Chapter 6

792 57 8
                                    

Chapter 6: Let The Hunt Begin! II

'Level Up!'

Panandaliang nabalot ang katawan ni Ivan ng liwanag at agad nyang nilagay lahat ng kanyang stat sa Agility.

“Shit! Sabi na may mali!”  alam ni Kalamansi ang nabalot na gintong liwanag sa katawan ni Ivan, ito'y senyales na naglevel up sya.

Sa totoo lang mababang Exp lamang ang nakukuha ng mga player sa Pk kumapara sa nakukuha nilang Exp sa mga mob o monster.  kaya walang masyadong player ang umaasa sa Pk upang magpataas ng Level.  Pero dahil Monster Race si Ivan, natural na mas mataas ng Triple ang Exp na nakukuha nya sa Pk.

Naisip ni Kalamansi na ang target talaga ni Ivan ay magcamping sa bangkay ni ChiliMansi at antayin itong mabuhay habang nakkikipaglaban at mapataas ang kanyang level.

Agad na lumabas si Kalamansi mula sa pagiging [Stealth] mode.

“ChiliMansi! Wag ka muna magrevive! Plano nya magpataas ng Level gamit ka!”  Wika ni Kalamansi sa Chat box ng kanilang party.

“kaya pala! Ngayon alam ko na kung baket puro pag-iwas at pag-ilag lamang ang ginagawa nya! Tuso kang goblin ka!”  sigaw ni LuckyMe.

“LuckyMe distraction!  Piercing Attack! [Shadow Steps]!” wika ni Kalamansi.

Tila naging isang itim na usok si Kalamansi na naglalaho at lilitaw sa mga random na lugar.

Sumugod si LuckyMe kay Ivan at nakaramdam si Ivan na tila ba biglang naging agrisibo ang kalaban nyang assassin, kaya naman tumalon si Ivan paatras upang magbigay ng distansya sa kanyang mga kalaban.

“Alam ko na gagawin mo yan! [Kidney Stab]!”  Sinaksak ni Kalamansi si Ivan sa tagiliran kung saan matatagpuan ang kanyang kidney.  Nakaramdam ng matinding kirot si Ivan na naging dahilan upang subukan na makatakas sa kalaban.

'Ding!'

'Invalid Action! You are unable to Move for 1 second!'

'Ding!'

'You received status [Bleed]'

“fuck! na-stun ako! At may bleed pa!”  Wika ni Ivan sa kanyang isipan.

[Bleed]
-Receive damage every Sec and Reduce speed.

“[Power Shot]!”  kitang kita ni Ivan ang mabilas na palaso patungo sa kanyang balikat.

Dahil sa lakas ng Impact ay halos mahiwalay na ang kanyang braso sa kanyang balikat.

Ilang sandali pa'y nawala na ang Stun kay Ivan, sisimulan na sana nyang tumakbo papalayo ng may marinig sya sa kanyang likuran.

“[Shield Smash]!”  wika ni LuckyMe at winasiwas nito ang kanyang panangga na naging dahilan upang tumilapon ng ilang metro si Ivan.

“Chain attack?!” sigaw ni Ivan sa kanyang isipan.

*A/N: Chain Attack – ito ang karaniwang tawag sa magkakasunod o palitan na pag-atake ng mga player upang hindi na makatakas pa o makaganti ng atake ang kanilang kalaban (salitan sa paggamit ng mga disable skill tulad ng stun).

Dahil Chain Attack ito inasahan na ni Ivan na may susunod na naman na pag-atake ang nakaabang sa kanya.

Habang nasa ere ay tumingin si Ivan sa direksyon kung saan sya patungo at di nga sya nagkamali at nakita nya si Original na nakahawak na sa kanyang espada at nag-aantay lang ng paglapit ni Ivan.

Iniikot ni Ivan ang kanyang katawan at sinubukang harangan ang kung ano mang skill ang gagamitin ni Original.

“[Heavy Slash]!”  Gamit ang dalawang braso ay sinubukang harangan ni Ivan ang skill ni Original, at tiniis ang matinding sakit na kanyang nararamdaman.

New Saga (VRMMORPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon