New Saga (VRMMORPG)
Arc 1: The Goblin King
Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat..
Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...
100 Views over 20 Votes? awtsuu 😂 out of 100, 20 lang ang nagvovote.. sana madagdagan pa.. nakakataba kasi ng puso yung mga simpleng comment nyo at vote 😁 salamat..
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
We Need Goblin Slayer-san!
Chapter 19: Goblin Vs. Goblin
Habang bala si Rey sa paghanda ng mga sandata, pagkain at mga kakailanganin ay naghanda na din si Ivan.
Walang kaideya ideya si Ivan kung paano napapagana ang Alchemy, kaya naman naglog out si Ivan, binuksan ang computer at tumungo sa official website ng New Saga.
At naghanap ng mga post sa forum about sa Alchemy.
"Recipe.. recipe.. recipe.." wika ni Ivan habang naghahanap.
Lumipas ang maraming minuto ay may nakitang post si Ivan na tungkol sa mga malalaking guild na nagmomonopoly ng mga potion. Ang Alchemy ay isang Production skill na gumagawa ng mga potion tulad ng Healing Potion at Mana Potion. Kung sino mang player na may Production skill na Alchemy ang maglabas ng recipe ng mga potion ay agad na hinuhunting ng mga malalaking guild.
"Puta! kaya naman pala walang nangangahas magpost o magbenta ng mga recipe ng potion!" wika ni Ivan.
Nang mapagtanto na walang mapapala sa Forum ay agad na tumungo si Ivan sa shop at dito naghanap ng mga kagamitan sa Alchemy.
Dito nakita ni Ivan ang binebentang mga kagamitan sa Alchemy na nagkakahalaga ng 2,500 pesos.
Ang shop ay mga item at weapon na binebenta mismo ng Developer ng New Saga at ang Auction naman ay mga player ang syang nagbebenta.
"Tsk.. isang set ng Tools ay 2,500 pesos.." wika ni Ivan.
Dismayado man sa resulta ay wala ng nagawa si Ivan, tinignan ni Ivankung magkano pa ang lamang ng kanyang wallet at mas lalo syang nadismaya ng makita nya na halagang 200 pesos nalang ang laman ng kanyang wallet.
Napabuntong hininga si Ivan, binuksan ni Ivan ang kanyang Facebook at nawala lang ang lungkot sa kanyang mukha ng makita nya na Online si Clovis, agad na tinawagan ni Ivan si Clovis.
"Anong problema?" wika ni Clovis sa kabilang linya.
"Wala naman.. namiss lang talaga kita.. ilang taon na ba tayong magkaibigan pre?" wika ni Ivan.
"hmmm simula ng bata tayo baket?" pagtataka ni Clovis.
"Wala naman.. naisip ko kasi na tagal na pala nating magkaibigan noh? isa sa magandang nangyari sa buhay ko ang makilala ka at nung maging kaibigan ka ang pinaka masayang parte ng buhay ko.." wika ni Ivan.