A/N: Magandang Gabi sa lahat! ^_^
medyo late update sensya! hahaha!
so konting balita lang.
may binago pala ako sa skill last update na nakalimutan kong ibalita sa inyo.. my bad sorry 😅 [Devil's Arm] ay ginawa kong [Devil's Grip] parang mas appropriate kasi eh. at may binago na naman ako maliit lang naman.. [Demonic Gate] instead na ang damage per second ay Maximum Hp or yung Total Hp ay ginawa ko nalang Curren Hp, kasi sa phase 3 kung 10% nalang ang hp mo at mababawasan ka ng 1.5% per second panigurado wala pang 10 secs patay na hahaha! then one last thing, I have been thinking kung ifofocus ko sa Kingdom Building or Fighting Scene. let me hear your opinions nalang.. I guess? hahaha! ok sana magustuhan nyo.. salamat..Follow, Vote and Comment is a new way of 'Thanking..'
Chapter 9: Goblin Chief
Gogobuichi Level ???
Goblin Chief
Vitality: ???
Strength: ???
Agility: ???
Intelligence: ???
Skills:
???
"paanong nangyari yun?!" gulat na bulalas ni Ivan. "ilang beses ko na napataas ang level ko, nag-evolve na din ako at may mga bago din akong mga skills.. siguradong tumaas ang total power ko pero question mark parin ang level at lahat ng kanyang stat.." wika ni Ivan na nanlalaki ang mga dahil hindi makapaniwala.
Inutusan ni Ivan ang 11 na goblin na kanyang alalay, "buti nalang sinanay ko ng husto itong mga goblin na to.. kung hinfi malamang isa sa kanila ang sasaksak sa aking likuran.." wika ni Ivan sa kanyang isipan.
Hinati ni Ivan ang mga goblin sa tag tatlo, kasama sya upang bumuo ng apat na grupo at salubunginang apat na Hobgoblin na paparating sa kanilang direksyon.
Napataas ni Ivan ang level ng mga goblin ganun din ang mga skill nito, subalit de hamak na mas malakas sa kanyang mga alalay ang mga Hobgoblin. kaya naman hindi sigurado si Ivan kung may tsansa ba na manalo ang kanyang mga alalay.
Sumugod na si Ivan kasama ang dalawang goblin, at tinuon ang kanyang atensyon sa kalaban na nasa kanyang harapan.
Apat na hakbang mula sa hobgoblin ay biglang huminto si Ivan at inutusan ang dalawang goblin na maghiwalay at tumungo sa hobgoblin sa dalawang magkaibang direksyon.
Inikutan ng dalawang goblin ang hobgoblin na sya namang unti unting papalapit kay Ivan.
Umatras si Ivan ng isang hakbang at ibinaba ang kanyang katawan. "[Shadow Punch]!" naipon ang itim na usok sa kamao ni Ivan at isinuntok sa hangin. Mabilis na tumilapon ang itim na apoy na hugis kamao at tumungo sa dibdib ng hobgoblin, na naging dahilan naman upang mapabagal ay kilos nito.
Magkasabay na tumalon ang dalawang goblin sa magkabilang gilid ng Hobgoblin patungo sa hobgoblin.
Gaganti pa sana ang hobgoblin ng biglang, "[Dark Magic: Bone trap]!" wika ni Ivan. Mula sa lupa na tinatapakan ng hobgoblin ay mabilis na naglitawan ang mga matutulis na buto na tumusok sa braso, balikat, at binti ng hobgoblin na naging dahilan upang hindi ito makagalaw.
Nang masiguro ni Ivan na hindi na makakatakas ang hobgoblin ay agd na gumamit si Ivan ng [Devil's Grip] at hinatak ni Ivan ang hobgoblin papalapit sa kanya.
Pagkalapit ay agad na umikot si Ivan, "[Dark Kick]!" at sinipa ang ulo ng hobgoblin. Tumalsik ang Hobgoblin ng ilang metro at humandusay pa ng bumagsak sa lupa. Mabilis na sumugod ang dalawang goblin at agad na winakasan ang buhay ng hobgoblin.

BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
ActionNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...