Chapter 14: Raid IIArnold12345 ay isa sa mga bagong player.
Nang unang beses maglog in ni Arnold12345 sa New Saga ay hindi nya maiwasang mapahiyaw sa kagalakan dahil sa ganda ng senaryo ng lugar at dahil sa ganda ng view na hindi mo talaga maitatanggi na tanging sa panaginip mo lamang makikita.
Tulad ng ibang player ay agad na naghunt ng monster si Arnold 12345 upang mapataas ang kanyang level.
Naglaro si Arnold12345 ng New Saga dahil wala syang ibang mapaglibangan at ang New Saga ang pinasikat, patok at usong laro kaya naman walang nagawa si Arnold12345 kundi subukan ang larong ito.
Hindi nya inakala na ganun kaganda ang larong New Saga.
Walang kaibigan o kakilala si Arnold12345 na naglalaro ng New Saga kaya naman magisa lang syang maghuhunt ng monster at magpapataas ng Level.
Kaya upang hindi mahirapan ay pinili nya ang Swordsman, ang Swordsman ang pinaka magandang choice para sa mga solo player. Di tulad ng Knight, na focus sa defense kaya may mababang damage output na kailangan pa ng kasamang damage dealer at kung mag-isa lamang ay talagang mahihirapan at mababagalan magpataas ng level.
Ang mage at priest, ang mage ay may pinakamataas na damage output subalit kinulang naman sa defense at mobility na dahil upang tanghalin ang mga mage na may pinaka mababang survivability. Tulad ng mage ang priest ay may mababang mobility at defense.
Ang archer at thief, parehas na damage dealer at may mataas ang mobility. ang problema ay parehas na may mababang defense.
Kaya ang pinaka magandang choice ay ang Swordsman, balance ang Swordsman mula sa defense, damage at mobility.
Habang nanghuhunt ng mga monster si Arnold12345 ay hindi nya napansin na unti unti na syang napupunta sa masulak na bahagi ng kagubatan.
Napansin nalang ito ni Arnold12345 nang papalapit nang lumubog ang araw.
Sa New Saga, paggabi ay mas nagiging mabangis at madami ang mga monster. Para sa ibang player ay ito ang magandang oras manghunt dahil mas mataas ang bigay na exp ng mga monster at mas madali silang mahanap dahil ang monster na mismo ang susugod sayo.
Pero para sa mga baguhan na tulad ni Arnold12345 ay delikado ang mga oras na ito lalo na't solo player lang sya.
Agad na kinabahan si Arnold12345 nang umatungal na ang mga Wolf senyales na papalapit na ang gabi.
Ilang sandaling paglalakad ay buti nalang at nakatagpo ng isang maliit na vilage si Arnold12345.
Pagkagat ng dilim ay abala na ang mga sundalo ng village ng kanya kanya nilang lugar at posisyon kung saan sila magbabantay.
Tumungo si Arnold12345 sa tavern upang maghanap ng makakaparty upang subukang maghunt ng gabi.
Nang biglang makarinig si Arnold12345 ng mga hiyawan at sigawan sa labas ng tavern.
Biglang bumukas ang pinto ng tavern at isang npc ang pumasok.
"Inaataki ng mga goblin ang village!!" sigaw ng npc.
Biglang may notification ang lumabas sa harap ni Arnold12345.
'Ding!'
'The village is under attack by the goblin..'
'Din!'
'You have a new quest!'
Protect the villagers 0/200
Kill the goblin 0/102
Repel the attack 0/1
BINABASA MO ANG
New Saga (VRMMORPG)
БоевикNew Saga (VRMMORPG) Arc 1: The Goblin King Ang New Saga (VRMMORPG) ay sarili kong likha, mga pagkakaparehas sa titulo, pangalan ng mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay nagkataon lamang.. maraming salamat.. Taong 20XX, ang taon kung saan unang naim...