panoorin muli ang paglayo ng dalaga..

“well makikita ko pa naman sya sa school..” wika ni Ivan at bumalik na sa kweba.



Kumuha ng supply si Ivan at tinipon ang kanyang mga alagang goblin.

“sa tingin ko sapat na ang level ko at mga skill ko para ituloy ang pangalawang hakbang ng story quest..” wika ni Ivan.

Kasama ang mga alagang goblin ay tumungo si Ivan sa silid ng goblin chief na si Gogobuichi.

“HellCry! Anong ginagawa mo dito sa aking silid? Wala akong naaalala na pinatawag kita?” pagtataka ng goblin chief.

“naparito ako upang agawin ang iyong trono at ang paslangin ka..” sagot ni Ivan.

Tumawa lamang ang goblin chief. “nahihibang ka na bata? Ilang araw palamang ang nakakalipas ng ikaw ay isilang ngayon ay naghahangad ka ng mas mataas na posisyon at kapangyarihan?!” galit na atungal ng goblin chief. “mga alagad! Parausahan niyo ang kalapastanganan ng batang ito!!” sigaw ng goblin chief.

Biglang bumukas ang mga pinto ng bawat sulok ng silid at nagpasukan ang apat na hobgoblin.

[Hobgoblin level 34]

“Mukhang di magiging madali ito tulad ng inaashan ko ah!” wika ni Ivan.

[Itutuloy..]

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon